Level 14

1.6K 44 2
                                    

***

(Ashlene)

Anim na buwan na. It's been six months simula nung nawala sya at sinarili ko ang responsibilidad. Ang hirap. Mahirap pagsabayin ang pagbubuntis at pagtatrabaho ko. Hindi ako umasa sa pamilya ko, wala naman akong mapapala sa kanila. Laking pasasalamat ko na lang at merong isang Ceo sa buhay ko.

Honestly, ginusto kong humingi ng suporta sa mga Maniago. Yes, I thought of that many times before, but I refused too. Hangga't kaya ko, bubuhayin ko mag isa ang anak ko. Magiging unfair ako kung sa kanila ko ibubunton ang sisi, si Rio lang ang may kasalanan sa akin, sya lang ang dapat kong singgilin hindi ang pamilya nya.

Matagal na rin simula nung umalis sya, nawalan na ako ng pag asa na babalik pa sya. I'm done crying my heart out dahil ni hindi nya napanindigan kahit ang anak man lang nya. No, I already lost my hope na babalik pa sya. Baka nga magkakaanak na rin sya kay Ashley, who knows right? Maybe he found his happiness in her arms, at alam kong hindi ko naman yun kayang ibigay dahil hindi naman namin mahal ang isa't isa. It's just a night. We just shared a night.

I sighed and shook my head. Hindi ko na dapat sya iniisip pa. Tinalikuran nya kami, and if ever na bumalik sya, hindi nya ako masisisi kung ilalayo ko sya sa anak ko. The wheel will spin again Rio, ikaw naman ang maghahabol.

Isinukbit ko sa balikat ko ang sling bag at pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. I'm wearing a blue maternity dress dahil malaki na ang tyan ko. Dumoble ang timbang ko pero sabi ng OB ko kailangan kong mag ingat, dahil mahina ang kapit ng bata. Pinatigil na rin ako sa pagtatrabaho dahil eight months na ang tyan ko. Si Ceo na ang sumusuporta sa amin ng anak ko. Nahihiya na ako sa kanya. After his work laging diretso sya sa bahay namin para kamustahin ako, kung ininom ko na ba ang mga gamot na dapat kong inumin, even my milk sya pa rin ang nagtitimpla. I'm very thankful na sya ang naging bestfriend ko.

"Hello?" Inilock ko ang paupahang bahay na tinutuluyan ko ngayon. Isinaoli ko na kasi kay Dad yung unit na iniregalo nya noon, dahil I'm not safe there because of Ate Jilliane, araw araw nya pa rin kasi akong ginugulo. Ceo offered his unit since sa bahay nya naman sya umuuwi pero hindi talaga ako pumayag, tama na yung tinutulungan nya kami ng anak ko sa gastusin namin, na balak ko rin namang bayaran kapag nakapanganak na ako at nakabalik sa trabaho.

"Yes Ceo I'm on my way. Okay. I'll see you later." Ibinaba ko ang tawag at sumakay na ng kotse. Ito na lang ang meron ako, ang tanging natira sa mga naipundar ko, dahil naubos na lahat ng ipon ko sa buwan buwan na bayad sa checkup.

Binuhay ko ang makina at minaniobra para makalabas sa makipot na daanan dito sa amin. It's not advisable na mag drive ako pero sayang naman kung mamamasahe pa ako diba?

Nasa kahabaan na ako ng highway nang bigla namang mag ring ang cellphone ko. At first, I thought it's Ceo, pero agad na nangunot ang noo ko nang makita ko ang pamilyar na caller ID.

Kahit napipika na ako, I answered the call and set the speaker on since nag dadrive ako.

"Ano na naman ang kailangan mo?" I asked. Gray Maniago has been calling me since they left. Lagi nya akong kinakamusta at kinukulit na doon sa mansyon nila tumira pero paulit ulit ko na ring nilinaw sa kanya na ayaw ko. Na kaya ko na ang sarili ko. Ayokong kinakaawaan ako, at hindi ko maintindihan kung bakit ang kitid ng utak nya at hindi nya yun makuha kuha.

"Where are you?" He asked. I rolled my eyes kahit hindi naman nya iyon nakikita. Nagsisimula na naman akong mainis sa kanya.

"Pwede ba, it's none of your business!" Mabilis akong napapreno nang may tricycle na sumingit sa linya ko. Damn! Ilang ulit ko syang binusinahan kaya naman agad din syang lumihis.

The Playful AssassinWhere stories live. Discover now