Tanga

210 3 1
                                    

Dedicated sa bespren kong tanga.


-----------------------------------------------------------  


Perpekto siya sa aking paningin.

Lahat nasa kanya na, pero bakit parang kay hirap niyang abutin?

Ganoon pa man, minahal ko siya, 

Mahal ko pa rin siya,

Kahit nagmumukha na akong tanga sa paningin nila.

Nagkalayo man kami, minahal ko pa rin siya.

Oras ma'y di niya halos maibigay,

Hayaan na. Sa text niya'y ako pa rin ay maghihintay.

Iintindihin siya kahit tila mahirap na. 

Masakit na. 

Nakakita man siya ng iba,

Okay lang. Ganito magmahal ang mga tanga.

Minsanan na lang nagpaparamdam, 

Sa tuwing ako'y kailangan lang,

Okay lang. Paulit-ulit. Okay lang.

Umiyak man tuwing sumasapit ang gabi,

Ako'y andito pa rin umaasa gabi-gabi,

Na sana'y ako nalang. Akin nalang siya. 

Sabi ng mga kaibigan na siya'y kalimutan na, pero hindi ko kaya.

Tanga  na kung tanga. 

Hindi ko talaga kaya.

Huwag mo akong pagsabihan, pakiusap. 

Dahil hindi iyan papasok sa aking isip.

Tanga na kung tanga.

Wag mo akong sumbatan, 

Dahil ang tangang 'to, ay lubusan kung magmahal. 

Tanga na kung tanga, pero balang araw,



Makakalimutan ko rin siya tangina niya.

-----------------------------------------------------------

Bayut, mag isa ka tuig na naka move-on pa ka GAMAY. My goodness. Hahahaha    

-ClaireMontecino





Poems Of Different KindsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum