Chapter 21: Claire Fuertes

36 1 0
                                    

"Eh KAIBIGAN LANG naman kita"

Argh!! Naalala ko na naman yang KAIBIGAN LANG kita kaya umiling-iling naman ako.

"O tissue"

Alok sakin ni Claire oo si claire ang kasama ko ngayon sa kwarto ko imbes sila Jade at Shaine, Si Claire nag ko-comfort sakin dahil narinig at nakita niya ang nang yari sa rooftop.

"Grabe ang panget pala ng ugali niya, Akala ko pa naman mabait siya tsk. Sinaktan niya pa yung manager ng Basketball team niya at ang BESTFRIEND niya"

"Actually sinaktan ko siya, Emotionally"

"Eh?"

"Sinabihan ko din siya ng ganon nung time na sinuntok niya ang Ex. Ko"

"No offense hannah, Tanga ka din pala bat mo sinabihan ng ganon? Eh pinoprotektahan ka niya at kaya niya nagawa yun dahil nasaktan ka"

"Pero hindi ko naman sinasadya, Nadala lang ako ng galit"

"Kaya nga dapat wag mag padala ng galit, O tissue pa punasan mo yang nasa ilong mo tumutulo na kasi"

Ay!! Grabe namang babae to, Walang kahihiyan? But i like her, Prangka siya hindi plastick.

"Walang sipon to noh"

"Pinapatawa lang kita"

Natawa ako kahit hindi dahil dun, Natawa ako dahil ang cute niya.

"Nerd ka pala? Ngayon lang kasi kita nakita na nakasalamin"

After ko kasi pagpunas ng luha eh sinuot ko na yung eye glasses ko.

"Hindi naman ako ganon ka nerd"

Kasi yung ibang nerd nag susunog pa talaga ng kilay para sa exam or what, Tas minsan hindi nila naaalagaan ang sarili nila dahil sa pag aaral.

"Seriously ang ganda mo parin kahit naka eye glasses ko at nakatali"

Super compliment naman yan kaya ayan natuwa ako xD atsaka natuwa na din ako dahil may kumausap na saking ng girls except kay jade and shaine.

"Nabalitaan ko na masama daw ugali mo tas inangkin mo daw lahat ng gwapo dito"

"Hindi ko naman sila inagaw, Sadyang maganda lang ako kaya ako ang lapitin ng mga lalaki"

"Hahahaha mayabang ka din pala"

Nag kwentuhan lang kami habang kumakain sa kwarto ko, Panay pa ang tingin ko sa bintana nag babakasakaling sumilip siya dun.

"Hindi ba yan nababali yang leeg mo kakatingin diyan sa bintanang yan?"

"May iniintay kasi ako"

Oo nag iintay at iniintay ko na naman siya.

"Hey!! I gotta go, Mag gagabi na thanks sayo hannah"

"Dapat nga ako pa ang magpasalamat sayo, Osiye bye na at malapit na mag gabi sorry dahil hindi kita maihahatid"

"Jokei lang yun, Babush friend"

Friend? Nice pero sana totoo siyang kaibigan.

Nung nakalabas na siya ng kwarto ko, Umupo ako sa harap ng desktop ko at inopen ang microsoft word at nag simula mag type.

"Galit sakin ang bestfriend ko :( May nagawa ako sakanya, May nasabi na ikinasama ng loob niya"

"Pero salamat dahil andyan si Claire Fuertes na nag comfort sakin"

Nag isip pa ko ng ita-type ko.

"Mag so-sorry na sana ako kaya lang sinigawan niya lang ako pero ok lang i understand him"

"Pero sana lang babaan niya ang pride niya dahil ayaw kong masira ng tuluyan ang friendship namin"

Sinave ko sa USB and i turn off my computer.

Tumayo ako sa harap ng bintana at kinuha ang sketch pad at pentel pan tsaka ulit ako nag sulat.

"Best friend sorry na, bati na tayo please"

Nilagay ko yung sketch pad sa upuan ko at iniharap yun sa may bintana para makita niya.

Kahit sinabihan nila ako na sa personal ako mag sorry ay hindi ko magawa dahil sisigawan niya lang ako.

Nung next day hindi ako pumasok, Mag hapon ako natulog nakakatamad din pumasok kung may bestfriend kang galit sayo, gagawa na lang ako ng excuse letter.

Nung hindi na ko makatulog naisipan kong bumango at mag break fast pero bago ako bumaba ginawa ko ang morning ritual ko.

Napatingin naman ako sa cellphone ko kasi may nag text at natuwa ako dahil si daniel ang nag text sakin.

Fr. Daniel ko :)

Bat di ka pumasok?

-End-

Walang Rheyel ko? Aish wag ka na nga maarte hannah atleast nag text siya sayo.

^Tinatamad ako kaya sabihin mo kay ma'am liza na masakit ang ulo ko at nahihilo ako, So kamusta ka na?^

Ang saya ko dahil nag text siya at nag reply sa text ko.

^Geh^

Hindi siya si daniel na nakilala ko!! Siguro nga galit at tampo na tampo sakin yun dahil sinabi ko sakanya yun pero hindi ko sinasadya.

Nag computer na lang ako at nag edit edit ng mga pictures ko, ni-collage ko lang pero no filters.

Nung nag sawa na ko eh humiga na lang ako sa kama.

Haaay!! Gusto ko na mag bati kami ni Daniel i miss my bestfriend.

"Grabe naman kung mag emote to"

Napatayo ako sa gulat at akala ko si Daniel si Claire pala yun, Wow!! Feel at home siya sa bahay ko.

Pero ayos lang kilala naman na siya ni mommy.

"O bat andito ka?"

"Hmm, para damayan ka"

"Haaay!! So kamusta si Daniel?"

"He's ok but wait kilala mo si Missy Fernandez?"

"No... Bakit?"

"New transferee siya sa infinity high at nag pay attention si Ace kay Missy dahil new classmate natin siya"

"Natin? So classmate na din pala kita at teka maganda ba yung girl?"

"Yes she's beautiful pero MAS maganda ka naman noh"

"Ahh--"

"At di lang yun... Lagi silang magkasama, Ang sweet nga nila eh, One time nga tinanong ko kung mag syota sila, Alam mo kung ano ang sinabi?"

"Ano?"

"Mag KAIBIGAN LANG daw sila, Ang dami nga nakatingin kaya ayun panay ang tanong kay Ace kung pano ka na"

"Ano naman sinabi ni Daniel?"

"Sabi niya, Rheyel is my one and only girl BESTFRIEND so please stop interviewing me"

Napangiti naman ako, Kahit hindi kami bati bestfriend niya parin ako.

*Evening*

Nakaupo ako sa tapat ng bintana habay hawak-hawak ko ang sketch pad, hinihintay ko siya umuwi.

Maya-maya bumukas yung ilaw ng kwarto niya at napatingin siya sakin. Pero hindi na lang niya ko pinansin at pinatay niya ulit yung ilaw pero binuksan niya yung lampshade.

Nilagay ko na lang ang sketch pad ko sa may kama at umupo sa harap ng desktop ko.

"Haaay!! Gusto ko na mag bati kami, Gusto ko na tawagin niya ulit ako ng 'rheyel ko'"

"I miss him badly"

Friend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon