Mas uminit ata ako dahil doon sa paghawak niya sa akin. Feeling ko namumula na iyung mukha ko.
"Medyo mainit ka." Sabi niya at may kinuha agad sa bag niya. Gamot pala iyung kinuha niya.
Inabot naman niya ito agad sa akin.
"Kumain ka naman na hindi ba? Ayaw gamot. Medyo mainit ka eh."
"A-Actually hindi ako nagbebreakfast. And--"
"Naku! Kailangan mo ng kumain ngayon para makainom ka na. Mahirap pa naman ng magkasakit ngayon. Ano ba gusto mong kainin? Ako na ang bibili." Nginitian niya ako pagkatapos niyang sinabi iyang mga iyan.
"W-wala naman akong sakit, Seth."
"Anong wala?" Hinawakan mo ulit ako sa noo at pati leeg ko kinapa mo na din kung mainit. Shocks. Sobrang pula ko na talaga.
"Medyo mainit ka. Namumutla ka pa oh! Baka mamaya lumala iyan tapos hindi ka pa makakapractice para doon sa contest. Sayang naman, hindi ba?"
"G-ganito talaga iyung body temperature ko. Normal na sa akin iyung ganito kainit." Pagpapaliwanag ko. Maniwala man kayo o sa hindi pero medyo mainit talaga ako kung kakapain mo ako. Mainit ako pero wala akong lagnat.
"Ganun ba? Sige. Sa iyo na lang iyang gamot. Baka sakali lang." Hindi naman na niya ako pinilit saka tinignan ang phone niya.
"Hello guys..Sorry...late ako." Humihingal na tugon ni Sha pagkarating na pagkarating niya.
"Sanay naman na akong nalelate ka Sha." Seth
"Wow! Makapagsalita ito, late ka din naman kahapon ah!" Sha
"At least may acceptable reason ako. Ikaw?" Tinaas-baba ni Seth iyung kilay niya habang tinitignan si Sha.
Hindi ko alam kung bakit pero parang iba iyung nacoconclude ko sa pag-aasaran nilang dalawa sa isa't-isa. Masakit.
"Oo na! Nakakainis ito. Nalate akong nagising eh." Sabi nito at tinignan ang phone niya. May nagmessage na naman siguro. President eh. Maraming mga nagtetext sa kanya lalo na ngayon na may contest na magaganap.
"Nga pala Ari punta na daw tayong music room para makita natin iyung mga makakalaban mo. Excited ka na ba?" Para namang nagniningning ang mga mata nito na nakatingin sa akin ngayon.
"Medyo lang." Ako
Hindi ako naeexcite kasi kinakabahan ako.
"Tara na. Nalaman ko din na tayo na lang ang wala doon. Kasalanan mo ito Sha." Sabi ni Seth at nagsimula nang naglakad palabas ng canteen na sinundan naman naming dalawa ni Sha.
"Oo na! Kainis itong lalakeng ito. Akala mo naman hindi nalelate."
"Hindi ako nalelate, Sha."
Nag-uusap pa rin sila kahit nakatalikod si Seth kay Sha ngayon na katabi ako sa likod. Nakakainggit iyung closeness nila.
"As if naman! Wala ka pang late pero darating ang araw na malelate ka din!"
"HAHAHAHAHA. Bahala ka diyan." Nakikita ko sa mga mata nila na sorbrang masaya silang nag-uusap.
Mukha pa akong chaperone dito.
Pagkarating namin ng music room ay meron na ngang mga tao doon at kami na lang ang hinihintay.
"Sorry we're late." Seth
"It's okay. Magsimula na tayo." Governor ng school. Si Kuya Bill.
Isa-isa naming kakantahin iyung mga compositions namin ngayon sa harapan nila para marecord nila at ipaparinig sa lahat ng estudyante kung baka sakali man kung sino ang mananalo sa amin. Isang deal namin ay magpapractice ng sabay at dapat dito lang sa music room.
YOU ARE READING
Tinig Kasabay ng Gitara
Short Story[COMPLETED] Nakarinig na ba kayo ng taong madaling mafall dahil lang sa music? Iyung tipong narinig mo lang siyang kumanta ay labis na ang paghanga mo dito? At hindi mo na lang mamamalayan na nahulog ka na pala ng tuluyan. Meet Ariana Cortez. Siya...
Fourth String
Start from the beginning
