Boyish

105 2 0
                                    

"IKAW YUNG MAGANDANG BABAE NA LALAKI POMORMA." - R.M.


Lakad niyang astigin.

Minsan ika'y mapapalingon sa tuwing siya'y dadaan,

Sa lakad na talagang makakaagaw pansin,

Mapapaisip ka kung trip niya ba'y binata o binibini

Kaso wala akong pake, alam ko lang ako'y nabibighani

Sa babaeng maganda pero lalaki kung pumorma

Miss na maganda, pwede ba nama'y pansinin?

Pero kahit paglingon sa akin, ay di mo magawa

Pananamit mula ulo hanggang paa, ako'y napailing

Napatingin saking suot, hawig ang aming porma

Upo niya nga'y dekwatro, iba ang tindig

Kung makitungo sa iba, walang halong arte

Lahat ng nasa isip, ay siyang sinasabi 

Kaya miss na maganda, ako naman ang pansinin

Wala akong paki, 

Kung sabihin man nila na ika'y tomboyin

Ikaw yung babae na lalaki kung pumorma, 

Kaso pag ika'y nagbihis babae, hanep ang ganda

Pero masasabi kong ikaw rin ang babaeng, lubos nagustuhan 

Kaya Miss na maganda, 

Sana nama'y maging akin, 

Ika'y tatanggapin,

Kahit sa akin ay mas lalaki pang pumorma. B-)


<3


-Claire Montecino 




Poems Of Different KindsWhere stories live. Discover now