FIRST STRING
ARIANA
Piniling makapag-isa,
Piniling huwag ng maghanap ng isang,
Ng isang lalakeng magbabago ng lahat,
Ng aking mga pangarap.
Sinubukang huwag ka ng isipin,
Sinubukang huwag ka ng hanapin ng hanapin,
Pero puso nga naman, natalo ang isipan...
"Ugh! Hindi ko na alam!" Sigaw ko nang marealize ko na wala na akong maisip na kasunod nitong mga linyang sinusulat ko para sa trip kong icompose na kanta.
"Ano ba iyan Ari? Bigla-bigla ka na lang sumisigaw!" Rinig kong sigaw ni mama galing sa labas ng kwarto ko.
"Wala po ma!" Sigaw ko at muling ibinalik ang atensyon ko sa isang papel na konting-konti na lang ay mapupunit ko na sa sobrang inis ko.
Bakit kasi wala akong maisip na magandang linya ngayon dito sa binubuo kong kanta? Kanina naman nung iniisip ko pa lang na gawin ito ay parang madami ng nagliliparan na mga linya sa utak ko. Pero bakit ngayon, wala na?
Nabigla ako nang may nagpop up na notification sa soundcloud ko na account. At dapat lang talaga akong mabigla! Minsan-minsan lang ako nakakareceive ng notif!
Nakita ko namang may nagmessage pala sa akin kaya binuksan ko ito agad.
From Sha: Oy! Alam kong hindi ko online sa fb or twitter or insta wherever kaya dito kita minessage. Magreply ka agad! May balita ako sa iyo, alam kong magugustuhan mo ito. :D
At iyung excitement na naramdaman ko kanina ay biglang nawala. Nakakainis. Akala ko pa naman may fan na ako.
So that's Sha. Our department's governor sa university. Friend ko.
EyCee: Ano na naman iyang balita mong iyan? Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko iyan or else iyung gagawin ko sa iyo ang hindi mo magugustuhan
Aba! Panira ba naman ng excitement!
By the way, EyCee yung username ko sa lahat ng accounts ko.
Sa soundcloud lang talaga ako mahilig tumambay kapag online site ang usapan. Ayaw na ayaw ko kasing nakakabasa ng mga rants sa twitter and ayaw ko na ding makakita ng mga post ng kung sinu-sino sa fb na kung anu-ano din. Nakakaewan pa iyung scroll ka lang ng scroll.
Sha: Magugustuhan mo ito. Promise!
EyCee: Ano nga iyun? Huwag mo nga akong binibitin!
Sha: May contest na ilalaunch sa school!
Pabitin talaga eh.
EyCee: At ano naman iyun na kailangan ko pa atang maexcite?
Sha: Alam ko kasi na marami ka ng nacompose ng songs kaya ko ito sinasabi sa iyo.
Kapag ganitong hindi ako makatapos ng kinocompose ko sobrang badtrip talaga ako pero bigla kasi niyang ininsert yung pagcocompose ko so parang nabawasan ng konti.
EyCee: Ano bang contest iyan? Pwedeng maging direct ka na? Medyo nakakainis na kasi iyung pagbibitin mo eh.
Sha: So eto na nga...pass one piece of your composition sa office bukas para pag-aralan nila kung pwede itong isali sa competition then kakantahin mo kung makukuha ka! 5 piece ang kukunin nila.
Napatigil ako sa nabasa ko.
What the hell. WHAT THE HELL.
EyCee: Ayaw ko!
Sha: What? Totoo naman, hindi ba? Madami ka ng compositions! Narinig ko pa sa phone mo noon nung hiniram ko iyung ibang compositions mo. Ang gaganda kaya!
The hell. Napakealaman pa pala niya iyung mga kinanta ko na compositions ko sa phone ko.
EyCee: No way! Nakakahiya! Hindi pa ako kumakanta sa harap ng maraming tao.
Sha: Kaya nga eto nga iyun! Gawin mo itong opportunity to share your talent! For sure maraming magkakagusto sa composition mo at sa boses mo.
EyCee: Ayaw ko.
Bakit ba kasi ako pinipilit ng isang ito? Paano kung napahiya ako? Paano kung pagkabigay ko pa lang nung piece ko reject na agad? Nasaktan pa ako ng wala sa oras.
Nagtaka naman ako nang wala na akong nareceive na message mula kay Sha.
