Chapter 1: Anak Ng Pating--? Isda Nga!

623 50 122
                                    

CHAPTER 1
Anak Ng Pating--? Isda Nga!
(Son of a Shark--? It's A Fish, Really!)

LYANNA's POV

"Lya, bilisan mo na nga diyan! Maiiwan ka na, sige ka!"

Naghikab ako at inunat ko ang aking mga kamay. Jusko, ang boses ni Señor Magnifico umaalingawngaw sa buong baranggay. Umagang-umaga pero parang megaphone ang boses niya.

Lumabas na lang ako ng kwarto at iniwan na muna ang iniimapake kong mga gamit. Nakatiwangwang pa sa kama ko ang mga damit, pagkain, de lata, tuwalya, tent, flashlight, extra battery, posporo, kandila, first-aid kit, gunting, lighter, kutsilyo, Swiss Knife, at ang mini katana na nabili ko sa Comic Con. Wala namang malupit na checkpoint doon sa barge terminal kaya di rin naman siguro ito made-detect ng mga metal detectors.

Kung tinatanong niyo kung bakit mas nagmumukha akong pupunta sa gyera imbis na sa isang fieldtrip, simple lang naman. Simula nang mangyari ang surprise revelation ni Brendon sa identity niya, at sa paghabol ng mga tauhan nito sa akin noong isang gabi naisip ko na dapat protektahan kong maigi ang sarili ko. Di ko alam kung sino ang magiging kaaway ko, at di ko rin alam na baka anytime mapasubo ako ulit sa gulo. Jusko.

Kaya kahit pepperspray nilagay ko na sa bag ko. Dapat girl scout. Pati din pala inflatable na salbabida. Hindi, hindi naman sa nangangamba akong makatalon ulit sa tubig, pero mag-a-out of town kasi kami kasama ng mga kaklase ko sa isang resort.

Nang makapunta ako ng kusina, kumuha na ako ng mga plato at kubyertos para mag-agahan na.

"Kuya Magni, pwede ba--hinaan mo 'yung boses mo? Chill lang. Gising na ako o. Nagbihis na nga ako o," sabi ko pa sa kanya. Oo. Magnifico Maximo Oliver Ran nga ang pangalan niya. Hindi ko alam anong naisip ng nanay at tatay namin kung bakit ganyan kahaba ang pangalan niya. Buti pa ako o, 'Alyanna' lang. Simple, pero malakas ang dating.

Nagluluto si Kuya ng agahan at si Mama naman ay nandoon sa labas at naglalaba ng napakaaga. Si Papa, maaga ding nagtrabaho. 'Yung dalawa ko pang nakababatang kapatid pumasok na ng eskwelahan.

Sa kalagitnaan ng pagpiprito ni Kuya Magnifico ng isda ay lumingon siya sa akin. Kumunot pa ang noo niya. "Lya, naligo ka ba?"

"Grabe 'to--siyempre naman 'no!" sabi ko naman. Inamoy ko naman ang sarili ko at umalis sa harap niya bago siya makapamintas pa. Hindi naman ako mabaho. Nagperfume pa nga ako eh. OA lang talaga 'tong si Kuya. Hay naku. Minsan nga iniisip ko na baka bakla 'to.

Nagkibit-balikat ako secretly. Well, kita mo nga naman sa pangalan niya. Maximo. Oliver. Maximo Oliver(os). Diba may movie na ganun ang title about sa isang nagdadalagang beki?

Whatever nga. Anlayo ko na.

Kumain na lang ako sa mesa ng mag-isa. Ayos lang kasi kahit ganyan si Kuya, mabait 'yan. Kita mo, niluto niya ang paborito kong ulam.

Galunggong.

Oo na. Aaminin ko na, galunggong nga pala ang ulam namin araw-araw. Pasensya naman, mahirap lang po kami. Nag-aaral nga lang ako sa isang public highschool na...well, public. Maayos naman ang eskwelahan namin, pero aminado naman ako na maraming nagra-riot doon. Pero maayos naman.

Kagabi kasi, pagkatapos akong hinabol ng grupo nina Saymon-slash-si-Brendon-pala ay tumalon nga ako sa Dacarra City river: ang pinakamalapad at pinakamahabang ilog dito sa siyudad namin. Hindi ako marunong lumangoy at aminado akong katangahan 'yung ginawa ko kagabi, pero wala na akong ibang pagpipilian. Bumulusok ako sa malamig at maduming tubig. Ilang metro pa lang ako sa ilalim ay parang inatake ako ng panic, kaya sinikap kong makalangoy sa itaas. Di ko alam kung naghihintay pa ba ang mga goons doon sa bangin, pero hindi ko na sila naisip. Mas inisip ko noon na makaligtas mula sa pagkakalunod.

My Classmate is the Prince of the Great Blue SeaWhere stories live. Discover now