Kung aalis man
Alam nang iba ang babalikan
Nagsabay naman na kami sa dulo ng chorus.
Simula noon..alam ko nang
Hindi ako
Hindi ako
Sayo
Natapos namin ng maayos ni Seth ang kanta at halos lahat sila ay pumalakpak pagkatapos.
"In all fairness, bagay ang boses niyong dalawa Seth! Why don't we try na ipagduet kayo sa mga susunod na events?" Kuya Bill
Nilingon naman ako ni Seth kaya tinanguan ko na lang siya.
"Pag-iisipan namin ni Ari." Nginitian niya ako pabalik.
Tumango na lang ako pangsang-ayon sa sinabi niya.
"Kung iyun ang gusto niyo. Next na!" Kuya Bill
Maganda naman ang kinahinatnan ng pagpepresent namin ngayon. Narinig ko na din iyung mga kantang kakalabanin ko. May mga hindi kumanta ng kinompose nila at pinakanta na lang sa kakilala nilang kayang kantahin ng maganda iyung mga linya na naisip nila at meron din namang katulad ko na ako mismong nagcompose ang kumanta ng sarili kong composition.
"Bye Ari! Bukas ulit!" Paalam sa akin ni Seth pagkatapos niya akong hinatid dito sa bahay kasama si Sha.
"Bye Ari!" Sha
Kumaway na lang ako sa kanila saka pumasok na ng bahay.
"Hinapon ka ata ngayon, Yana." Nakangising salubong sa akin ni Kuya.
Kuya ko nga pala, si Ken.
"Masamang umuwi ng hapon?" Pagsusungit ko.
"Ang sungit talaga nitong kapatid ko na ito." Sabi niya at ginulo iyung buhok ko.
"Ugh! Huwag mo ngang ginugulo iyung buhok ko kuya!" Reklamo ko naman. Palagi na lang niyang ginagawa sa akin iyan.
"Ang cute mo talaga bunso. Hahaha" At mas nainis pa ako sa tawa niyang parang nang-iinis. Kainis.
"Oh ayan! Ngumunguso ka pa. Para ka ng isda niyan! HAHAHAHA" Bwisit itong lalakeng ito.
"Bahala ka diyan!" Inis kong sabi saka naglakad na lang papuntang kwarto ko pero hindi ko pa nahahawakan iyung pinto ng kwarto ko nang magsalita siya.
"May miryenda akong niluto, kanina pa kita hinihintay para sana sabay tayo kasi nagutom ako eh. Haha. Kaya ikaw na lang kakain. Nasa lamesa iyung miryenda."
Ito naman ang gusto ko kay kuya, iyung pagiging sweet niya. Hindi naman siya palaging ganyan pero kapag naging sweet kasi siya ay sobra-sobra sa sweet na pwede ka ng langgamin.
"Salamat kuya." Sabi ko sa kanya bago pa siya makapasok ng kwarto niya.
"You're welcome bunso." Sabay ngiti nito at pumasok na ng tuluyan.
Wala sila mama kapag ganitong oras pero mamayang mga 7 na sila makakauwi. Si kuya iyung madalas na nagluluto ng pagkain namin dito sa bahay kasi hindi lang siya marunong, hilig niya talagang magluto. Kaya nga pagluluto din ang kinuha niyang course.
Nag-ayos muna ako saglit ng gamit ko at nagpalit bago ako kakain.
Pero siyempre kasali sa pag-aayos ko ang pagchecheck ng soundcloud account ko.
May notif ulit and message ni Dee. Binuksan ko naman ito agad.
DEE: I saw you earlier!
Nagulat ako sa message niya. Nakita niya ako? Kilala ba niya ako para alam niya kung sino si EyCee?
Nireplyan ko naman siya.
EyCee: Baka naman hindi ako iyung nakita mo. Alam mo na..hindi EyCee ang totoong pangalan ko.
Nagreply naman siya agad. Mukhang mamaya ko pa makakain iyung miryendang hinanda ni kuya.
DEE: No! I know it was you. Hindi EyCee ang pangalan mo sa personal at alam kong hindi ko alam ang totoong pangalan mo pero alam kong ikaw iyun.
EyCee: At paano ka nakakasiguro na ako nga iyung nakita mo?
DEE: Ilang beses ko ng pinakikinggan ang boses mo dito sa soundcloud. Kabisadong-kabisado ko na ang boses mo at narinig kitang kumanta kanina sa music room. Nandoon din ako sa loob at pinapakinggan ka. Alam kong ikaw siya. Alam kong ikaw si Ariana.
BUSTED
To be continued...
YOU ARE READING
Tinig Kasabay ng Gitara
Short Story[COMPLETED] Nakarinig na ba kayo ng taong madaling mafall dahil lang sa music? Iyung tipong narinig mo lang siyang kumanta ay labis na ang paghanga mo dito? At hindi mo na lang mamamalayan na nahulog ka na pala ng tuluyan. Meet Ariana Cortez. Siya...
Fourth String
Start from the beginning