Actually kaya may soundcloud si Sha ay dahil sa akin. Nalaman niya kasi na nagcocover ako kaya gumawa siya agad ng account at ni-like pa lahat ng covers ko na na-upload. Take note, hindi ko pangalan iyung name ng account ko kaya wala talagang makakaalam na ako yung nagmamay-ari nung account na ito. Pero sadyang matalino lang talaga itong Sha na ito at nalaman niya. Muntik niya pang nasabi sa mga kaklase ko iyung account ko pero buti na lang napigilan ko siya. Isa kasi sa gusto kong mangyari ay walang makakaalam na ako talaga itong nagmamay-ari ng account na ito. Gusto ko na sana kung sisikat man iyung mga covers and compositions ko, ay dahil sa nagalingan sila ng hindi nila ako nakikita. Gusto kong maging anonymous.
Biglang may nagpop up ulit na notif. *sigh* Akala ko pa naman sumuko na itong Sha na ito na pilitin ako na magpasa ng composition ko. Nakakainis talaga. Pinipilit na naman niya ako.
I clicked my notif button pero nagulat ako nang makita ko na ibang pangalan ang nagmessage sa akin. Dee iyung pangalan. Wow. Sino naman ito?
From Dee: Hello! Nalaman ko na magkaparehas pala tayo ng university na pinapasukan. Isa ako sa officer ng department at gusto sana kitang anyayahan na magpasa ng isa sa mga compositions mo. Napakinggan na din kitang kumanta kaya alam kong bagay mo na sumali sa contest na iyun.
Mas nagulat ako sa nabasa ko. Kung iisipin ko kung sino iyung nasa department na may kinalaman sa Dee na pangalan na iyan...Diane, Cassidy, Jane Dy...at wala na akong maisip na ibang pangalan pa. Nakakainis. May kinalaman si Sha dito, naninigurado ako.
Nagmessage ulit iyung Dee.
Dee: Kung napag-isipan mo na pala kung sasali ka, sabihin mo lang sa akin at ako na ang magsasabi kay Sha. Makikipagkita kami sa iyo sa school. Alam kong nagpapakaanonymous ka pero sana magpakita ka na. Malaki ang asset mo sa department.
*sigh* Mukhang walang alam si Sha dito.
EyCee: Hello! Gustuhin ko man pong sumali ng contest na iyan pero hindi ko talaga kaya at ayaw kong makilala ako ng mga tao. Salamat na lang po.
Wala pang ilang minuto nang magreply siya. Ang bilis ah?
Dee: Alam kong sasabihin mo iyan. Okay. Pero kapag nagbago isip mo, just message me.
Isang message pa ang natanggap ko at nakita ko ang pangalan ni Sha.
Sha: Arianaaaaa! Sasali si Camille! You need to compete with her. Ayaw kong yumabang iyung babaeng iyun.
EyCee: Wala na tayong magagawa Sha.
Sha: May prize na gitara kapag nanalo ka.
Napatigil ako. Matagal ko ng pangarap na magkaroon ng bagong gitara pero hindi ako makabili kasi wala akong pambili at ayaw nila mama na bilhan ng bagong gitara kasi may gitara naman ng daw ako. But for pete's sake! That guitar is old! Gitara pa iyun ng papa ko noong kabataan niya!
Sha: And a free vip ticket sa pagguest ni Yeng sa school. For sure may meet and greet pa after nun.
At dinamay pa niya si Yeng. Nakakainis. Gusto kong marinig kumanta si Yeng ng personal!
I had no choice. Gustong-gusto ko iyung gitara at yung free ticket. Para sa pangarap.
EyCee: Oo na. Sasali na.
At wala pang ilang segundo nang magreply si Sha.
Sha: Waaaaah! Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon! Salamat Ariii! Logout na ako. Ikaw lang binalak ko dito sa soundcloud! Haha. Bye!
Babawiin ko na ata iyung sinabi ko.
To be continued...
YOU ARE READING
Tinig Kasabay ng Gitara
Short Story[COMPLETED] Nakarinig na ba kayo ng taong madaling mafall dahil lang sa music? Iyung tipong narinig mo lang siyang kumanta ay labis na ang paghanga mo dito? At hindi mo na lang mamamalayan na nahulog ka na pala ng tuluyan. Meet Ariana Cortez. Siya...
