XI: The truth. :( (DJ's POV)

559 6 4
                                    

Extra lang 'tong chapter na 'to. ito ay para linawin at ipaliwanag ang side ni Daniel. Kung ba't kelangan niyang layuan ang mahal niya. mahirap, pero dadating yung point na kailangan natin yang gawin upang maging maayos ang lahat. Pero, kakayanin mo ba? Kahit para sa kanya?

__

XI: The truth. :( [DJ's POV]

Ilang araw na kong lumalayo kay Kath. Ang hirap. Ang sakit. Ang sakit makita na masaya siya na kasama si Kris. Masaya siya na di ako kasama. :'(

Saturday ngayon. Tumawag siya kagabi. Miss ko na siya. Pero kelangan e. Kelangan ko 'tong gawin.

Bakit nga ba?

*flashback*

Naglalakad ako pauwi. Galing ako kila Kath kanina. Ang saya talaga niyang kasama. Lalo ko siyang minamahal. :D

"Hoy Daniel!" may tumawag sakin. Ang dakila kong bestfriend na umagaw sa first love ko.

Pag harap ko, siya nga. Si Kris. Ang nanliligaw kay Kath.

"Bakit?" tanong ko.

"Layuan mo na si Kath. Akin siya." ano daw? Susuntukin ko 'tong kumag na 'to!

"Bakit ba lahat ng mahal ko, sinusulot mo? Ano bang problema mo?" ayoko talaga ng gulo. Pero napupuno na ko.

"Anong problema ko? Ikaw! Lahat na lang ng mahal ko, ikaw ang gusto! Lagi kang pumapapel sa buhay ko!" ako pa ang pumapapel?

"Eh gago ka pala e! Kung ayaw sa'yo, wag mong ipagpilitan ang sarili mo!"

"Tarantado!"

*booogsh* sinuntok niya ko. Hindi ako gumanti. Dahil magkakagulo lang dito.

Nakahawak ako sa parte na sinuntok niya.

"Layuan mo si Kath! Pag lumapit ka pa sa kanya, sasaktan ko siya!" ano daw?

"Anong gagawin mo kay Kath ha?!" tanong ko.

"Alam mo na yon. Kaya kung ako sa'yo, lalayo na ko sa kanya. Akin siya. AKIN!" tapos tumakbo na siya.

Oo, alam ko na yon. Member kasi ng Fraternity si Kris. At kung lalapit pa ako kay Kath, baka ipapapatay niya si Kath.

Pag pasok ko sa bahay, nandun pala sila Mama. Susunduin na ko.

"Anung nangyari sa mukha mo?" tanong ni Mama.

"Wala po. Natamaan lang ng bato." ppalusot ko. Ayoko talaga ng gulo.

*end of flashback*

Simula non, nilayuan ko na si Kath. Mas pipiliin ko pang saktan nila ko, wag lang ang babaeng mahal ko.

Itetext ko siya.

To: Pedicab. :)

Mag-iingat ka lagi.. Maiintindihan mo rin kung ba't ko ginagawa to.

Sent!

Sana nga, maintindihan mo. Sana, kayanin ko. Sana, walang mangyaring masama sa'yo.

Kath, mahal na mahal kita. Lahat gagawin ko, wag ka lang masaktan. Kahit pa ang kailangan ay layuan ka, kakayanin ko. Para sa'yo.

__

Ang sweet! LOL. Edi syempre, ako lang nakakaappreciate sa gawa ko. ;< Ok lang, masaya naman ako e.Sorry po talaga. Babawi ako pag may bago na kong cellphone. PRAMIS! =)) 

* ashabeybee. ;))

Siya lang ang BATMAN ko.Where stories live. Discover now