"What the fck, Geoff?!" I retorted.

"Nakailang tawag na ho si Manager sa'yo, baka gusto mo ng tumayo diyan?"

"Tss. Teka, sa'yo bang towel 'to? Ang baho!" at hinagis ko na sa kaniya pabalik 'yung towel.

"Maarte ka? Maarte?"

"Oo, maarte ako. Bakit?" my eyebrows raised and I crossed my arms.

He gave me a disgusted look. "Panget mo. 'Lika na nga." He grabbed my arm and pulled me to the stage.

The practice goes on.

ALEX'S POV

Magsasara na ang restaurant at naglilinis na lang kami ngayon. At walangyang Casimir na 'to kitang nag-aayos na kami ng tables and chairs hindi pa rin umaalis sa kinauupuan niya.

"Iba ang ganda mo 'te. Pagupit ka na, gagawin kong bangs buhok mo." bulong sa'kin ni Dyosa habang siya eh nagbabaliktad ng chairs.

"Hay nako, bakla. Tigilan mo 'ko, pwede ba?"

"Kamusta ba maging boylet ang jowabelles mo? Sweet ba?"

"Tss."

Hinampas naman niya ako sa braso. "Bruhang 'to kinakausap ng maayos eh."

"Oh 'wag mo saktan, bakla. Tignan mo oh, ang sama ng tingin sa'yo ni fafabelles niya." biglang sulpot naman ng nagwawalis na si Weng.

Napatingin naman kami kay Casimir na masama nga ang tingin kay bakla.

Napatili naman ng mahina si Dyosa, "Punyeta ka Alex. Bakit lalong gumwapo 'yang jowa mo? Gwapo kahit galit!"

"Hindi siya lalong gumwapo 'pag galit. Sadyang malandi ka lang." sabay irap ko sa kaniya.

Kinurot naman niya ako, "Gaga. Ay nako ha, 'pag nag break kayo niyan akin na lang 'yan!" Hinampas naman siya ni Weng ng tambo, "Aray ko! Anong problema mo sister?"

The DestroyerΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα