Level 6

2.1K 45 1
                                    

***

(Rio)

Fvck! For the nth time, cat caught my tongue. Napipi na naman ako. Natorpe na naman ako sa kanya. I want to tell her how much I love her, but this freaking tongue didn't cooperate. Tss.

Nakita ko kung paanong pumatak ang mga luha sa mga mata nya. I want to wipe all those but she said that I do not need to care at all. Yun ba talaga ang gusto nya? She wants me to stay away from him dahil ikakasal na sya. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko. How did I managed to congratulate her sa nalalapit nyang kasal, when the fact is I want to kill that Stanley para ako na lang ang pakasalan nya?

I want to explain everything, I've got all the chances pero sinayang ko na naman. And now, I know, wala nang tyansa pang kausapin nya pa ako, kahit pa pakinggan man lang. Dahil sa ginawa ko, isinara nya na lalo ang puso nya sa lahat. Itinulak ko syang maging ganun. Wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at binayaran na lang lahat ng inorder ko. I lose my appetite. Better leave here, and I'll try to find my peace of mind.

"Rio Maniago Alcantara." Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. I was about to open my car pero mas pinili kong lingunin sya.

"Hey." Yun lang ang tanging naisagot ko kasabay ang pagkunot ng noo. What is she doing here?

"We need to talk." Diretsong saad nya bago inagaw ang susi ng sasakyan ko. I was just looking at her nang walang paalam syang sumakay at umupo sa passenger's seat.

"What do you want?" Maanghang na tanong ko sa kanya. Obviously, I'm not in the mood, hell yeah because of Ashley.

"Drive to the nearest café." She said instead of answering my question. Hindi ko alam, sasagot pa sana ako pero nang makita ko kung gaano sya kaseryoso, wala akong nagawa kundi ang iistart ang makina ng sasakyan, at mag drive palabas ng parking para sundin ang iniuutos nya.

It took us 15 minutes to arrive at Café Olivar. Buong byahe lang syang tahimik at panay ang pag buntong hininga. I wanted to ask what's wrong but I just kept my mouth shut. Ipagpapamamaya ko na lang kung ano man ang tanong ko.

"Order me a frappe. I'll be right there." She said as we entered the café vicinity. Nagturo lang sya ng isang pwesto sa bandang dulo at nagdiretso doon. Which leave me no choice kundi ang sundin na naman ang ipinagagawa nya. There's something different. Iba ang ikinikilos nya ngayon.

She's the kind of girl na vulnerable at masyadong visible ang emotions, pero iba eh. Isa lang ang nakikita ko sa mga mata nya ngayon, anger. Tsk. I shook my head. What am I thinking? It only bothers me kung ano ba ang sasabihin nya.

"One frappe and a glass of water please." Like what she said, inorder ko sya ng frappe, and the glass of water is for me. I have this feeling na hindi maganda ang sasabihin nya. I don't know her. Ang alam ko lang ay kapatid sya ni Jilliane. No more. No less. Kaya ang hirap hulaan ng ipinunta nya.

I sighed bago tinungo ang table. Inilapag ko ang tray at inilagay sa harap nya ang cup. I sat in front of her at panaka nakang ninakawan sya ng tingin. Nakakrus lang ang mga kamay nya sa bandang dibdib at malayo ang tingin. Ganun lang ang siste sa halos limang minuto. That's when I decided na tanungin na sya.

"What do you need? Diretsahin mo na ako. I have no time for this." Mariing saad ko. All along I was thinking about Ashley, tapos ngayon I am dealing with this girl, that I don't even know the name.

"I see. Bakit may date ba kayo ng ate ko?" She said sarcastically. Awtomatikong nangunot ang noo ko. What is she talking about? Jilliane and me? On a date? She must be high or something.

The Playful AssassinNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