"No. I don't know him..or her? Basta siya. Madami kami na nakaassign na magtulak ng contestants at hindi ko alam kung sino sa kanila iyung Dee na iyan. Pwedeng si Diane pero hindi naman mahilig sa soundcloud. Nakalkal ko na din phone nun pero wala akong maalalang app ng soundcloud na nakainstall sa phone niya."
"Wait lang. Rereplyan ko lang."
"Okay." Sha
Weekly kaming ganito ni Sha. Magdamag na magkausap sa phone kahit magkasama kami buong araw sa school. Ganun talaga, walang sawaan.
EyCee: Hi din po. Sorry kung hindi kita namessage about sa pagsali ko. Kilala ko naman si Sha kaya sa kanya na lang ako dumeretso. Siya din kasi unang nag-offer sa akin about diyan.
"Nagreply na ba?" Sha
"Hindi pa. Kakasend ko lang eh. Atat ka masyado."
"Pasensya."
"Wait lang pala, ilagan ko lang iyung earphones para hindi ako mahirapan dito." Wala pang sagot si Sha pero kinuha ko na agad iyung earphones ko na nasa kama ko.
*TOOT*
"Narinig ko iyun. May notif ka." Sha
"Oo na! Wait lang babasahin ko."
DEE: Wow! Magkaibigan pala kayo ni Sha? Mabuti naman kung ganoon.
"Ang boring naman ka message nitong Dee na ito." Irita kong sabi sa kanya.
"At bakit naman?"
"Sabi niya na, wow! Magkaibigan pala kayo ni Sha? Mabuti naman kung ganoon. Oh diba? Walang kabuhay-buhay."
"Ano bang gusto mong ireply niya sa iyo? Nagdedemand pa ito. Pasalamat ka nga may nagpipiem pa sa iyo diyan."
DEE: By the way, naayos niyo na rin ba ni Sha iyung mga kailangan mong gawin if nakapasok iyung composition mo?
"Sha, tinatanong niya ako sa plano natin. Baka naman kalaban ito?"
Tahimik lang ang narinig ko mula sa kabilang linya.
Paano nga kung kalaban ito tapos pinapaikot lang ako dito para matalo ako.
"Inanalyze ko Ari...assuming ka. Huwag ka ngang ano diyan. Basta replyan mo lang. Huwag mo masyadong bibigyan ng details sa plano natin."
Tumango na lang ako kahit alam kong hindi naman niya nakikita iyung pagtango ko as a sign na sumasang-ayon ako sa kanya.
EyCee: Yes. Napag-usapan na namin kanina and gagawin na namin bukas na ipractice para ready na ready.
Nabigla naman ako nang mabilis itong nakareply sa akin.
Dee: Nakuha iyung composition mo? That's great! Aabangan kita on the contest na kumanta. I really like your voice EyCee.
"Sha, gustong-gusto daw niya iyung boses ko."
Imbes na komento ni Sha ang marinig ko, hilik na lang ang isa sa malakas kong naririnig ngayon sa kabilang linya. Bwisit ito ah. Sinabihan ako na walang magtutulugan tapos siya itong nauna. Ako dapat gumagawa niyan eh! Ugh.
Rereplyan ko na lang nga itong Dee na ito.
I ended the call at tinuon na lang ang sarili sa laptop ko.
EyCee: Thank you. Ikaw pa lang nagsabi sa akin niyan. Haha
Dee: Well, after that contest marami nang magsasabi sa iyo niyan at isa ulit ako doon.
Napangiti ako sa sinabi niya. Nakakataas ng self-esteem.
EyCee: Haha. Baka naman hindi mo ako makilala. Lima kaming kakanta that day at pwedeng iba ang mapagkamalan mo na EyCee.
Dee: Hindi ah. Feeling ko nga malapit ka lang sa akin kapag nasa school ako kasi malakas iyung presensya na nasa sa iyo at sa musika mo. Iyung tipong nahihila ako. Ang ganda pa ng mga covers mo na nandito sa soundcloud. Nakakaslowmo ng paligid.
EyCee: Wow! Hugot ah? Haha
Dee: Haha. Hindi naman. Medyo lang.
EyCee: Sige Dee. Thank you sa communication natin tonight. Sana hindi ka magsawa sa mga covers ko. I need to go to sleep before mag 10 pm. Good night! x
Hindi ko na siya hinintay pang magreply sa akin kasi antok na antok na talaga ako. It's alreasy 9:28 in the evening at eto ang nakasanayan kong oras ng pagtulog ko. Dapat kasi before 10 is tulog na ako. Palagi kasi akong chinecheck ni papa sa ganoong oras. Ayaw niya akong nakikitang nagpupuyat kasi masama daw sa kalusugan.
But actually, nakakagawa ako ng way para hindi ako mapansin ni papa na gising until 12 haha. Pero nakakatamad kasing replyan itong si Dee kaya sinabi ko nang matutulog na ako.
About pala doon sa plano namin ni Sha with Seth. Iyung Hindi Ako na composition ko is good for two persons kung kakantahin. Mas maganda daw kasi na may pov iyung boy and ganun din iyung girl para ramdam ng lahat na this song really talks about two people having the same feelings with each other pero iba ang kinalabasan. Iyung dalawa naman na natira isa good for one lang kasi para lang akong nagkukwento.
Ibig sabihin...I will sing in front of my co-schoolmates with Seth. This is exciting and at the same time...NAKAKAKABA. Nakaramdam ng awkwardness iyung feelings ko.
To be continued...
YOU ARE READING
Tinig Kasabay ng Gitara
Short Story[COMPLETED] Nakarinig na ba kayo ng taong madaling mafall dahil lang sa music? Iyung tipong narinig mo lang siyang kumanta ay labis na ang paghanga mo dito? At hindi mo na lang mamamalayan na nahulog ka na pala ng tuluyan. Meet Ariana Cortez. Siya...
Third String
Start from the beginning
