XXV: His Side

97 3 0
                                    

Ok. Alam kong maraming galit sakin at gusto na 'kong patayin dahil sa ginawa ko kay Kath. Pero may reason naman yon eh. Oo, nahihirapan na 'ko. Nahihirapan ako dahil nakikita kong nasasaktan ko na talaga siya. Pero ano pa nga ba? Kelangan kong gawin 'to eh.

Hindi dahil engaged ako, may sakit ako, ayaw ng mga magulang ko sa kanya. At lalong hindi dahil di ko na siya mahal. Mahal na mahal ko nga siya eh. Na pati sarili kong kaligayahan igigive-up ko para sa kanya.

Terminal stage na kasi ang colon cancer ni Tita Beth. Nanay ni Zharm, ang ex ko. Anung connect diba?

Sobrang close namin ni Tita Beth na parang nanay ko narin siya. Alam ko namang mahirap para kay Zharm 'to. Si Tita Beth ay teacher sa isang fashion school sa France. Ang international fashion school na gustong mapuntahan ni Kath. Gusto niyang mag-aral don. Pano ko nalaman? Sinabi sakin ni Julia. At nung araw na nalaman ko yun, nalaman ko din na may cancer si Tita Beth.

Nung nakita ko siya sa ospital, kita kong nahihirapan na siya. Pero lumalaban parin siya para kay Zharm.

*flashback*

"D-dj." mangiyak-ngiyak na tawag sakin ni Zharm.

"Kelan pa, Zharm? Kelan pa to?" tanong ko sa kanya.

"Matagal na. Bago tayo magbreak, nadiagnose na may colon cancer si Mommy. Di ko sinabi sayo dahil ayaw niyang mag-alala ka."

Umiyak lang ng umiyak si Zharm. Nung pwede na daw bisitahin si Tita, pumasok kami.

"Zharmella... Daniel." nakangiting bati niya samin.

"M-mommy." lumapit naman si Zharm para yakapin si Tita Beth. Naiyak parin siya.

"Ano ka ba, Zharm. Ang OA mo. Kaya ko to."

"Mommy naman eh."

"Osge na. Lumabas ka muna, kailangan ko lang kausapin si Daniel."

Tumingin muna sakin si Zharm at ngumiti bago siya lumabas.

"Tita Beth."

"Kayo na ba ulit ng anak ko?" tanong niya sakin.

"Ah, hindi po. May girlfriend po ako."

"Sino?"

"Si Kathryn po. Gusto niya nga pong mag-aral dun sa school na tinuturuan niyo sa France eh." nakangiting sabi ko kay Tita.

"Sa France? The Fashion School for Girls?"

"Opo."

"Great. Pwede ko siyang irecommend sa school director. International school naman yun kaya pwedeng hindi na siya mag-aral masyado ng French. May dorm na rin sa loob ng campus at may Filipino Community dun kaya di sya mahihirapan mag-adjust. English din ang medium of instruction."

"Ang ganda naman po ng school na yun. Kaya pala gusto niya dun. :)"

"Marami talaga ang gustong pumasok dun. Pero konti lang ang nakakapasa. Sobrang hirap daw kasi ng entrance exam dun. Pero with my help, she doesn't need to worry. Makakapasok agad ang girlfriend mo dun. :)"

"Talaga, Tita? Thank you po!"

"Ok lang yun. Alam mo namang parang anak na kita." she smiled. "Pero may gusto kong hilingin sa'yo."

"Ano po yun?"

"Pwede bang samahan mo muna si Zharm? Alam kong hind niya kayang mag-isa ngayon. At lalong di niya kakayanin pag nawala na ako. So, Daniel, can you do this for me?"

Napaisip ako sa request ni Tita Beth. Tama siya, hindi to kakayanin n Zharm. She's vulnerable. At para din to kay Tita... pati narin sa babaeng mahal ko.

"Sige po, Tita." she smiled. Tingin ko this is the right thing to do.

Alam ko namang maiintindihan ako ni Kath. Sobrang understanding naman niya eh. At para din naman sakanya to.

*end of flashback*

But things didn't turn out well. Naging sobrang busy ng schedule ko. Ayoko namang sabihin kay Kath yung tungkol sa The International School for Girls. Gusto ko surprise ko sa kanya yun. Ayaw din malaman ni Zharm ng ibang tao na may sakit ang mommy niya. Ayaw niya kasi ng kinakaawaan siya.

Basketball practice, sundo kay Zharm, puntang ospital. Yan ang ginagawa ko after class. Hindi na kami nagkikita ni Kath. Wala na ring communication. Pero sinisigurado kong safe siya. minsan ibibilin ko siya sa ka-team ko. Na tignan kung nakakain na ba siya, o kung safe siya. Masyado akong pre-occupied. Kaya nung nagkita kami, di ko naiwasang sigawan siya.

Gutom, pagod, gulat, saya at takot. Yan ang mga naramdaman ko nung nakita ko si Kath. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong magsorry. Pero hindi ko alam kung anung uunahin ko. At dumating pa yung sumbatan. Di ko na talaga alam ang gagawin ko.

At ang resulta? Nawala sakin ang babaeng may hawak ng puso ko. :( aaminin ko. Ang tanga ko. Sobrang tanga ko. Na pinairal ko yung pride ko. Na inuna ko yung galit ko dahil sa mga narinig kong sinabi niya sakin. At ngayon, di ko na alam ang gagawin ko. :(((((

Mag-isa ko dito sa bahay ngayon. Nag-iisip kung anung dapat kong gawin. Tinext ko naman si Zharm na hind ako pupunta sa ospital ngayon dahil may importante akong kelangan gawin.

Busy sila Diego ngayon. Lahat naman ata busy sa school. Eh ako? Ang dami kong iniisip na pati schoolworks nawawala na sa isip ko. Hayy. -____-

To: Julia

Julia, patulong naman pls

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Siya lang ang BATMAN ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon