Fourth String

Magsimula sa umpisa
                                        

Maluwang naman itong music room kaya sapat ito para sa aming lima na maglalaban-laban. May isa kaming mentor and si Sha ang mentor ko. Si Seth naman is iyung makakasama ko lang na kakanta. Pwede ding hindi ako mismo ang kakanta sa composition ko kasi rule iyung kung hindi ka naman talaga kumakanta. Pero ayaw ko na iba ang kakanta sa sarili kong kanta. Mas ramdam ko kung ako mismo.

Nagsimula naman ng kantahin nung isa kong kalaban iyung composition niya. Maganda din ang boses niya. Sobrang ganda din ng kinompose niyang kanta.

Pangatlo ako sa kakanta kaya medyo hindi pa ako kinakabahan. Pero nung susunod na ako hindi ko magawang tumayo. Feeling ko hinihila ako ng gravity.

"Okay ka lang Ari? Tayo na ang susunod." Nakita ko sa mukha ni Seth ang pag-aalala.

"O-okay lang. Medyo..medyo kinakabahan lang ako."

"It's okay Ari. Kasama mo naman ako na kakanta. Alam kong takot ka sa mga ganito pero kasama mo naman ako kaya huwag kang kabahan, okay? Basta kumanta ka lang. Kung ano ang gusto mong emosyon sa kanta mo, iyun ang ilabas mo." Sabi sa akin ni Seth saka ako inalukan na tumayo na kasi tinatawag na din kami ni Sha.

Parang nagslow motion ang paligid ko sa paghawak ni Seth sa mga kamay ko habang nakatayo kami sa harapan ngayon.

"So you're song is entitled Hindi Ako. Mukhang masakit ito." Natatawang komento ni Kuya Bill saka napatingin sa akin.

"Oh! Hi there Ariana, the lucky girl! Nasakto pa na ikaw ang napili ni Seth na tulungan! Maswerte ka talaga!" Wow lang. Naalala pa pala ako ni Kuya Bill.

Nginitian ko na lang siya.

"Okay. Nagulat lang ako. Kumanta na kayo." Kuya Bill na nangingiti na lang sa amin.

Nagsimula naman ng nagstrum si Seth.

Ilang araw na ang nakalipas

Nung umalis ka

Isa-isang bumalik iyung mga alaala sa utak ko.

Simula bata pa tayo'y magkasama na

Kaya nasanay na ako

Ito ang dahilan kung bakit ko ito nacompose. Itong masakit na alaala na ito.

Alam ko naman na babalik ka

Alam ko namang dapat 'di na umasa

Kasi sa umpisa pa lang

Halata na ang lahat

Tinignan ko na lang si Seth para hindi ko na maisip pa iyung mga araw na iyun. Ang sakit pa rin kasi hanggang ngayon. Masakit pa rin kahit wala siyang intensyon na saktan ako o iparanas sa akin itong nararamdaman ko ngayon.

Kinanta na din niya iyung part niya which is iyung chorus.

Simula noon

Alam ko ng iba ang laman ng puso mo

Ginawa kong parehas na nasasaktan iyung babae atsaka lalake sa kantang ito pero ang totoo iyung babae lang talaga ang nasaktan.

Simula noon

Tinig Kasabay ng GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon