Twelfth String
ARIANA
Sinabi na kasing bawal mag-assume, diba Ari? Ayan tuloy..nasasaktan ka sa mga susunod na scenarios na maiisip mo dahil lang sa sinabi niyang.."babaeng liligawan ko." Ang galing mo talagang saktan ang sarili mo.
Buong hapon akong walang ganang kumanta kasama ni Diego pagkatapos niyang kantahin iyung kantang kakantahin daw niya sa babaeng liligawan niya kuno.
Nakakainis.
Buong hapon din naman niya akong kinukulit kung ano daw iyung magandang iregalo doon sa liligawan niya. Aba! Nakakainis na ah! Puro babaeng liligawan niya..babaeng liligawan niya ulit..tapos babaeng liligawan niya! Kung ako sana iyung pagbibigyan niya, hindi ba? Kaso hindi eh! Ibang babae. Iyung babaeng liligawan niya!
Iyung babaeng akala ko ako.
"Ayaaaan! Naririnig ko sa boses mo ang selos Ari. Hahahaha"
Isa pa itong si Sha.
"Anong selos mo diyan? Hindi kaya!" Medyo lang...tss. OO NA! Nagseselos na!
Magkausap kami sa phone ngayon ni Sha. Nakwento ko naman na sa inyo na ganito talaga kami ni Sha ng mga ilang gabi sa isang linggo kahit buong araw pa kaming magkasama sa school.
"Halata ka na Ariana Cortez. Umamin ka na kasing may gusto ka diyan sa Dee na iyan--oo nga pala. Si Diego."
"Bwisit itong babaeng ito."
"Umamin ka naaaa."
Hindi ako umiimik. Ayaw kong sabihin sa kanya iyung totoo kong nararamdaman kasi baka itulak lang niya ako kay Diego eh may liligawan na nga iyung tao. Nakakahiya naman siyang guluhin.
"Hindi mo man sabihin sa akin iyang nararamdaman mo Ari, alam kong may gusto ka sa kanya. Don't worry. Liligawan pa lang naman. Malay natin hindi magworkout diba? Ipagfasting mo na lang." Natatawa pang sabi nito.
"Ang tindi naman ng suggestion mo Sha. Ipagfafast talaga? Kainis ito."
Oo na. Alam kong nahuli na niya ako kaya hindi na ako magpapakipot.
"Pero liligawan na niya eh. Wala na talaga. Taken na iyung puso niya."
Medyo naluluha ako sa sinabi ko.
Ganito iyung naramdaman ko nung nalaman kong may girlfriend na si Dylan pero mas malala nga lang ng konti iyung kay Dylan kasi sinabayan pa ng hindi niya pagpapaalam sa akin na pupunta siya ng States.
"Uy. May gusto nga talaga siya kay Diego oh! Lagot na. Nahulog ka na nga Ari!"
"Huwag mo namang isigaw! Nakaloudspeaker ka!"
"Kasalanan mo na iyun. Bakit kasi nakaloudspeaker itong tawag ha?"
"Kasi nga nagsusulat ako."
"Nagsusulat ng kanta?"
"Oo."
"Dahil iyan kay Diego ano? Para sa broken mong puso hahahaha."
"Gagi. Papatayin ko itong call kapag hindi ka tatahimik diyan."
"Eh di patayin mo. Si Diego naman ang tatawagan ko kapag pinatay mo ito. Haha"
"At dinamay mo pa siya dito ha?"
YOU ARE READING
Tinig Kasabay ng Gitara
Short Story[COMPLETED] Nakarinig na ba kayo ng taong madaling mafall dahil lang sa music? Iyung tipong narinig mo lang siyang kumanta ay labis na ang paghanga mo dito? At hindi mo na lang mamamalayan na nahulog ka na pala ng tuluyan. Meet Ariana Cortez. Siya...
