V: Bakit siya pa? (Daniel's POV)

1K 7 1
                                    

It's DJ's turn! WAHAHAHA. Tinatamad nga ako e. XD. Wala kase ang focus ko dito o kaya sa IFIWACN. Nasa bago kong storyang walang patutunguhan. TROLOLOL. =))

WALANG KWENTANG UPDATE. WAG MONG ITULOY KUNG DI KA NAMAN INTERESADO.

Eto na, sana ok lang. thanks. =))

___

V: Bakit siya pa? (Daniel's POV)

Haaay. Ang aga kong pumasok ngayon. 6:45 pa lang, nasa school na ko. Di ko alam. Basta, ayoko muna sa bahay. Masyadong malungkot...

Wala akong kasabay. Wala pa kasi sila Diego. Absent naman si Kath ngayon. May family bonding daw sila. Miss ko na siya. Joke.

Nagulat ako nung biglang sumulpot si Kris nung nagpapahinga kami ni Kath pagkatapos ng tour. Oo, kilala ko siya. Si Kristofer Martin, ang EX-Bestfriend ko. Langya. Bakit siya pa?

Ba't ba ambitter ko sa kanya? Kase nung 1st year kami, nagkagirlfriend ako. Si Zharmella Arriola a.k.a. Zharm. Mahal na mahal ko siya. Close siya kay Kris kaya nagpatulong ako sa kanya, best friend ko naman siya e. Ayun, tinulungan niya ko. naging kami ni Zharm. Mas lalo ko siyang minahal. Nung 5 months na kami, I can feel that we are losing the SPARK. (alam niyo na yun, basta.) Tapos, nalaman ko na lang sa mga volleyball teammates ko na sila na pala ni Kris. Langya. Pati girlfriend ko, pinatos? Shet lang. Minsan na nga lang ako magmahal, bestfriend ko pa ang gumago sakin? Tngna. Nagpakatanga ako kay Zharm tapos siya lang pala ang aagaw. Simula non, di na kami nag-uusap. Gago si Kris. Babaero. Lahat, pinaglalaruan lang niya. Kaya nag-alala ko nung nalaman ko na nililigawan niya si Kath. Ayoko siyang masaktan. She's doesn't desrve someone like him. Bakit siya pa?

Nung 2nd year kami, lumipat si Zharm sa San Martin. Sinundan siya ni Kris. Nagka-GF si Kris galing sa dati naming school. Si Ate Joyce Ching. Pero katulad ng iba, niloko lang din niya. Pinaglalaruan lang niya ang mga babae. Aaminin ko, may konting pagmamahal pa din ako kay Zharm. Isa nga siya sa mga dahilan kung ba't lumipat ako dito e. Pero nung naging close kami ni Kath, medyo nawala na siya sa isip ko. Ngayon lang ulit bumalik.

Sa bawat galaw, napapatingin.

Unti-unting tinuturo ka sa akin.

Sa bawat ngiti, na may lambing.

Ako'y unti-unti mong pinapa-ibig.

Wait. cellphone ko yon.

Pedicab. :)) calling...

Si Kath? Bakit kaya?

(Bestfriend kong halimaw!) huh?

"Huh?"

(Ay wala.)

"Bestfriend? Tayo?"

(Oo. Ayaw mo?)

"Ba't ako?"

(Eh kase close tayo. Ikaw ang kasama ko pag wala si Juls. Pati ikaw ang pinakaunang lalaking best friend ko kaya dapat masaya ka!)

Siya lang ang BATMAN ko.Where stories live. Discover now