Level 3

3.6K 82 12
                                    

***

(Ashley)

"Huy Gray! Ano ba! Bakla ka ba? Wag ka ngang umiyak dyan!" Natatawa talaga ako sa lalakeng 'to. Kanina pa sya sa sasakyan ganyan. Tahimik tapos sisinghot singhot.

"Wag ka na kaseng bumalik. Masasaktan ka lang." Saad nya bago namulsa. Nasa airport na kame at boarding ko na lang ang hinihintay. At ang lalakeng 'to, andrama drama. Kulang na lang buhatin nya ako pabalik ng bahay namin.

"So? Best friend naman kami ni pain eh." I said and gave him my sweetest smile. Ayoko na syang mag alala pa. Wala nang atrasan 'to. Ilang oras na lang at magkakaharap na kami ni Rio.

"Wag mo nga akong paandaran! Tss. Basta pag sinaktan ka, gawin mo lang yung tinuro ko sayo." He said and I just nodded. Well, sa tatlong taong pagtira ko sa Canada, every weekend, may kung anu ano syang tinuturo sa akin. From punching, to kicking to killing. Adik yan eh! Self defense raw, pero pagpatay ang itinuro sa akin.

Nag antay pa kami ng halos labing limang minuto bago tinawag ang flight ko.

"Oh paano ba yan? There's no turning back. Take care okay? Humanap ka na nga ng girlfriend, remember, you're not that young." Inakap ko sya bago kunin sa kanya ang mga maleta ko. Nakakalungkot na kailangan kong umalis nang hindi sya kasama.

"Tss. Ikaw ang dapat mag ingat. And don't worry, may prospect na ako. Mahirap lang kase parang amazona gaya mo." He scratched his nape and shipishly smiled. Bago pa kami mag iyakan, pumasok na ako at di na sya nilingon pa.

Nasa first class flight ako, sponsored kase ni Gray, at isa pa wala akong nagawa when he insisted.

Isinalpak ko muna ang headphone ko since hindi pa naman kame kumpleto.

Actually, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. I'm sure marami ring tanong si Thea. Umalis kase ako nang walang paalam matapos ang libing ni Chase. Natakot kase ako nun. Natakot ako sa mga tanong ni Rio.

And now, I'm ready. Alam nya naman siguro na sya ang dahilan ng pag alis ko, at common sense na lang na sya rin ang dahilan kung bakit ako nakasakay sa eroplanong 'to.

"---" Nangunot ang noo ko nang may nagwagayway ng kamay sa mukha ko. Tinanggal ko ang headphones ko at hinarap ang katabi ko dahil hindi ko naman sya naririnig.

"What?" I said as I raise my brow. Anong problema ng kanong 'to?

"Uh, sabi kase nung voice over, paki off na raw ng gadgets." He said and flashed a smile, showing his perfect set of white teeth.

"F-Filipino ka?" Gulat na tanong ko with matching point pa ng index finger ko sa kanya. Kung titingnan kase sya, tiyak na mapagkakamalan mo syang American or Australian. Tisoy na tisoy at blonde ang buhok, mala rosas ang pisngi nya. Nakakaingit.

"Yup. Half." Tipid nyang sagot after he chuckle. Itinikom ko na ang naka buka ko pang bibig at pinatay at itinago ang cellphone ko. Kita ko sa peripheral vision ko ang ginagawa nya. May kung ano syang binabasa.

"You know Jacob?" I asked nang makita ko ang pangalan ni Jacob sa kontratang binabasa nya. Hindi ko kase naiwasang mapatingin dun nang makita ko ang official seal ng Daiamondo.

"Uh, excuse me but I guess you know the word privacy. And yes, I know him. Why?" Napataas ng bonggang bongga ang kilay ko nang seryoso nya yung sabihin sa akin na nakakunot pa ang noo. May attitude rin ang isang 'to. Maybe he's from a high class clan. Halata naman sa accent, pananamit at amoy nya. Amoy pera. Amoy mayaman.

"I'm sorry. Nakita ko lang kase ang seal ng Daiamondo, so I got curious. By the way, I'm Ashley Maniago. Jacob's cousin." Inihaya ko pa ang kamay ko at nginitian sya. I'll show him, how to be him. May class din naman ako kahit ampon lang ako ng mga Maniago. At kailangang umakto ako na parang isang Maniago. Like Gray said, deserve ko yun.

The Playful AssassinWhere stories live. Discover now