Level 11

1.9K 41 3
                                    

***

(Ashlene)

"Hush now Ashlene. If he can't father your baby, I can." Napasubsob na lamang ako sa dibdib ni Ceo habang pinipigilan ang mga hikbi ko. Bakit ang dali para kay Rio na iwan ako? Kami ng anak nya? Dahil lang sa babaeng yun kinalimutan nya ang lahat ng responsibilidad nya.

"K-aya ko na Ceo. I can face my parents kahit wala sya. That's what I'm doing for years, kaya malalampasan ko rin 'to." I closed my eyes tightly at hinayaang pumatak ang huling butil ng luha na nagpupumilit kumawala mula sa mata ko. After that, I wiped them away at pilit nginitian ang lalake sa harap ko. Sya lang ang laging nandito para sa akin, at hindi ko kayang idamay sya sa problema ko ngayon. Ang dami na nyang naitulong sa akin, napakasama ko nang tao kapag pati sya ipapahamak ko pa kay Dad.

I stood up at isinukbit sa balikat ko ang sling bag na dala ko pa mula kagabi. I've been to Maniago's mansion sa pag aakalang doon dumiretso si Rio. Pero nahuli ako, they already ran away bago pa man ako dumating. Ngayon hindi ko na alam kung saan pa hahanapin ang tatay ng anak ko, at kung ano pa ang mukhang ihaharap ko sa mga magulang ko, lalo na kay Ate Jilliane at Dad. He'll surely kill me lalo pa't malapit na naman ang eleksyon, isusumbat na naman nya ang masisirang pangalan nya, specially sya ang kasalukuyang nakaupong Gobernador.

Bahala na. Nailing na lang ako at muling bumaling kay Ceo na ngayon ay bakas ang awa sa mga mata habang ipinupukol ang tingin sa akin. I just smiled at him at siniguradong okay lang ako bago lisanin ang pad nya.

Pagkalabas ko, agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay ng mga magulang ko. I unconsciously tpiched my belly, don't worry baby, ako ang bahala sayo. I'll protect you, gagawin ko ang lahat para maging ligtas ka mula kay Dad at Ate Jilliane.

"Sa tabi na lang po Manong." Iniabot ko ang bayad at bumaba na ng taxi nya. Tinanaw ko ang malaking bahay sa harapan ko, mula sa mataas na tarangkahan hanggang sa magarbong disenyo ng buong mansyon, I own nothing, lahat ito sa kanila, sa tunay na pamilya ni Dad. How I wish to turn back time, noong kami lang ni Mama ang magkasama, na kahit mahirap okay lang. Hindi ngayong ang komplikado na ng lahat. Every move I make, umaasa si Dad na tama ang gagawin ko, ang  taas ng pressure at ng expectation nya sa akin, dahil anak lang ako sa labas. Kailangan kongmapatunayan ang sarili ko sa kanya pero hindi ko na alam kung paano ko pa gagawin yun sa kalagayan ko ngayon.

I sighed. I need to do this now, kung hindi man nila matanggap, bahala na. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang agad kong nasalubong si Ate Jilliane na mataas pa sa araw ang kilay ng masilayan ako.

"What are you doing here? I thought gusto mong maging independent, bakit bumalik ka pa?" Maasim ang mukha nya basta ako ang kaharap nya. Pero sa pagdaan ng panahon natutuhan ko na ring wag na lang bigyan ng pansin ang lahat ng sinasabi nya. Kahit ano naman kase ang gawin ko alam kong hindi nya ako matatanggap.

"Hindi ko kailangang magpaliwanag sayo. Now if you'll excuse me, kailangan ko pang makausap si Dad." Nilagpasan ko sya at dumiretso papunta sa opisina ni Dad. Pero hindi nya pala ako tinigilan at talagang nakasunod pa sya. Tss. I don't care, bahal sya sa buhay nya. Mabuti nga yun para malaman na rin ni Dad na sya ang may kasalanan ng lahat ng ito.

The Playful AssassinWhere stories live. Discover now