Fourth String

13 0 0
                                        

FOURTH STRING

ARIANA

Breaking on the ground

Silence all around

Thinking to myself

Never ever wanna be found

Not now

Napapikit ako sa ganda ng musika na pinapakinggan ko ngayon. It was Marion Aunor's.

But living everyday

Finding my own way

What's the point in finding someone

If you know that

They will not stay

Ano bang silbi ng paghahanap mo ng forever kung wala namang kasiguraduhan iyung mahahanap mo?

I was still looking out

For that some kind of wonderful

But you would not give up on me

You would not let go

Thought I wasn't cut out

For that some kind of wonderful

But you refused to believe

Sana may taong hindi talaga ako kayang ilet go...kaso hindi ko pa siya nakikita. May nakita na ako kaso ako lang nakakakita sa kanya.

You said baby I wish you could see what I see

Coz lately I felt like you're all I'd ever need

And baby there's nowhere else I'd rather be

So maybe you could take a chance on me

Napadilat na lang ako nang maramdaman kong may taong nakatayo sa harapan ko.

"That girl was you!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Seth. Seth ang tawag ko sa kanya kasi 1 year lang naman agwat namin atsaka ayaw ko siyang ikuya, parang nabrotherzone ako kapag ganoon.

Napalingon ang iba na nandito sa loob ng canteen sa amin dahil sa pagsigaw niya.

Napansin naman niya ito agad kaya ngumiti-ngiti na lang siya sa lahat saka umupo ng tahimik sa harap ko.

"Napalakas pala." Mahina niyang tugon pero rinig ko naman.

You said baby I wish you could see what I see

Coz lately I felt like your all I'd ever need

And baby there's nowhere else I'd rather be

So maybe you could take a chance on me

Natapos na iyung kanta nang hindi ko namamalayan. Isa pa naman ito sa favorite ko na kanta sa playlist ko. Pero favorite ko rin naman itong setting namin ni Seth ngayon kaya sakto lang.

"Mabalik tayo..ikaw iyung kinantahan ko nung orientation niyo hindi ba?" Seth

"A-ako?" Aamin ba ako?

"Oo! Nakita ko iyung pagpikit mo kanina habang nakikinig ng music diyan sa phone mo. Namumukhaan na nga kita eh. Tapos ngayon ko lang naalala na Ariana pala pangalan nung babae na iyun and Ariana ka..so ikaw siya." Natatawa pa niyang paliwanag sa akin.

Tumango na lang ako. Hindi din naman ako makapagsalita ng maayos.

"Bakit parang ang tahimik mo? May sakit ka ba?" Sabi nito sabay hinawakan ang noo ko upang tignan kung may sinat ba ako.

Tinig Kasabay ng GitaraWhere stories live. Discover now