Chapter 3: Ang Pinakakatagong Sikreto Ni Santino Van Reyne

387 33 21
                                    

CHAPTER 3:
Ang Pinakakatagong Sikreto Ni Santino Van Reyne

Confirmed. Isa ngang weirdo si Santino Marco Wolfgang Van Reyne.

Natigilan ako doon sa kinatatayuan ko habang tinitingnan siya na parang sira na nakakabit doon sa puno for-all-his-life's-sakes. Lalapitan ko na sana siya para tulungang paalisin ang mga pusa, pero maya-maya nama'y umalis na din ang mga iyon.

Tiningnan ko naman ang mga kaklase ko kung may iba pa bang nakapansin sa inakto ni Van Reyne, pero mukhang wala din naman. Medyo tago din ang puno kaya di siya kapansin-pansin roon. Nang tingnan ko ulit si Van Reyne ay nasa lupa na ito at naglalakad papunta sa kinaroroonan ng buong klase. Cool na cool. Na parang walang nangyari.

Na parang hindi siya natakot sa mga kuting. Jusmiyo.

Napasulyap siya sa'kin. Nagkatitigan naman kami sandali, pero di nagtagal ay iniwas niya din ang tingin niya.

Hah, kala niya siguro madadala na ako ng pa-cool attitude niya gayong alam ko na ang kahinaan niya. Bwa-ha-ha-ha-ha!

Kinahapunan noon, ay nagpatuloy ang games namin. Wala namang out of the ordinary pero nag-enjoy talaga kami. Marami din kaming napanalunan--sa inis ba naman ng taga-Fire team.

Di nagtagal ay tinapos na rin ni Ma'am Martinez ang mga activities para sa araw na 'yon. Bawal na ring magnakaw ng mga flaglets, at bukas ulit ng umaga magpapatuloy ang laro. Kaya libre na kaming maligo kung gusto namin.

Hindi ako marunong lumangoy kaya nagkasyan na lang ako sa pagligo-ligo without swimming in the deep. Medyo may takot talaga ako sa tubig kaya hindi na ako nagbalak pa na pumunta sa mas malalim. Habang nasa malayo naman ang mga kaibigan ko.

Nag-dive pa si Maku sa malayo. Buti pa 'to o. May talent.

"Lyanna! Ligo ka na, dali!" imbita sa akin ni Rosalind. "Sige na, takot ka na naman sa tubig o."

"Okay na ako. Nagkapag-dive na ako kagabi," sabi ko naman.

"Hindi counted 'yun, Lyanna. Tsaka kailangan mo ng maligo no. Andumi pa naman ng tubig kagabi."

Napapitlag naman ako sa sinabi niya. "Hoy! Naligo kaya ako kanina at kagabi! Sa malinis na tubig, don't me!" sabi ko naman na tinuro siya.

Tumawa lang ang bruha. "Uy, defensive. Sabihin mo lang na gusto mong samahan si Santi," anito at ngumuso sa likuran ko. Bakit ba ang mga Pinoy ang hilig ngumuso?

Lumingon naman ako at (surprise!) nakita ko si Santi na nagmumukmok. Wala ito sa beach at nasa tent lang nito. May pagka-antisocial talaga.

"Ayoko sa mga taong takot sa pusa. I love cats, you know," sabi ko naman. Nang tanungin naman niya ako kung anong ibig kong sabihin, sinabi ko naman ang nakita ko kanina.

At kung inakala kong madi-discourage na siya sa pagkaka-crush niya diyan kay Santi, nagkakamali ako.

"Talaga? Ang cute cute naman siguro niyang tingnan," aniya pa na may malapad na ngiti. Seriously?!

Inikot ko naman ang mga mata ko. Ang ending, bumalik na si Rosalind sa paglalangoy. Naisipan pa niyang lumangoy na mala-sirena. Siraulo talaga. Maganda sana, may pagkabaliw lang.

Mula sa malayo ay naroroon at nag-eenjoy sina Maku at Cobain. Nagpaligsahan pa sa diving ang mga ito. Di na ako magtataka kung may plano silang mag-synchronized swimming maya-maya.

Tumayo ako at napabuntong-hininga. Naalala ko ang mga magulang ko. Dapat ko ba silang sisihin at sumbatan kung bakit di ako marunong lumangoy? Kung bakit hindi nila ako naturuan ng maayos kung paano lumangoy? Narinig ko uso daw sa mga teenagers na sisihin ang mga magulang nila sa lahat ng mga kamalasang nangyayari sa buhay nila kahit na ang pagiging drug addict nila? Impluwensya yata ng sobrang teen fic o sentimentality. Pati kung wala silang masusuot na panty, isisi pa sa nanay na di nakalaba kasi busy sa pagtatrabaho. Tsk, tsk.

My Classmate is the Prince of the Great Blue SeaWhere stories live. Discover now