xx

1.2K 62 5
                                    

"What's good? What's good in seeing you? Park Chanyeol. " napahigpit ako ng hawak sa kamay ni Mommy dahil sa sinabi ni Dad.

"Appa--"

"Have a seat." wala kaming nagawa ni Chanyeol kundi ang umupo. Pagkaupong, pagka-upo namin ni Chanyeol, hinawakan ko ang kamay niya. Nakikita 'kong kinakabahan siya. "How have you been, Baekhyun?" tanong ni Appa. Sakin lang siya nakatingin, at para 'bang wala siyang nakikita kung di ako lang at si Eomma.

"Okay--"

"Okay? Then why did you lose my grandson?" hindi pa kami nagsisimula kumain ganito na agad si Appa. Sobrang kinakabahan ako. "Hindi ka ba inaalagaan ni Chanyeol? I told you, you should've married Daehyun instead of this bastard--"

"--Appa, kaibigan lang ang turing ko kay Daehyun, respetuhin niyo naman ang asawa ko." tuluy-tuloy 'kong sabi kay Appa, alam kong tatay ko siya, pero hindi ko naman pwedeng hayaan na apak-apakan niya lang si Chanyeol na parang basura, dahil hindi basura si Chanyeol.

Asawa ko si Chanyeol.

"That's enough, kumain muna tayo. Mamaya na tayo mag-usap, Chanyeol anak, maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa anak 'kong si Baekhyun, pasensya ka na sa Tatay niyaa--"

"Anong sinasabi mo Honey? Hindi mo anak si Ch--"

"Tumahimik ka Yeobo." mataray si Eomma, siya lang ang nakakapagpatahimik kay Appa, at kapag sinabi ni Eomma na tumigil si Appa ay titigil ito. "Kumain na tayo, pasensya na sa mga binitawang salita ng asawa ko, Chanyeol." ngumiti si Eomma at nagsimula na kaming kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagnguya at paguusap nila Eomma nang biglang tumayo si Appa at may binati.

"Oh! Buti nakarating ka!" napatingin ako kay Eomma at binigyan siya ng makahulugang tingin.

May kasama pa pala kaming iba? "Sorry po, na-late ako, traffic po kasi." yung boses niya, pamilyar yung boses niya. Napatingin ako sa kausap ni Appa.

"Daehyun, have a seat; beside Baekhyun." napatingin ako kay Chanyeol, mahigpit lang ang hawak niya sa kubyertos, kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya, ganun din ang ginawa ni Eomma.

"Si Daehyun dapat ang pinili mo, wala akong pake-alam kung etong bastardong ito ang tatay ng dinadala mo Baekhyun!" Hawak hawak lang ni Eomma ang kamay ko habang nakatingin kami kay Chanyeol na ngayon nakayuko lang. "Walang kwenta itong taong pinili mo Baekhyun, hamak na mas magaling naman sa buhay si Daehyun!"

Naaawa ako kay Chanyeol, dahil lang sa isang pagkakamali namin, ganito ang nararanasan niya.

"Appa, tama na po--"

"Tandaan mo ito, Baekhyun, hinding hindi ko matatanggap si Chanyeol!"

"Baekhyun, anak, okay ka lang ba?" tanong ni Eomma sakin, napansin 'kong nakatingin pala ako kay Chanyeol.

"Are you okay?" tanong ni Chanyeol habang hinahaplos ang pisngi ko, ngumiti naman ako at tumango.  "May nararamdaman ka ba? Nahihilo ka ba?"

"Okay lang ako, Chanyeol. Eomma, okay lang po ako." Sabi ko, napansin 'kong si Daehyun lang ang pinapansin ni Appa at nakita 'kong nakatingin si Chanyeol sakanila.

Si Chanyeol, ayaw sakanya ni Appa, at gusto ni Appa na si Daehyun ang para sakin pero si Chanyeol ang pinili ko. Dati pa lang mas gusto na ni Appa si Daehyun. Pero si Eomma ang gusto si Chanyeol ang para sa'kin, kahit ang pamilya ni Chanyeol, gusto nila kami ni Chanyeol ang magkatuluyan pero sadyang ayaw ni Appa.

Pero wala pa rin nagawa si Appa dahil kapag tumutol siya, mawawalan ng tunay na ama ang dinadala ko.

"So Daehyun, I heard Baekhyun is working in your hospital, how is he?" tumingin sa'kin si Daehyun, aware pa rin akong may gusto sakin si Daehyun, sobrang aware ako.

"Opo, Baekhyun is a great doctor po, everyone in the hospital likes and respects him."

