Comparison

153 3 0
                                    

10/02/16

Napapaisip ako kung bakit nagkukumpara ng tao samantalang hindi naman sila magkapareho.

Bakit ba kasi hinahanap sa isa kung wala sa isa?

Hindi lang talaga mapigilan minsan.

Matatawag bang pagkasakal kapag ayaw niyang palagi silang magkasama?

Matatawag bang pagkasakal kapag minsan napipilitan siyang magpanggap na nasisiyahan sa mga kwento niya?

Matatawag bang pagkasakal na mas gugustuhin niya pang hindi niya ikansela ang mga lakad niya  sa barkada para siya'y makasama?

Minsan naiisip niya lang na nadagdagan lang ang kanyang obligasyon sa buhay. 

Nadadagdagan ang dapat pagbibigyan niya ng pansin sa kanyang oras na tila kinukulang pa sa lahat ng iniisip. 

Pagkakasakal ba talaga? 

O baka naghahanap siya ng ibang pagkatao sa ibang katauhan. Sa katauhan niya?

Kung sa text niya noon ay napapangiti at bumubuo ng araw niya sa tuwing bumabati ito sa umaga.

Inaabangan ang eksaktong oras ng kanyang tanghalian para lang makausap siya.

Ngumingiti ng madalas sa tuwing siya'y sumasagi sa isip. Lumalakas ang pintig ng puso.

Matagal man magreply minsan ay iniintay kahit maliit ang pasensya. Nag-uusap magdamag ng walang kapaguran at kabagutan. Pangalan niyay mabasa lang, napapangiti ka na.

Sobrang tagal matulog kakaisip sa kanya, akala'y nagka-insomnia na. 

Kulang man ang tulog, inaabangan pa rin ang pagising ng maaga para makausap siya.

Isang masakit na linyang nabanggit, nanlamig, nanginig, at nabasag ang kanyang puso sa kanyang paglisan. 

Pero ni isang patak ng luha ay hindi dapat sinasayang sa mga taong nauunang lumisan. 

Sa tuwing umiinom, siya'y naiisip kaya ansarap tuloy lumaklak pa. 

Tangina, minahal mo nga siya talaga. 

Ngayon ay madalas nagpepeke ng tawa. Nakakainis, ang plastik pa. 

Samantalang siya, ay buong lakas umaalay ng pagmamahal niya.

Hindi ka man lang ba nakokonsensya na kinukumpara mo siya sa kanya?

Hindi ba dapat kang maging masaya na gusto niyang palagi kang kasama?

Hindi ka ba marunong magpahalaga sa lahat ng pagpupunyagi niya?

Hindi ba ikaw ang siyang may kasalanan at hindi siya?

Hindi ka man lang ba nakakaramdam ng mumunting selos para maramdaman niya namang takot ka ring mawala siya? 

Pag-iintindi ba talaga ang tawag o palagi lang okay ang lahat para sa'yo upang patuloy niyang mararamdaman na wala kang pakialam sa kanya?

Putragis. Hindi nararapat sa kanya iyon. 

Pag-isipan mong mabuti at wag kang paasa. Isipin mo ang  mararamdaman niya pag ganito ang kanyang naiisip sa iyo ng hindi mo alam.

Nasasakal ka lang ba talaga o nagkukumpara ka?


Poems Of Different KindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon