Prologue

946 67 108
                                    

Tumatakbo si Alyanna "Lyanna" Ran sa madilim na eskinita ng Dacarra City. Sinuot niya ang lahat ng pasikot-sikot na pwede niyang daanan. Sumuong siya sa maliit na espasyo sa pagitan ng mga barong-barong, nakipagsiksikan sa mga tambay na nag-iinuman, tinakbuhan ang mga aso, dumaan din sa mga makikipot na kalyehon, at tumalon sa mga bakod. Parkour, bilib na sabi pa niya sa sarili nang tinalon ang isang pandak na gate. Ngunit nang matalisod siya pagtapak ulit sa semento ay napamura siya.

Letsugas, aniya sa sarili. Ano ba kasing kailangan nila sa akin at ako ang pinagdidiskitahan nila? Naglalakad lang naman siya nang mahinahon kanina galing sa convenience store (dahil bumili siya ng keso) nang bigla siyang harangan ng pitong goons. Hinahamon siya ng mga ito. Bubugbigin daw siya ng mga ito at dadalhin sa mga amo niya. Maniningil daw ito ng utang sa kanya. Siya, babaeng maliit at ang mga ito ay malalaking tao. Ano bang laban ng patpating kagaya niya sa mga taong to na mukhang pinatakas sa Bilibid?

Higit sa lahat, ano bang nakain ng mga ito para kumalaban sa kanya ng hindi patas? Sinabi niya 'yon sa mga ito at mas nagalit ang mga ito tuloy.

Kaya tumakbo na siya.

Jusko, bulong niya sa sarili, bakit ba kasi ako lapitin ng gulo?! Lumingon siya sa likuran para tingnan kung hinahabol pa ba siya ng mga ito. At meron nga. Naroon nga sila ilang daang metro lang ang layo sa kanila. Hinihingal na siya at konting-konti na lang at maaabutan na siya ng mga ito.

Nagpatuloy siya sa pagtakbo. 

"Argh, bakit ba kasi ngayon pa?" inis na bulong niya sa sarili. Kung kelan wala siyang dalang kahit-anong armas maliban sa keso, ngayon naman siya hinabol. Kung pwede lang niyang batuhin isa-isa ng piraso ng keso ang mga ito ginawa na niya.

Pero mahal ang keso para lang gawing bala.

Wala siyang magawa. Kaya naisip na niya ang huling pag-asa para makatakas lang. Call a friend.

Pinindot niya ang isang buton sa kanyang suot-suot na headset at ipanasak sa kaliwang tenga ang isang bud. Narinig niya ang ring mula sa kabilang linya.

Sumagot ka, Brendon! aniya sa sarili na naiinip na. Maya-maya pa'y may sumagot nga sa kabilang linya.

"Hello?!" Nagpapanic na sabi niya.

"O, Lyanna?" Anito sa cheerful na boses. "Good evez."

Salamat naman, aniya sa sarili na parang na-relieve. Si Brendon Laurie ang naisip niyang tawagan. Si Brendon kasi, ang so far pinakamayaman at pinakamaaasahan niyang kaibigan. Minsan man silang magkita nito, pero sa tingin niya'y kilala naman niya ito. At madalas siyang tinutulungan nito kaya--

"Brendon. Brendon, tulungan mo ako! Hinahabol ako ng mga tauhan ni Saymon!" aniya na nilingon sandali ang mga humahabol sa kanya. Nakikita niya na palapit na ang dalawa sa mga ito: isang mukhang emo na makapal pa ang eyeliner at isang may mohawk na buhok.

Nakaenkwentro nila ang tatlo sa miyembro ng gang ni Saymon noong isang araw dahil may pinagtripan itong babae kaya niligtas nila. Hindi niya pa nakikita si Saymon, pero kilala ito bilang mga pinakasiga sa Kaimito District ng bayan nila. Malaki ang gang ni Saymon, at mukhang malulupit din ang mga miyembro ng mga 'to.

Kasama ang mga kaibigan niyang sina Maku Bob at Cobain, kinalaban nila ang tatlong manyak. Doon pa sila sa ilalim ng isang fly over nagsuntukan, at doon natalo nila ang mga ito. Hahayaan na lang sana nila ang mga ito pero ang siraulo niyang kaibigang si Maku Bob ay tinali ito sa flagpole ng baranggay at iniwan ang mga ito roon na naka-boxer shorts lang. At ngayon mukhang gusto silang paghigantihan ng grupo nina Saymon.

Ngayon, siya lang ang nakita ng mga ito. Ang malas nga naman.

"Punk rockerz yata 'tong mga tauhan ni Saymon eh." Biro niya pa kahit kinakabahan na. Siya lang mag-isa, at hindi siya magpapakabayaning labanan ang mga ito. Matapang naman siya, pero di naman siya lubusang tanga. "Brendon, sunduin mo ako dito. Pakiusap, o--"

Ngunit biglang humalakhak si Brendon mula sa kabilang linya. Natigilan si Lyanna. "A-anong nakakatawa? Oy Brendon, di ako nagbibiro. Seryoso ako, nawawala na nga siguro ako o. Di ko na alam ang dinadaanan ko. Brendon, ano ba--!"

"Lyanna, Lyanna, Lyanna," anito sa nangungutyang boses. Biglang kinabahan si Lyanna. "Hindi mo pa ba nakikita? Ako ang nagpapunta sa kanila diyan. Inutusan ko sila. What a plot twist, right?"

Natigilan si Lyanna. Nanlamig. At parang may dumaklot sa puso niya.

"A-anong ibig mong sabihin?" aniya. "'Wag mong sabihing--ikaw si Saymon?"

Tumawa ulit ito sa kabilang linya. "Yes, Lyanna. Ako nga si Saymon."

Napasinghap siya at di makapaniwalang sinabing, "I-ikaw si Saymon na leader ng OMG gang?!"

"Omnia Mori Gang, Lyanna, hindi OMG!" inis na sabi nito. "Alam mong ayoko ng acronyms!"

"OMG, so ikaw ang leader ng gang na 'yon?" ani Alyanna. Napalitan naman ng disbelief at galit ang tono niya. "Niloko mo ako, Brendon."

"Hindi kita niloko, Lyanna. Kinaibigan kita para sana isali kita sa Omnia Mori Gang at gawing kanang kamay, ngunit may atraso ka sa'kin. Sinulot mo ang babae na dapat sana'y ibibenta namin. Oo, Lyanna--nagbebenta ako ng mga babae," anito na naaaliw. Rumehistro naman ang gulat sa mukha niya. "Kaya ngayon, pagbayaran mo ang nagawa mo. Goodbye, Lyanna and have a fun night."

Akala niya ay nawala na ito at ibinaba na ang telepono, pero nagring ulit ang cellphone niya at sinagot niya 'yon. "Ah, siya nga pala. Dead end na 'yang eskinitang tinatakbo mo ngayon. Dacarra River na ang nasa dulo niyan. Oops, sorry. Trinack kasi kita sa GPS mo. HA-HA-HA-HA!"

Sa inis ni Lyanna ay in-off niya ang kanyang cellphone.  Traydor pala ang Brendon na 'yon.

Tumakbo pa rin siya, hanggang sa naabot nga niya ang kanal. Kaya tumigil na siya na hingal na hingal.

Isang malapad, madilm at malalim ilog ang kinahanungan niya. Nakatayo siya sa gilid nito. Napapikit sandali si Lyanna. Di siya marunong lumangoy. Anong gagawin niya?

"Ano, Ran? Hindi ka na magra-run?" Kutya naman ng isa sa mga goons. Nagtawanan pa ang mga kasama nito.

Lumingon siya at hinarap ang mga ito. Nakakatawa ang mga ito tingnan. Alam niyang nagpapaastigan ito sa suot ng mga 'to, pero sa halip ay para itong mga miyembro ng isang nalaos na rock band. Sarap pag-uuntugin eh.

Fan siya ng rock bands, pero nilapastangan ng mga pangit na ito ang dakilang outfits ng mga idol niya.

"Ha-ha. Lol," sagot na lang niya. Ayaw niyang hamunin ang mga ito, ngunit mas lalong ayaw niyang magmakaawa sa mga ito. Hinding-hindi siya magmamakaawa lalo na't nalaman niyang pinaglaruan pala siya ni Brendon. Ang walangya, tinuring pa naman niya itong kaibigan.

"'Lol?!' Tinawag mo kaming ulol?!" Sigaw ng isa sa kanila na nainis. Nagulat naman si Lyanna sa katangahan nito. "Lagot ka ngayon pag nahuli ka namin, Alyanna Ran! Wala ka ng mapupuntahan!"

Sumugod na ang mga ito sa kanya.

Napaatras siya at tiningnan ang katakot-takot na ilog sa likod niya. Ito, o harapin ang mga goons. Pareho siyang walang laban. Parehong mukhang walang pag-asa. Pero whatever. Mas gusto niyang lumusong sa kanal kaysa magpatalo kay Brendon.

Bahala na nga.

Hawak ng mahigpit ang supot na naglalaman ng keso sa isang kamay ay tinalon niya ang tubig. Come what may. Baka naman matutunan niya nang lumangoy ng de oras para maligtas ang sarili niya.

My Classmate is the Prince of the Great Blue SeaWhere stories live. Discover now