"Including you? You like my son right?" muntik ko na mabuga yung kinakain ko dahil sa sinabi ni Appa. Hindi naman sumagot si Daehyun at ngumiti lang.

"Appa, tumigil na po kayo." sabi ko kay Appa, ayoko nung mga lumalabas sa bibig niya. Wala siyang respeto kay Chanyeol.

"Tama ang anak mo, andito si Chanyeol, nakakawala ng respeto sa mag-asawa." saway ni Eomma kay Appa.

"I don't care, alam ko namang nagsama lang kayo ni Chanyeol para sa anak niyo." naramadaman ko na hindi makagalaw si Chanyeol sa upuan niya, dahil totoo yon. Pero iba na ngayon. "Silence means yes." tumingin si Appa kay Chanyeol. "I know that you don't love my son, Park Chanyeol, alam ko rin na nakabuntis ka ng ibang babae." paano?

"Hon--"

"Hindi pa ako tapos, Hon." pinigilan ni Appa magsalit si Eomma. "Now that you and Baekhyun lost my grandson, may silbi pa ba ang kasal niyo?" alam ko na kung saan pupunta ang usapan na ito.

"Appa--"

"I am not talking to you, Baekhyun. I am talking to your husband." napatingin ako kay Chanyeol at kay Appa, nagmamakaawa na rin ako kay Eomma na patigilin si Appa, pero matigas ang ulo nito. "Chanyeol, I want a divorce, gusto ko mapawalang bisa ang kasal niyo ni Baekhyun." nanigas ako. Ayoko. Ayoko!

Hindi pwede!

"Appa ano 'bang sinasabi niyo!"

"Daehyun should've been your husband! Pero Baekhyun! Sinira mo lahat! Nagpabuntis ka sa lalaking yan, kaya hindi natuloy ang lahat!"

"P-po?!"

"Alam mong matagal ng magkaibigan ang pamilya naten at pamilya ni Daehyun, it was already arranged that you and him should be married! Pero anong ginawa mo? Lumandi ka Baekhyun!"

"Mr. Byun!" nagulat ako sa biglang pagtayo at pagsigaw ni Chanyeol kay Appa. "Bastos na po kung bastos, pero hindi ko po matatanggap na pagsalitaan niyo ng ganun si Baekhyun. Yes I married him just because of the child, yes I treated him like he was just a stranger, pero believe it or not. Mahal ko po si Baekhyun, at hinding hindi ko po hahayaan na mawala siya sa'kin." hinila ako ng marahan ni Chanyeol. Tumingin siya kay Eomma at kay Appa at kay Eomma ulit, hindi niya pinansin si Daehyun. "Sobrang nagsisi po ako sa lahat ng nagawa ko, pero mahal na mahal ko po si Baekhyun, sobrang nasaktan ako nang makita ko siyang umiiyak sa harapan ng anak namin na hindi man lang kami nakita o narinig, sobrang sakit makita na umiiyak si Baekhyun, nagkukulong at hindi kumakain. Sobrang sakit po na makita ang taong mahal ko na hindi man lang ako matingnan ng diretso, when we made up, that's when I realized that, I will never let Baekhyun go. I love him so much that I am never going to let anyone hurt him, including me, lahat gagawin ko para sakanya, kahit pa ikamatay ko." hinawakan ni Chanyeol ang kamay ko. "Aalis na po kami, thank you Eomeonim, Abeonim, it was nice seeing you po." nagbow siya, nag bow rin ako, pero bago pa kami makaalis ni Chanyeol tinawag kami ni Eomma.

"Wait! Sasama ako sainyo." hindi pinansin ni Eomma ang pagtawag ni Appa sakanya at sumama siya sa'min ni Chanyeol.

Habang sana kotse tahimik lang kaming tatlo.

Si Chanyeol ang unang bumasag ng katahimikan. "Eomeonim, I'm sorry for being rude--"

"--No Chanyeol, it's okay, ang Appa dapat ni Baekhyun ang nagso-sorry dahil sa kabastusan niya kanina, I'm so sorry na inapakapakan niya ang pagkatao mo kanina." naiiyak ako, ano 'bang nangyayari samin? Hindi ba kami pwedeng maging masaya ni Chanyeol?

"Okay lang po ano ako lang Eomeonim, wag lang si po Baekhyun." ngumiti si Eomma kay Chanyeol, at ganun din ang ginawa ni Yeol.

"Chanyeol?"

"Yes baby?" kinuha ni Chanyeol ang kamay ko, at hinalikan ito. "Bakit?"

"Pwede 'bang sumaglit tayo?"

"Saan ba--"

"--kay Hyunchan."

back to me ; [chanbaek]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon