Chapter 19: Break up

35 1 0
                                    

Sunod sunod na updates to :)

-----

WEIRD!!

Dahil lagi na kaming magkasama. Kanina nga eh habang naglalakad ako papunta kay kila Daniel dahil sabi niya sabay daw kami ng biglang may umakbay sakin. Akala ko holdaper pero si Terrence pala at kami na ang nagsabay kaya ngayon hindi ako kinukausap ni Daniel. Nagtatampo na naman siguro.

Tas kapag wala pa ang teacher niya sa classroom. I-eexcuse niya ko at magkwekwentuhan kami habang nakaupo sa hagdan.

Kaninang recess pinuntahan niya ko sa room at pumunta kami sa rooftop at dun kumain. Nag paorder pa siya ng Jollibee

Kaninang lunch nasa garden kami at dun ulit kumain na binili niya sa canteen. Lahat libre niya kaya tuwang tuwa ako.

Habang hinihintay ko si Terrence na makabalik dito dahil kumuha siya ng spoon and fork. Nahagip ng mata ko si Daniel na nakatitig sakin ng makita niya kong tumingin sakanya. Tsaka niya ko inirapan at umalis.

Magkatapos namin kumain bumalik na kami sa mga room namin.

Pagpasok ko si Daniel kagad ang nakita ko kaya nabwiset na naman ako. 

"Goodmorning class"-Filipino subject pala ngayon. Shoot. Katabi ko si Daniel.

Kaya poker face akong umupo sa tabi niya. Nakinig lang kami at hindi kami naguusap o nag papansinan.

"Get one whole sheet of paper and summarize Aralin 5"-Tsk. Bat ba nakakalimutan ko humingi ng papel?

Lumingon naman ako sa katabi ko na nagsusulat na. Buti pa siya may papel na. Papatayo na sana ako ng hilahin niya ko pabalik kaya nagulat ako.

"O papel"-Nilapag niya sa desk ko ang papel at nagsulat na ulit siya.

"Salamat"-Mahina kong sabi.

Tahimik lang kami nagsulat hanggang sa natapos na ko. Tatayo na sana ako ng biglang may humila na naman sakin.

"Ako na ang magpapasa"-Tsaka niya kinuha ang papel sa kamay ko.

Magpapasalamat na sana ako ng nagsimula na siyang maglakad ulit.

"Ma'am excuse po kay Hannah"-Napangiti ako ng makita ko si Terrence. Kaya mabilis akong nag lakad papalabas ng room.

"Bakit na naman ha?"

"Wala lang.. Mamaya nga pala magkita tayo sa garden after class bye"-Tsaka niya ko hinalikan sa pisngi. Napahawak na lang ako sa pisngi ko at napangiti.

Nagulat ako ng biglang may nanghila sakin at niyakap ako.

"Kapag nasaktan ka sakin ka lang lumapit Hannah"

****

Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko para makipagkita kay Terrence.

"Masyado ka namang excited"-Shaine

"Namiss ko na kasi siya"

"Wushu!! Malandi"-Jade

Nagkwentuhan lang kami saglit tsaka kami bumaba.

"Mauna na kayo. Pupunta pa ko sa garden"

"Yeah i know. Bye"-Jade

"Bye"-Nagwave na lang sakin si shaine.

Masigla akong pumunta sa garden, pero lahat nawala ng makita ko si Terrence nakaupo sa bench habang may nakakandong babae sakanya and they making out.

Lahat ng dugo ko lumiyab ng dahil sa galit. Siguro kung pwede lang lumiyab ang mga mata ko kanina pa lumilayad dahil sa galit

Agad kong nilapitan ang babae at hinatak ang buhok niya papatayo kaya napatayo na siya.

"O-ouch"-Hinatak ko pa ang buhok niya.

"Ouch pala ha"-mas lalo kong hinatak ang buhok niya.

"Tama na!!"-Inalis ni Terrence ang kamay ko sa buhok ng babae "Andrea ok ka lang?"-at sa harap ko pa naglandian.

Hinga ng malalim Hannah. Maging cool ka ulit.

"Ohmygosh!! I'm sorry miss akala ko kasi walang tingting yang buhok mo"-Nanglaki naman ang mata niya. Wag kang iiyak hannah.

Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng 3,000 atsaka ko hinagis sakanila.

"3,000 para sa inyo. Nahiya kasi ako dahil dito pa kayo naglalaplapan at para may pangbayad na din kayo sa motel"-Inayos ko ang buhok ko at naglakad.

"Enjoy terrence with your NEW girlfriend"-tsaka ako tuluyang naglakad at tumulo na ang luha ko.

****

Parang patay akong naglalakad papauwi dito sa gilid ng kalsada ng hindi ko na kaya naupo na lang ako tinakpan ko ng dalawang kamay ang mukha ko at umiyak.

Mag gagabi na din at wala akong pake kung papagalitan ako ni mommy o marape ako dito basta mailabas ko lang ang luhang kanina pang pinipigilan ako.

Naramadaman ko naman na may naglagag sa likod ko ng jacket. Nilalamig na din kasi ako. Umupo naman yung tao sa tabi ko, inakbayan ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Wag ka ng umiyak Rheyel"-Imbis na tumahan ako, mas humagulgol ako.

Sorry for this word.

FVCK ANG SAKIT!!

----

Read and vote :)

Friend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon