Chapter 15

39 0 0
                                    

Last update sa weeks na to haha.. pramis na to xDD

-----

3 weeks past at malapit na kaming mga 5months ni Ace sana naman tumagal kami ng mga 13 years at syempre kasal na kami sa mga oras na yun.

"Ano na naman yang iniisip mo?"-umupo sa harap ko si Daniel na may dala na tray na nakalagay ang dalawang medium size Gulp at dalawang hotdog bun. Nasa 7elleven kami dahil boring sa bahay.

"Yung sa monthsarry namin ni Terrence, 5months na kami, Hmm ano kayang magandang gift sakanya?"-Tanong ko habang nilalagyan ng ketchup yung hotdog.

"Kailan ba ang monthsarry niyo?"-Tanong ni Daniel na kumagat sa hotdog bun niya.

"Sa october 14"-Tsaka ako kumagat sa hotdog bun ko.

"Eh ang tagal pa ha!! October 2 pa lang ngayon"

"Eh excited ako bakit ba? Anyway samahan mo naman ako sa mall after natin kumain nito"-Buti na lang at naka casual ako ngayon kaya pwede akong pumunta sa Mall at ganon din naman siya

"Sure"-after namin kumain eh pumara na kami ng taxi at pumunta na sa mall.

Nung nasa mall na kami pumunta muna kami sa national book store hindi muna kami kumain dahil busog pa kami.

"Ano bang bibilhin mo dito?"

"Yung book na kung pano mag bake ng cake or coockies atsaka mga recipe, pag aaralan ko kasi"

"Para kanino?"

"Kay terrence yun kasi ireregalo ko pero ngayon ko ita-try kaya pupunta tayo mamaya sa grocery at tulungan mo ko mag bake mamaya sa bahay"

"Sige"

After kong makita yung book na hinahanap ko eh pumunta kami sa supermarket at namili dun, after that kumain muna kami dahil nagugutom ulit ako.

"Wala ka bang balak mamili ng damit ngayon?"-Tanong ni Daniel sabay lapag ng tray sa table at umupo sa harap ko.

"Wala"-kinuha ko naman yung sundae at french fries ko at nilagay ko sa harap ko "Tinatamad ako"

"Bago ata yun ha"-Inirapan ko na lang siya.

After namin kumain eh umuwi na kami, tinulungan ako magbake ni Daniel kahit panggulo lang siya dahil kinakain niya yung mga chocolate and Nips.

"Daniel!!"

"Sorry ang sarap kasi eh"-hindi ko na lang siya pinansin pero nag papansin pa din siya dahil pinahiran niya ko ng kung ano kaya ginantihan ko siya.

"Tama na!! Tignan mo tapos na yung cake natin kaya ibe-bake na natin to"

Umupo muna kami sa sofa para intayin na maluto yung cake, Nag movie marathon lang kami. Mayamaya lang naramdaman ko na mabigat yung balikat ko. Kaya napatingin ako at natawa.

"Antukin talaga!!"-Sabi ko nakatulog kasi siya sa balikat ko.

"Hannah... May niluluto ka ba?"-Tanong sakin ni yaya

"Ah opo luto na po ba?"

"Oo ako na kukuha at idadala ko sa inyo"

"Salamat po"-Hinimas himas ko naman yung buhok ni Daniel, ang gwapo talaga ng bestfriend ko.

"O eto na, mukhang pagod na yang si ace ha"

"Oo nga po eh"

"Sige dun muna ako sa kitchen"-Nung umalis na si yaya, Ginising ko naman si Daniel para kumain.

"Luto na yung cake"

"Tsk. Kainin mo!! Natutulog ako eh"-Ganyan talaga si Daniel kaya wag niyo siyang aabalahin matulog.

Friend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon