Chapter 2: Ang Misteryosong Galunggong

489 37 87
                                    

Binalaan ko na ba kayo na puno ng isda ang kwentong ito? Isda, tinapa, at tuyo. Now you know. 😎😎😎

Pero seryoso na, hehe. Fantasy-slash-humour 'to in the Manga-fashion (sorry di ako magaling magdrawing eh peace) kaya maraming ganito. Fantasy pa rin ito, maniwala kayo.

Thanks for reading!

CHAPTER 2
Ang Misteryosong Galunggong
(The Mysterious Mackerel)

Sa isang klase, o isang grupo, may isang tao talaga na kinakareer ang pagiging lone wolf. Maniwala kayo sa'kin.

Sa amin, si Santino Van Reyne 'yon.

Sa loob kasi ng dalawang taong naging kaklase namin siya, ay bihira ko lang naririnig ang boses niya. Seryoso 'yon! Nagsasalita lang siya tuwing tinatawag ang mga pangalan namin sa attendance, o di kaya'y pinipilit siyang mag-oral recitation ng mga guro. Matalino siya, at palagi silang nag-uunahan ni Rosalind bilang Top 1 sa seksyon namin. Kaya lang, di siya sumasali sa kahit anong extracurricular activities kaya nakakabawas ng point 'yon sa kanya. Ayos lang naman din sa kanya, at mas pinili niyang mag-lie low sa klase namin. Kahit pinipilit siya ng mga teachers, ay narinig kong matigas daw talaga ang loob niya at kahit kailan di pumapayag na sumali sa mga interschool contests. For some unknown reason.

Wala din siyang kaibigan. Kaya habang tinitingnan ko siya na nakaupo lang sa isang sulok at nakatanaw lang sa dagat ay malungkot akong napabuntong-hininga. Ang emotero lang ni Kuya. Imba si Jack Dawson sa kanya, men.

Haha! Akala niyo naaawa ako sa kanya dahil wala siyang kaibigan no? Oo, inaamin ko naman na medyo nakakaaawa nga siya, pero mas nangibabaw ang amusement ko sa kanya. Nakakatawa siya. Paano niya ba natitiis ang hindi magsalita ng halos 24/7? Ano bang tumatakbo sa isip niya? Ang lalim ba ng iniisip niya? Iniisip niya ba kung anong bakit malapad ang karagatan o like that? O, ano?

"Uyyy, tinititigan niya si Santi," narinig kong tukso ng boses ni Rosalind sa tabi ko. "Wag na 'yan besh. Alam mo namang bet ko siya diba?

Inirapan ko lang siya at napailing. "Eh lahat naman ng suplado type mo. Type mo nga din 'yung supladong security guard sa Dacarra University. Tsk, tsk."

Hinampas niya naman ang braso ko. Aray lang, ha. "Grabe 'to! Cute din naman talaga 'yung gwardya dun eh. Mas cute nga lang si Santi. Kung makasuplado 'to. Hindi naman siya suplado. A man of a few words lang."

"One word a month, you mean." Tukso ko naman na nangingiti. Naiinis kasi itong si Rosalind pag kinukutya ang sinuman sa sangkaterba nitong crushes.

"Ang sama mo talaga!" aniya pa na natatawa at hinampas pa talaga ako ulit. Ang sadista talaga. Maganda sana kaya lang pwede na pang MMA.

Tinawanan ko na lang siya.

"Pag ikaw nagkagusto diyan ikaw ang pagtatawanan ko!" Ganti pa nito

"You wish," naiiling ko namang sabi. Di na siya sumagot at bagkus ay pinagbantaan pa akong hampasin ulit. Pero di naman niya tinuloy. Buti naman.

Sinulyapan ko ulit si Santi Reyne. Ayun, nakatingin pa rin sa dagat na para bang nanonood siya ng fireworks. Oooh, what fun. Joke lang. Malayo ang tingin at walang pakialam sa paligid niya, habang nililipad ng hangin ang may kahabaang buhok niya.

My Classmate is the Prince of the Great Blue SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon