Third String

10 1 0
                                        

THIRD STRING

ARIANA

I tried my best not to feel this thing when he's beside me...but I can't.

"Nakapasok iyung compositions mo Ariiiii!" Masayang salubong sa akin ni Sha pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag niya.

"Aray naman Sha eh! Ang sakit sa tenga!" Reklamo ko naman. Pero hindi ko maikakaila na napapangiti ako ng sobra sa nangyayari.

"Pero teka lang, bakit compositions? Do you mean--"

"Yes! Lahat ng compositions mo is pasok! Pero isa lang ang kakantahin mo kasi one contestant is to one composition."

Wow. Lahat talaga? Bilib naman na ako sa sarili ko niyan.

"Ang hirap naman mamili Sha. Mahal ko lahat nung mga compositions ko na iyun."

Kung iisipin kong mabuti, tatlo lang naman iyung nacompose ko na pinasa ko kanina. Tatatlo lang pero mahirap pa ring mamili. Iyung isa masaya na kwela, iyung isa nasasaktan, and iyun isa naman is nagpapaliwanag na may forever.

"Mas prefer ko iyung Hindi Ako. Masakit and at the same time relatable. Maraming makikinig sa kanta mo kapag iyun iyung kakantahin mo." Sha

Napaisip ako sa sinabi niya. Kung tutuusin, sa kantang iyun talaga ako pinakahumugot. Ewan ko ba pero nung time kasi na sinusulat ko iyung kantang iyun is iyun din iyung time na malungkot ako dahil sa nalaman ko...and ayaw ko ng pag-usapan ang tungkol doon.

"Ano na? Iyun na lang ha?" Sha

Napakurap ako nang makakita ako ng isang notif sa soundcloud ko. Pagkaclick ko nito, isang message galing ulit dun sa DEE ang nareceive ko.

"Nandiyan ka pa ba Ari? May kinakausap pa ba ako? Don't tell me tinulugan mo na naman ako?" Sha

"Nandito pa ako Sha."

"Ano ba kasing ginagawa mo at parang hindi mo ako masagot sa mga tanong ko? You sounded like you're doing something important there. May cover ka ba ulit na iaupload? Update mo ako agad kung meron." Hindi ko alam kung anong kinakain ng babaeng ito at ganito na lang niya ako tanungin ng sunod-sunod.

I shook my head. Tss. Nakakasakit ng ulo iyung mga tanong niya.

I clicked Dee's message.

"Wala akong new cover. May nakakadistract lang talaga sa akin ngayon." Sagot ko sa mga tanong ni Sha sa akin then I read Dee's message.

DEE: Hello EyCee! I heard that you joined the competition. Well, thank you kasi sinunod mo iyung wish ko. Bakit pala hindi mo ako minessage para sana nakipagkita na din ako sa iyo to settle things about the contest. Hope you'll reply on this message! :)

"Ano namang nakaadistract sa iyo diyan maliban sa playlist mo ha?" Sha

"May isang account sa soundcloud na nagmessage sa akin kagabi and siya ulit itong nagmemessage sa akin ngayon."

"Baka fan mo? Ano bang pangalan and taga saan naman iyang taong iyan?"

"I don't know if he's a he or she's a she. Dee lang kasi iyung name na nakasulat sa account niya and wala ng ibang infos. Pero feeling ko babae ito."

"Wow. Mysterious ah?"

"Rereplyan ko ba?"

"Ano bang balak mo talaga? Magrereply or hindi? Kilala mo ba iyan? Parang sa boses mo kasi is parang natatakot ka."

"Medyo natatakot lang ako. Isa siya sa nakakaalam kung saan ako nag-aaral pero buti na lang at iyun lang ang alam niya sa akin and not my real name. Kaschoolmate daw natin siya. She also mentioned your name. Sinabi niya na imessage ko lang daw siya kung naisip ko ng sumali and sasabihin daw niya sa iyo agad para maayos na. Hindi mo ba siya kilala?"

Tinig Kasabay ng GitaraWhere stories live. Discover now