XXIII: Misuderstandings...

248 6 3
                                    

"Baka naman busy lang..."

Yan na lang lagi ang sinasabi sakin ni Julia pag tinatanong ko siya kung ba't hindi nagtetext si DJ. Oo, di man lang nagtetext. O kaya nagpaparamdam. January na nga pala ngayon. Pagkatapos nung Miss Independent thingy sa mall, naging ok naman. Ok yung pasko at bagong taon ko. Nasa Alaminos sila kaya di ko siya nakasama. Ok lang, bonding niya yun with his relatives eh. Pero nung nakaraang linggo, lagi na lang siyang wala. Practice daw blah blah. O kaya may gagawin pa daw siya kaya hindi na niya ko hinahatid pauwi.

Well, hindi naman sa gusto ko lagi niya kong hinahatid. Pero kasi, girlfriend ako diba? Sana naman alam ko kung ba't siya umuuwi ng maaga. Minsan umuuwi na siya ng lunch, tapos di na babalik. Di man lang nagpapaalam sakin. Hayyy. :( Ganto na agad eh parang kelan lang naging kami? 

To: DJ ♥

D, may problema ka ba? Ba't di ka nagpaparamdam? :(

Oo, panget na kung panget tignan. Eh mahal ko e. :( di lang ako sanay na di man lang siya nagtetext. One week na siyang di nagpaparamdam. Anubayan. May problema ba siya?! -___-

May pasok pa pala bukas. At bukas, kakausapin ko na siya.

KINABUKASAN

Nandito na 'ko sa school. Ang aga ko nga eh, ang konti pa lang namin. Bakit nga ba? Wala namang okasyon. Mhehe :> wala pa si Julia. Kinuha ko na lang yung libro ko tapos nagbasa. After a minute, ayoko na. Wala ako sa mood magbasa. Tumingin ako sa may pinto, sakto bumukas.

Si Julia lang pala.

 "Bru, natapos mo yung assignment sa Fil?" tanong niya sakin.

"Oo, kunin mo na lang sa bag ko."

"Thank youuu! Good morning :))))" buti pa sila ni Diego, walang problema. :( wala nga ba?

Lessons. Lessons. Lessons. BREAK TIME na. Pero di ko parin nakikita si Deej.

"Khalil, nakita mo ba si DJ?"

"Oo. Nasa gym ah. Practice nila ng basketball. Para sa incoming Foundation day."

Oo nga pala, basketball player siya. Malapit na din pala ang Foundation Day. School fest na din kasi yun. Pati may mga bumibisitang ibang school dito. Cash prize din yung sa sports kaya may nakakalaban na galing sa ibang school.

Dahil wala yung teacher namin sa next subject, niyaya ko si Juls na pumunta sa gym. Baka kasi nandun siya...

"Bruuuuu, nagugutom pa ko, balik muna tayo sa canteen. T______T" -Juls

"Anukaba J. Kaya ka nataba eh."

"Oy, di ah."

Nakarating na kami sa gym. Wow, ang daming tao. May artista ba dito? ._____.

"Ang gwapo talaga ni Daniel noh?"

"Oo nga eh, sana naman mapansin niya ko."

"Diba may girlfriend yon? Si Kathryn?"

"Kathryn? Hindi ah. Eh ba't ibang babae yung kasabay niya kagabi?"

BOOM. S-sino?

Nakita kong nakaupo si DJ dun sa bleachers, nagpapahinga. At may nag-abot sa kanya ng tubig. Tapos nginitian nya.

Ok, mabait lang talaga siya kaya ganun.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa the whole time. At napansin ko, yung jacket na suot nung babae, kay DJ yun. </3

"A-ano, Bru. B-balik na muna tayo sa room. Di pa pala ko tapos sa pagkopya ng assignment sa Fil. Tara na." 

Hinila na ko ni Juls palabas. Bestfriend ko nga 'to. Salamat. :( 

Sino yung babaeng yon? Ba't nasa kanya yung jacket ni DJ? Ganon ba sya ka-espesyal at hindi man lang nagpaparamdam yung boyfriend ko sakin?

Ayokong umiyak. Pero pagdating ko sa room, mas magugulat at mas masasaktan pa pala ko.

May nakaframe na picture ni DJ at nung babae sa upuan ni Deej. At may note na, "Enjoy your day, Padilla. :) -Z <3"

Pucha. ANG SAKIT.

Siya lang ang BATMAN ko.حيث تعيش القصص. اكتشف الآن