"Bakit ikaw agad? Ako muna! Ako babae sa'ting dalawa!"

"Oh eh ano kung ikaw ang babae? 'Di hamak na mas maganda ako sa'yo 'no!?" he flipped her imaginary long hair.

"'Sing kapal ng alikabok 'yang mukha mo bakla!"

Pumagitna na ako sa kanilang dalawa. "Hep hep. Sige na angkinin niyo na. Go!" sinenyasan ko silang dalawa na pumunta doon kay Casimir nang matahimik ang kalooban nila.

At nag-unahan naman sila doon. Nagpatuloy ako sa paglilinis nang marinig ko ang sigaw ni Casimir,

"What the fck?!"

Natawa na lang ako. Hay nako. Angkinin na nila si Casimir. Ewan ko ba diyan. Ang dami-daming nagkakandarapa sa kaniya pero bakit ako pa?

Nagulat na lang ako nang may umagaw ng tambo sa kamay ko at nakaamba na ito kay Dyosa at Weng.

"Hindi kayo lalapit o hindi kayo lalapit?" matigas na tanong ni Casimir. Kitang kita ko ang pagkaasar sa mukha niya. Ayaw niya kasi ng maingay eh sobrang ingay ng dalawa na 'yan. Siguro parang times two ng energy ni Geoff 'pag nagsama 'yang dalawang 'yan.

"Ha may choices ba don? Ang cute cute mo talaga! Fafa!" tuwang tuwa na sabi ni Dyosa.

"Aww. Gusto mo talaga hawakan 'yung mga nahawakan ko 'no kaya kinuha mo 'yang tambo!" ganoon din naman si Weng.

Nagtago naman si Casimir sa likod ko, "Alex what's going on with them? You stay them away from me." bulong niya.

Ngumisi ako. "Oh lapitan niyo na daw siya."

"What the!?"

"Fafabelles!" sabay na sigaw nung dalawa.

"Crap! Don't scream! You're irritating!"

Maya-maya eh may pumasok ng restaurant. Si Sir Jericho pala.

"What's going on here?" he asked.

The DestroyerWhere stories live. Discover now