TTGWLMM

84 1 0
                                    

3/8/17


To The Girl Who Loves My Man


This is for her who loves what's MINE. 

====================================================

Para sa babaeng gusto ang mahal ko, hello nga pala. 

Andito ako ngayon para sa isang tula. 

Huwag kang mag-alala, hindi ako magagalit dahil alam ko. 

Alam na alam ko kung bakit siya'y nagustuhan mo.

Hindi mo kasalanan, na nakita mo rin ang nakikita ng aking mga mata

Kung paano magmahal ang isang tulad niya

Andito ako, para sabihin sa iyo,

Na sana maintindihan mo, na mahal ko ang gusto mo.

Alam ko na sa mga biro niya't pagyakap sa iyo,

Mga pick-up lines na talaga namang nakakalito,

Ay siyang dahilan ng pagkahulog mo. 

Alam ko ang mga tingin na binibigay mo, mga tingin na kahawig ng akin,

At sana'y ikaw nalang siguro,

Kasi paniguradong siya'y maaalagaan mo ng higit pa ng akin,

Kaso pasensya na. Mabait ka man o maganda, 

Pero hindi ako bibitaw basta-basta,

Hangga't alam kong ako'y mahal niya pa. 

Pasensya na, kahit alam natin pareho na ako'y aalis na, at siya'y iiwan ko pa,

Pero hindi ito ibig sabihin na dapat ay ikaw na. 

Pasensya na, pero inaamin ko, wala dapat akong ipag-pasensya sa iyo. 

Dahil alam nating pareho, 

Kung sino ang nakahawak sa alas. 

Para sa babaeng mahal ang mahal ko, 

Sa mga oras na ito, hindi ko siya bastang maibibigay sa iyo.

Para sa babaeng mahal ang mahal ko,

Andito ulit ako para klaruhin sa iyo, na hindi ako galit sa nararamdaman mo.

Pero mas tandaan mo sana,  na andito ulit ako, para ipaalala sa iyo,

Na hindi ko maibibigay ang gusto mo. 

Kung siya'y balak mong agawin, sa puntong ito, sana'y alam mo na,

Na akin lang ang akin. 


~~~~~~

--ClaireMontecino

Poems Of Different Kindsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن