Fifteenth String
ARIANA
Sasabihin ko na bang kailangan niyang lumayo sa akin para hindi na ako masaktan ng ganito? Ang hirap na kasing magpanggap sa harap niya na okay lang lahat.
"See? Bagay mo talaga iyang dress na iyan!" Tuwang-tuwa na saad ni Sha pagkalabas na pagkalabas ko ng fitting room.
"Ang iksi naman nito Sha eh." Sabi ko habang hinihila pababa iyung dress na suot ko.
Hindi ako sanay magsuot ng mga damit na above the knee. Conservative kumbaga.
"Hindi mo lang talaga sanay kaya medyo iling ka but you'll get used to it soon." Sabay wink pa nito sa akin.
"P-pero ang mahal nito Sha. Marami naman akong dress sa bahay, iyun na lang susuutin ko. Wala akong pera."
"Hindi ko naman sinabing ikaw ang magbabayad niyan. Ako. Ako ang bibili niyan para sa iyo."
"Sha naman eh. Ayaw ko."
Alam kong mapilit si Sha lalo na sa mga bagay na gusto niyang mangyari pero itong panglilibre niya sa akin ng isang thousand na dress, ayaw kong tanggapin ito.
"You're going to wear that dress tomorrow, whether you like it or not."
Sha is Sha.
"P-pero ayaw kong gumastos ka ng malaki para lang sa aki--"
"Hep! Silence. Pera ko naman ito Yana. At ikaw ang gusto kong paggastusan nito. Atsaka isa pa, malapit naman na ang birthday mo. Iyan na iyung regalo ko ah?"
"Anong malapit mo diyan? Next month pa iyung birthday ko ah!"
"Malapit na iyun."
"Sha..."
"No. Bibilhin natin iyan. Eto pa! Maganda din itong dress na ito. Try it!" At may iniabot na naman siyang dress sa akin.
"Ayaw ko ng magsukat. Baka bilhin mo na naman."
"Why not? Try mo na!"
At itinulak pa ako ng loka sa loob ng fitting room.
Wala na akong magagawa. Sha is Sha. *sigh*
Pagkalabas ko ng fitting room...
"Wow Yana! Bagay mo iyang dress na iyan!" Boses agad ni Sha ang narinig ko, which is expected ko na iyun.
Pero nandito din pala sila Diego.
"B-bakit kayo nandito?" Freaking hell. Ang iksi pa naman nitong dress na ito. Nakakailang suutin.
"Siyempre maghahanap din kami ng magandang susuutin para bukas." Seth
"Atsaka maganda na din na nandito sila para mas maganda iyung pagjajudge sa pagsusukat mo diyan. Ano Seth and Diego? Bagay ba niya iyang dress na iyan?" Sha
Agad naman akong tinignan nila Diego.
At ako naman itong hindi sanay sa ganitong kaiksing dress, binababa ko ng binababa ito. Konti na lang baka mapunit na ito kakababa ko.
"It's okay. Bagay naman niya naman. Atsaka maganda siyang tignan diyan sa dress na iyan. Ang cute niya. Namumula na nga oh. Hahaha" Bwisit na Seth ito.
Namumula ako kasi grabe makatingin si Diego! Alam niyo iyung parang masyado niyang sineseryoso yung pagjajudge naman daw sa dress na susuutin ko? Feelin judge masyado eh. Please lang Diego..umayaw ka please. Para may kakampi ako.
"Hindi niya bagay." Komento nito.
Thank you Diego!
"Ha?! Anong hindi bagay? Ang ganda nga tignan sa kanya oh!" Pagrereklamo naman ni Sha.
"She's not comfortable sa suot niya kaya hindi niya bagay."
Waaah! Thank you talaga Diego! Ang bait-bait mo talaga!
"Well..she's going to wear that tomorrow, sa ayaw at sa gusto niya."
Ang tigas din ng bungo ng Sha na ito.
"Pero kasi Sha--" Seth
"Hindi siya makakakanta ng maayos bukas kung hindi siya komportable sa suot niya."
Tama! Ang galing mo talaga Diego.
"And I will not let her wear that kind of dress sa harap ng maraming tao. Ang iksi masyado."
And that! The best ka talaga Diego!
"Wow! Makapagsalita ito. Uso kaya iyung ganyang mga maiiksing dress ngayon ano?" Sha
Kainis na Sha ito eh.
"Hindi naman ibig sabihin na uso, kailangan mo ng sundin. May sariling flow ang buhay mo, hindi mo kailangang makisabay sa iba." Diego
Nakita ko namang nanlisik ang mga mata ni Sha sa sinabi ni Diego.
Freak. Gulo ata ito.
"Y-you know what guys?---" Hindi na natuloy ni Seth ang sasabihin niya kasi nagsalita na ulit si Sha.
"Bakit? Iyung liligawan mo ba, hindi ba siya ganyan magsuot ha? Makapagsalita talaga ito." Sha
"Hindi siya nagsusuot ng ganyang damit. Kilala ko siya." Sabi nito sabay tingin sa akin at ngumiti.
Nginitian ko din naman siya.
Bakit siya tumingin sa akin?
Ayaw kong mag-assume pero...sana ako iyung liligawan niya na iyun. Kasi parehas naman kaming hindi nagsusuot ng maiiksing damit gaya ng sabi niya.
Atsaka tumingin siya sa akin eh!
To be continued...
YOU ARE READING
Tinig Kasabay ng Gitara
Short Story[COMPLETED] Nakarinig na ba kayo ng taong madaling mafall dahil lang sa music? Iyung tipong narinig mo lang siyang kumanta ay labis na ang paghanga mo dito? At hindi mo na lang mamamalayan na nahulog ka na pala ng tuluyan. Meet Ariana Cortez. Siya...
