SECOND STRING
ARIANA
Hindi ko alam na ng dahil sa gusto kong makakuha ng free ticket sa importanteng meet and greet with my idol at isang gitarang matagal ko ng gustong bilhin...isang malaking pagbabago ang mangyayari ss buhay ko. Kailangan ko bang matuwa?
"Eto na ba iyun lahat?" Sha
"Oo. Lahat na nga ng compositions ko iyan eh." Iritang sabi ko. Pang-ilang beses na din kasi niyang tinanong iyan sa akin.
"Sigurado ka?" Sha
"Alam mo Sha? Kung hindi lang dahil kay Yeng at sa gitarang iyun hindi ako sasali sa competition na iyan pero kung ayaw mong maniwala diyan sa pinapasa ko, bahala ka na." Sabay kuha ko nung mga papel na pinagsulatan ko ng compositions ko.
"Joke lang Ari. Hindi ka naman mabiro. Haha" Kinuha naman niya ulit ang mga ito at isa-isang binasa. Tss. Hindi pa rin ata naniwala.
"Nga pala, nasaan na iyung sinabi mong kailangan kong ma-meet ngayon para sa contest na iyan?" Ako
"He's on his way. Kain na muna tayo medyo hindi pa kasi ako nakakabreakfast." Kinindatan niya ako at sinimulan na din niyang kinain iyung mga pagkain na nasa table namin.
It's already 8:45 am and nandito kami sa school ngayon. Magpapakita daw kasi yung isang kakampi niya sa contest na ito. Kinuwento pa nga niya sa akin kung gaano daw nila pinaghirapan iyung pagpipilit na matuloy iyung contest na ito. Hindi ko nga lang natanong kung bakit gustong-gusto nila na maituloy ito. Ewan ko ba. Minsan kasi kung ano yung gustong mangyari ni Sha, dapat masusunod o iyun iyung mangyari.
"Ano pa lang oras yung klase mo?" Tanong niya sa akin nung wala ng umiimik niisa.
"9:30." Tipid kong sagot habang nag-iscroll sa phone ko.
Nakakainip. Usapan naman kasi namin is 8:00 am and not past 8:00 am or what. Kung sino man iyang taong hinihintay namin ngayon, sinisugarado kong isa siyang malaking papansin, sagabal, at istorbo. Harsh ba? Nakakainis eh. Iba ako mainip. I don't have patience.
"Malapit na rin pala class mo. Nasaan na kaya iyun?" Napakunot naman iyung noo ko.
"Akala ko on the way na siya?" Iyan iyung sinabi niya kanina. Don't tell me gawa-gawa niya lang iyun. Naku! Magwawalkout ako nang wala sa oras dito. PAIMPORTANTE EH.
"Actually yes. Nasa gate na siya ng school kanina. Iyun iyung text niya sa akin." Sabay browse ng messages ni Sha sa phone niya.
"Look. Oh diba? Nakasulat naman is GATE pero bakit wala pa rin iyung nilalang na iyun?" Nagrereklamong tugon niya habang pinapakita sa akin iyung message sa kanya nung lalakeng iyun, kung sino man siya.
Napairap na lang ako sa inis. Baka gate ng bahay nila iyung tinutukoy niyang gate?
Napansin ko namang may papalapit na isang lalake sa amin ni Sha. The hell with heaven. Okay. Calm down Ari.
"Look who's already here." Nakangiting saad ni Sha habang tinitignan din ang lalakeng tinitignan ko. Kumaway pa ito sa aming dalawa ni Sha.
My goodness. Siya ba iyung sinasabi ni Sha na gustong makipagkita sa akin? Shocks. I can't. Ayaw ko ng kumanta. Hindi ko na kaya. HINDI NA AKO MAKAHINGA SA KILIG KAHIT WALA PANG NANGYAYARI.
Katulad niyo, may crush din ako. Iyung tipong kahit crush lang titigil pa rin iyung mundo mo kapag nakikita mo siya, papalapit man sa iyo o malayo.
"Hi! I'm so sorry. May inutos kasi sa akin si dean na kailangan ko munang unahin that's why I'm late." Sobrang ngiti siya habang nagpapaliwanag sa amin kung bakit siya late.
YOU ARE READING
Tinig Kasabay ng Gitara
Short Story[COMPLETED] Nakarinig na ba kayo ng taong madaling mafall dahil lang sa music? Iyung tipong narinig mo lang siyang kumanta ay labis na ang paghanga mo dito? At hindi mo na lang mamamalayan na nahulog ka na pala ng tuluyan. Meet Ariana Cortez. Siya...
