Sixth String
ARIANA
Sobrang saya ko na may dalawang lalake sa buhay ko na nagpapasaya sa akin, yung papa ko at iyung kuya ko. Pero siyempre mas magiging masaya ako kung magiging parte siya sa mga taong magpapasaya sa akin.
Pagkatapos naming kumain ng hapunan kasama sila mama ay naghugas na din ako ng pinagkainan namin. Ganito palagi ang routine namin ni kuya kapag tungkol sa kainan. Siya ang magluluto, tutulong ako sa paghahain, siya ang magliligpit, at ako na ang maghuhugas at magbabalik ng mga ginamit namin. Araw-araw iyan..araw-araw.
"Yana! Nagriring iyung phone mo! Sagutin ko na!" Rinig kong sigaw ni kuya.
"Ibigay mo na na lang sa akin di--" Pipigilan ko pa lang sana siya pero narinig ko na sinagot na din niya iyung tawag.
Pakealamero talaga. Bibilisan ko na lang ang paghuhugas ko.
"Hello! Sino ito?"
Nagsino ito pa ah? Parang wala namang pangalan na nakalagay sa screen at nagsino ito pa siya.
"Ano ulit pangalan mo?"
Bakit pa niya tinatanong? Wait lang. Unregistered number ba iyung tumawag?
"Ano? Seth? Bakit ka napatawag sa kapatid ko?"
Ano daw? Seth?!
Mas binilisan ko pa ang paghuhugas ko pero siyempre sinisigurado ko pa rin na maayos.
"Oo. Kuya niya ako. May problema ba tayo doon?"
Aba at!..sinungitan pa niya si Seth! Sinagot na nga niya iyung tawag sa phone ko nang walang tamang pahintulot galing sa akin tapos sinusungitan pa niya iyung crush ko?!
"Pasensya. Ganun ba? Sumali pala ng contest iyun? Hindi man lang nagsabi sa akin."
Fudge. Alam na tuloy ni kuya. Ayaw kong sabihin sa kanila iyung tungkol doon kasi ayaw kong mas mapresuure. Iba pa naman magcheer si kuya..lalo na si mama.
Natapos ko na lahat ng huhugasin ko kaya nagmadali akong lumapit kay kuya sa sala na nakaharap sa nakabukas na television pero walang nanonood kahit si papa at mama.
"Akin na nga iyan! Nangengealam ng gamit eh!" Sabi ko sabay agaw sa kanya nung phone ko.
"Grabe makaagaw ah? Parang may tinatago." Kuya
Pinanliitan ko na lang siya ng mata para tumigil na siya saka naupo sa isang upuan malapit sa akin pero medyo malayo sa kanya. Mahirap na. Baka lumaki iyung tenga niya.
"A-ah...h-hello Seth?"
"Hi there Yana! Yana pala tawag sa iyo ng kuya mo. Ang cute." Halata sa boses nito na nakangiti siya. Fudge. Kinikilig ako.
"A-ah oo. Sila lang iyung tumatawag sa akin ng ganoon."
"I'll call you Yana too. Mas gusto ko iyun kaysa sa Ari. Okay lang naman, hindi ba?"
"Oo naman." Basta ikaw. Waah! Gusto ko ng tumili!
Narinig ko pa siyang tumawa ng kaunti bago muling nagsalita.
"Ang ganda ding kausap sa phone ang kuya mo. Napakacaring niya sa iyo. I wish I have a younger sister too pero wala eh. Sayang."
"Okay lang iyan. At least wala ka ng iisiping iba haha."
YOU ARE READING
Tinig Kasabay ng Gitara
Short Story[COMPLETED] Nakarinig na ba kayo ng taong madaling mafall dahil lang sa music? Iyung tipong narinig mo lang siyang kumanta ay labis na ang paghanga mo dito? At hindi mo na lang mamamalayan na nahulog ka na pala ng tuluyan. Meet Ariana Cortez. Siya...
