Eleventh String

5 1 0
                                        

Eleventh String

ARIANA

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kada kumakanta kami pero hindi ko magawa. Unti-unti na ata talaga akong nahulog sa tinig niya.

Simula noon

Alam ko na

Simula noon..

Hindi ako, hindi ako

Sa iyo

*clap clap clap*

Napatingin kami ni Diego sa kung sino man iyung pumalakpak.

"Kuya Bill! Kanina ka pa diyan?" Diego

Si Kuya Bill lang pala. Bigla-bigla talaga itong sumusulpot kapag practice namin.

"Ang ganda ng blending ng boses niyo Diego!" Natutuwang saad nito habang papalapit sa amin.

"Mabuti naman kung ganoon Kuya Bill. May chance ba kami?"

May chance ba kami?

Bakit parang iba iyung pumasok sa utak ko dun sa sinabi niyang iyon?

"Oo naman! Malaki iyung chance niyo ano! Ako na ang nagsasabi."

Pati sa sinabi ni Kuya Bill, iba na naman iyung naisip ko.

Ari..KALMA PLEASE.

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa.

Actually buong hapon na kaming magkasama ni Diego. Wala na din kasi akong nagawa kanina nung sinabi ni Sha na si Diego na iyung makakasama kong kakanta sa Friday. Nakakainis sa umpisa pero mabilis naman na akong nasanay. Medyo hindi na din awkward. Medyo.

"May narinig na din akong ibang covers ni Ari."

Nakabalik ako sa katinuan ko nung narinig ko ang pangalan ko galing kay Diego.

"Oh? Saan mo naman narinig Diego? Close ba kayong dalawa? Kaya pala ikaw iyung pinalit ni Seth sa pwesto niya as partner ni Ari."

"Hindi naman sa close kami pero narinig ko lang somewhere. Pero huwag mo ng isipin kung saan, hindi naman na importante iyun. At least maririnig mo iyung pinakamagandang tinig niya sa Friday."

Actually, nacurious ako doon sa somewhere na sinabi ni Diego. It's like..not the soundcloud.

"Wow. Ang lalim nung tinig." Natatawa pang sabi ni Kuya Bill.

Hindi ba nila alam na nasa tabi lang nila ako? Ako iyung pinag-uusapan nila diba?

Nag-uusap pa rin sila nang hindi ako kinakausap. Wow din. Multo na ba ako?

"Sige bro. Sa ibang grupo naman ako pupunta. Kailangan ko din silang tanungin sa performance nila." Paalam ni Kuya Bill na ikinatuwa ko naman. Aba! OP na ako dito oh!

Nung nakaalis na si Kuya Bill napangiti na lang ako. Haha. Solo na kita Diego. Biro lang.

"Ang laki ng ngiti mo diyan ah." Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang makita ko si Diego na sobrang laki ng ngiti na nakatingin sa akin.

"A-anong ngiti iyan ha Diego?"

"Ngumingiti ka kaya ngumingiti din ako. Ang ganda din kasing tignan ng ngiti mo. Parang nakakahawa."

Tinig Kasabay ng GitaraOù les histoires vivent. Découvrez maintenant