Fourteenth String

9 1 0
                                        

Fourteenth String

ARIANA

Iyung sinusubukan mong baguhin iyung nararamdaman mo sa kanya pero sa tuwing gagawin mo, nandiyan naman siya bigla sa tabi mo na parang mas pinapalalim pa iyung nararamdaman mong gusto mo ng mawala? Ang sakit na ah. Ang sakit na Diego.


Nagising ako nang makarinig ako ng malakas na tawanan sa kwarto ko.

"Nakakaewan itong cover na ginawa mo Sha. Halatang hindi mo talaga passion ang music. HAHAHA!"

"Tse! Kinailangan ko lang naman kasing gawin iyan nung time na iyan kasi birthday ni Yana. Gusto kong marealize niya na maganda talaga iyung boses niya."

"Well, it worked out."

"Ha? Paano?"

"Kasi after marinig ni Yana iyang cover na ginawa ni Sha, she started recording her voice through  her phone."

"At nagulat na lang ako ng ininform ako ni Kuya Gabby na may account itong si Yana sa soundcloud. Oh, diba? My voice is so powerful."

"So kasalanan mo pala kuya kung bakit nalaman ni Sha na may account ako sa soundcloud?" Tanong ko pagkatapos kong marinig ang usapan nila..na ako pala iyung topic.

Gulat naman silang apat na napatingin sa akin.

"Kung makatingin itong mga ito, parang nakakita ng multo."

"Well..."

"Huwag ka ng mag-isip ng justifications mo kuya. Hindi gagana sa akin iyan." Sabi ko na lang sabay nagstretch.

"Bakit hindi pa kayo natutulog?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

Sa pagkakaalala ko, 9pm na kanina before akong nakatulog kakaiyak..well, ayaw ko ng maalala iyung time na iyun.

Ayun nga. 9pm na nung time na iyun and hanggang ngayon busy parin itong apat na ito (kasama si kuya) na nag-uusap and ako pa ang topic. Wala ba silang balak matulog?

"Ano na bang oras ha? Baka madaling araw na tapos hindi pa kayo natutulog. Aba! Hindi ako papayag na papasok kayong walang tulog! Atsaka---WHAT THE HELL?!"

Nagulantang ako nang makita ko iyung oras sa wall clock sa kwarto ko.

IT'S ALREADY 10 AM!

"10 am na! Bakit hindi niyo ako ginising?! M-may pasok pa ako--" Napatigil ako nang hinawakan ni Diego ang braso ko.

Feeling ko, hihimatayin ako sa kuryenteng dumadaloy sa katawan ko ngayon dahil sa pagkakahawak niya sa akin at this very moment.

"Hindi tayo papasok ngayon Yana. It's our rest day. Thursday ngayon and bukas na ng umaga iyung contest." Pagpapaliwanag nito sa akin.

Natahimik ako.

Stupid Yana. Oo nga pala. Bakit hindi ko naalala iyun?

"G-gutom na ako. E-excuse me." Sabi ko na lang saka pumasok ng banyo.

Nakakainis. Bakit ako binitawan ni Diego?

Joke. Ang landi eh.

"Akala ko ba gutom ka Yana? Bakit sa banyo ka pumasok?" Rinig kong sigaw ni kuya.

"Masamang magbanyo?!" Galit ko ding sigaw sa kanya.

Aba! Alam kong mali iyung pinuntahan ko pero nataranta ako sa paghawak ni Diego eh. Anong magagawa niya doon?

"Ang sweet talaga ng kapatid ko ano?"

Narinig ko naman ang pagtawa nila Sha.

*sigh* Ano na namang trip ng mga ito ngayon?

At ngayon ko lang narealize...wala pa akong toothbrush at ayos nung kinausap ko si Diego!

NAKAKAHIYAAAA.

To be continued...

Tinig Kasabay ng GitaraWhere stories live. Discover now