She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22

Magsimula sa umpisa
                                    

Ayokong gamitin ang isa kong kamay dahil baka madagdagan pa ang pasa ko ng hindi sinasadya. Sumimangot na lang ako.

"Ang haba ng kuko mo. Putulan mo nga 'yan. It's not hygeinic," sabi niya habang tinitignan ang kamay kong hawak niya.

"Ha? Ayoko nga! Hindi naman marumi ang kuko ko, ah?" Then I pulled my hand from him.

Ang hirap-hirap kaya magpahaba ng kuko! 'Tapos minsan, kapag naputol iyong isa, puputulin na lahat para humaba ulit ng pantay-pantay. Besides, ang ganda kaya ng kamay ko lalo na kapag mahaba ang kuko ko.

"Tsk! Ang sakit mo kayang mangurot. Tingnan mo, nabalatan 'yong kinurot mo, oh." Ipinakita niya pa ang tagiliran niyang kinurot ko kanina.

Nabalatan nga ng kaunti. Napakagat labi ako and look at him with sorry look on my face.

"Ikaw kasi ang aga-aga mong magnakaw ng halik," nakairap kong sabi.

"Masama na bang kunin ang good morning kiss ko?" nakangisi niya na namang sabi.

Kukurutin ko sana ulit siya pero nahaakan niya agad ang kamay ko.

"Ikaw nga, mas matindi pa sa kurot ginawa mo sa 'kin, " sumbat ko sa kanya, but I didn't mean it. Gusto ko lang talagang makurot siya ulit. Ewan ko ba, pero nanggigigil talaga ako sa kanya ngayon.

Did I got pregnant from making out with him last night at pinaglilihian ko na siya ngayon? Oh, god... kung alam ko lang na ganoon kabilis mabuntis, sana pala tinodo-todo ko na kagabi!

"I'm sorry... I promised last night that I won't do it again. I'll never hurt you like that again," he sincerely said again.

Kinabig niya ako palapit sa kanya at niyakap ako, habang ang isang kamay niya ay hawak ang sandok. He kissed my forehead.

"Now, take a seat and wait until I finished cooking breakfast," utos niya sa akin.

Dahil masunurin ako, umupo lang talaga ako at pinanood siyang mag-prepare ng pagkain. Kahit gusto ko pa sana siyang lambingin, nagrereklamo na ang tiyan ko kaya kailangan ko muna siyang lagyan ng laman bago pa niya sirain na naman ang moment namin ni Mark.

Nang matapos siyang magluto at maghain, siya pa rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Napaka-sweet naman talaga. Para kaming newlyweds. The husband does the things in the house in the beginning, then later, everything will be the wife's job. Minsan naiisip ko na ang unfair niyon, pero ganoon yata talaga. Sa una lang magagaling ang lalaki. Parang ayaw ko na rin tuloy mag-asawa.

Natawa ako sa mga naiisip ko. I started to sound like a manhater. Pero iyon talaga ang napapansin ko.

"This is good," kumento ko pagkatapos ko sumubo ng fried rice. "P'wede nang mag-asawa!" dagdag ko pa.

"Really?" Tumaas ang isang kilay niya habang nakangisi siya.

"Well..." Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy kumain.

Ito na naman ako! Kung anu-ano na naman ang sinasabi ko na pinagsisisihan ko agad! I should really learn how to control my mouth or think about the things before I say it, at least.

Huminto siya sa pagkain at nakatitig lang sa akin. I can feel the creep because of his stares.

"You know what? You're right..." he said after a minute of staring at me. And yes, I counted the seconds! "We should get married."

Sunud-sunod akong napaubo dahil sa sinabi niya. Agad naman niya akong inabutan ng tubig. I immediately drank it until the last drop.

"Mark—"

"When we got married, hindi na ako mag-aalala sa 'yo kung nakakain ka na ba o kung nakakapagpahinga ka ba. Mas madali kong mamo-monitor lahat ng ginagawa mo," he explained in a dead serious tone.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon