Close kami ng lagay na 'yan, ha.

"Grabe naman, rude talaga ni Casimir." sabi ng isang kaibigan ko.

"Pwede naman iabot ng maayos. Tsk. Pasalamat siya gwapo siya eh." sabi naman ni friend 2.

Biglang inagaw sa akin ng bruhang inggiterang ito ang jacket. "Akin na nga 'yan!"

Inagaw ko din ulit sa kaniya. "Akin 'to. Mainggit ka!"

Sinimangutan niya ako at umalis na siya sa harap ko.

Umupo na ako sa upuan ko at sinuot ang jacket ni Casimir. Nakaramdam ako ng kilig. Napangiti na lang ako.

Nang mag-highschool kami eh hindi na kami naging magkaklase kasi lagi siyang nasa section 1, parang star section - klase ng mga matatalino. Pero siyempre lagi pa rin akong nagpapapansin sa kaniya. Sino bang ayaw mapansin ng crush niya 'di ba?

Napapansin naman niya ako. Close kami kahit hindi halata. Lagi pa siyang nananalo sa mga quiz bee at 'pag inaawardan siya natutuwa ako. I feel proud of him.

END OF FLASHBACK

Si Casimir kasi kahit suplado, he can be sweet and gentleman in his own way, in a rude way maybe. Labo noh? Isa pa, he looks mysterious kaya madali ma-attract sa kaniya ang ibang babae.

Kaya magkahalong inggit at inis ang meron ako ngayon para kay Alex. Inis dahil hindi ko siya maintindihan. Bakit sinagot niya si Casimir agad? Ni hindi ko nga alam na niligawan pala siya nito. Baka niligawan nga, at nagpaligaw naman habang sila pa ni Jeremy! Omg! This can't be. Kailangan ko malaman kung anong meron ka talaga, Alex. Naiinggit din ako. Siyempre boyfriend niya na si Casimir! Kaniya na ang dream guy ko. Ang lalaking minahal ko mula pa noon. Wala akong ibang hinangaan kundi siya. I even imagine a future with him, in love nga kasi ako sa kaniya eh.

Ganon talaga minsan 'no? Hindi nahuhulog sa'yo ang taong gusto mo. Minsan talaga walang fairytale. Siguro meron, pero para sa ibang tao pala nakalaan ang happily ever after mo at hindi sa inaakalang mong prince charming mo.

May witch siguro na inggit sa beauty ko kaya sinumpang hindi magiging kami ni Casimir. Hay lecheng witch 'yan!!

Kailangan ingatan ni Casimir ang image niya. Ayokong dahil lang kay Alex magiging ganon siya. No way. I need to find out what is she up to.

I came back to reality when an asshole threw a face towel on my face. Seriously, what's up with throwing things on my beautiful face?

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon