Chapter 4: Ang Pusa at Ang Isda

307 37 25
                                    

CHAPTER 4:
Ang Pusa at Ang Isda
(The Meow-Meow and the Fishy)

Alam kong madalas niyo na itong makita sa mga movies, pero kapag may nadiskubre kang kagulat-gulat at katakot-takot, most of the time mapapasigaw ka talaga.

Alangan namang unahin kong magpaselfie sa kauna-unahang sirenong nakita ko sa buong buhay ko? Ah, teka lang. Tama pala!

"AAAAHHH--!" sigaw ko kahit late reaction na. Pero bago pa man lumakas 'yon ay natigilan ako nang bigla niya akong hinila sa may paa. Nadapa ako sa buhangin. Sinubukan kong tumakas at gumapang papalayo, pero hinila niya lang ako ulit papunta sa tubig. Papunta sa kanya!

"Tulungan niyo akowp--" Di ko na natapos ang sasabihin ko sana dahil tinakpan naman ng palad ni Van Reyne ang bibig ko. Nakadagan na rin siya sa akin. Ang bigat niya at ang basa-basa niya pa! Nakadikit pa ang hubad niyang katawan sa likod ko kaya leshe lang!

Tulong! Mami, Papi, help!

Nagpumiglas naman ako sa ilalim niya pero malakas siya. Kahit hindi naman kalakihan ang katawan ni Santi di gaya ng kay Ringo, di rin naman siya kasing payatot ni Cobain. Kung baga, may muscles pa rin siya kahit papaano. Ramdam ko rin ang mga kaliskis ng kanyang buntot sa binti ko. Tae kasi bakit ang ikli ng shorts ko ngayon. Ugh! Nakalubog na rin ang kalahati ng katawan ko sa tubig.

"Ssshhh, Lyanna! Pakiusap, 'wag kang sumigaw!" bulong niya sa akin. Ramdam ko naman ang mainit niyang hininga sa leegan ko. Taena, diba cold-blooded ang mga isda?! Bakit ang init ng isang ito?

Wait, kalahating isda lang pala siya.

"Hmmmph-hmp!" pagpupumiglas ko pa rin. Pero mahigpit ang pagkakayapos niya sa akin. Parang bakal naman kasi sa tigas ang mga braso niya. 

"Lyanna, ano ba? 'Wag kang malikot. Wala naman akong gagawin sa'yo eh!" pagsusumamo pa rin nito.

Kaya nga pakawalan mo muna ako bago ako malagutan ng hininga dahil sa suffocation, tanga! Gusto ko man isigaw 'yan sa kanya pero ang tanging nagagawa ko lang masabi ay 'amf-umfff-fmmmmrrrm!' Bwisit din 'tong si Van Reyne.

Di katagalan ay napagod din ako sa kakagalaw kaya tumigil na ako sa panlalaban. Lumuwag na rin ang pagkakahawak niya sa akin at maya-maya pa'y inalis na niya ang pagkakatakip niya sa bibig ko. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Mukhang nakuha naman ng isda ang ibig kong sabihin kaya umalis siya sa ibabaw ko.

Sa ibabaw ko. Kadiri lang pakinggan.

Umiling naman ako para mawala ang kahalayang pumasok sandali sa isip ko.

Sumandal naman siya sa beach at bumangon na ako. Umupo ako sa tabi niya. Tiningnan siya, at:

"Siraulo ka!" sabi ko at binatukan siya ng paglakas-lakas. "Kailangan mo ba talagang gawin 'yon?! Paano kung nabalian ako ng buto sa biglaan mong paghila sa akin? Paano kung nawalan ako ng hininga sa ginawa mo? Tanga ka ba?!"

Sa inis ko ba naman ay kinurot ko na ang magkabilang pisngi niya. Wala akong pakialam kung masira ang gwapo niyang mukha. Tatanga-tanga din kasi siya.

"Ako tanga? Sino bang hindi tumitingin sa dinadaanan niya at parang tangang nakatitig sa langit at nakatapak na ng ibang tao?" sagot naman niya. Aba, bumubulyaw na si Van Reyne!

Nainis naman akong lalo. "Hoy, Nemo. Aba malay ko bang may night swimming ka ngayon. Tsaka, hindi ko naman po alam na nag-mo-moon bathing ka po pala, Arielle."

My Classmate is the Prince of the Great Blue SeaWhere stories live. Discover now