Chapter 13 "Death"

50 3 0
                                    

Last day of intrams dito sa school puro programs lang ang ginaganap pero pumasok parin ako. Naka sevillan lang ako pwede naman yun dahil hindi regular class ngayon.

Napag isipan namin ni Terrence na mag Date after ng program, half day lang naman kaya pwede kami mag mall.

Kaya nung after mag program nagkita kami ni Terrence sa may lobby, umupo muna ako dahil wala pa si Terrence.

"Hannah sorry kung nalate ako"

"Ok lang, Tara na"

*Mall*

"Wow!! Ang ganda naman ng necklace na to"

"Maganda ba yan? Eh ang panget nga eh"-Napalakas ang pag kakasabi ni Terrence kaya kinurot ko siya sa braso.

"Aray ko naman"

"Tumingin sayo yung babae"-Napatingin naman si Terrence dun sa babae at humarap sakin.

"Tara na! Mag sine na lang tayo"

Natawa na lang ako, Pumunta na kami dun sa sinehan at nanood.

"Ang boring naman"-Napaka reklamador talaga nitong si Terrence.

"Terrence"-bulong ko.

"O?"

"Gutom na ko"-hinila niya naman ako papalabas ng sinehan, Pumunta kami sa may Jollibee, nag hanap ako ng vacant seat habang siya umoorder.

*NexT Day*

It's saturday morning kaya nakakatamad bumangon and i'm sure boring na naman dito sa bahay dahil walang gala ngayon atsaka tinatamad din ako gumala ngayon.

*Tok! Tok! Tok!*

"Rheyel!!"-Haaay nangbubulabog na naman itong si Daniel

"Pasok!!"-Hindi ko na siya pinag buksan dahil tinatamad nga ako.

"Rheyel!! Gising uy!!"-Niyugyug niya naman ako habang nakatalikod ako sakanya.

"Ano bang kailangan mo?"

"Gala tayo bilis. Lagi na lang si Terrence ang kasama mo eh"-Humarap naman ako sakanya.

"Tinatamad ako, next time na lang"

"Sus pero kapag terrence hindi tinatamad Hmmmp"-Nag tampururut na naman. Kaya umupo ako.

"Oo na"

"Yes!! Sige wait lang kita"-Lumabas na siya sa kwarto ko at pumasok na ko sa bathroom.

Nag suot lang ako ng Skirt na color blue and hanging top then rubber shoes and were off.

Napag isipan na lang namin na mag park at wag na mag mall dahil kakagaling ko lang kahapon dun with Terrence.

Madaming bata ngayon dahil weekends, Madami ding stall ng mga foods and street foods. Naglakad lakad muna kami habang nag kwe-kwentuhan para malibang din.

Naalala ko si JL na dito kami sa park unang nagkita at kasama ko na naman si Terrence nun.

"Mukhang may hinahanap ka ha?"-Lingon kasi ako ng lingon at napansin niya ata yun.

"Ah oo"

"Sino?"

"Si JL yung magandang batang babae"-sana makita ko yung batang babae na yun para ipakilala ko din siya kay daniel.

Habang naglalakad kami may biglang tumawag samin ni Daniel, Nasa gitna na kami ng park.

"Hijo Hija"-Kaya napalingon kami sa isang matandang babae na may balot sa ulo.

"Ahm, kami po ba?"-Tanong ko sa matanda.

"Oo, Halika kayo"-Aya samin ng matanda, Bigla naman bumulong sakin si Daniel.

"Rheyel wag na!! Tara na"-Tinignan ko na lang si Daniel ng masama, Umupo kami ni Daniel sa dalawang magkaharap na upuan.

"Gusto niyo pa mag pahula? 30 pesos lang"-Wow!! Gusto ko nito.

"Sige po ^_____^"-Sinipa naman ako ni Daniel kaya tinignan ko siya ng masama, ang sakit eh T_T

May kinuha yung matandang babae na madaming baraha na nakapatong patong tas binalasa niya ito.

"Hija, bumunot ka dito ng isa"-Itinapat niya sakin yung baraha na nakaform na parang pamaypay kaya bumunot ako.

"Ibigay mo sakin"-Binigay ko sa matanda yung baraha habang nakataob ito, Tinignan ko naman si Daniel na naka kunot ang noo sa matandang babae. Kaya tumingin ako sa matanda na gulat ang expression.

"Bakit po ba?"-Tanong ko kaya tumingin siya sakin.

"May sakit ka ba hija?"-Hmm, wala naman pero kapag napagod ako tsaka ako hindi makahinga.

"Hmm, Kapag napapagod po kasi ako eh hindi po ako makahinga and i think wala po akong sakin, Bakit mo po natanong?"-Napatingin naman yung matandang babae sa baraha kaya napatingin din ako at nagulat dahil 'Death' ang nakalagay dun sa baraha na nakuha ko kaya nagkatinginan kami ni Daniel na gulat din.

"Hija mag ingat ka baka may mang yari sayong masaya at kung totoo man o hindi yang hula na yan mag ingat ka parin hindi magkatotoo yan"

"Enough!!"-Napatingin ako kay daniel na nakatayo at nakalagay ang palad sa table na hawak niya ang pera "Hindi totoo yan... Here's 30 pesos haha napaniwala mo kami dun"-Tumingin naman sakin si Daniel "Tara na Rheyel"-tsaka niya ko hinatak.

"Hija mag iingat ka!!"- pahabol na sigaw nung matandang babae kaya napalingon ako.

"Hannah!! Let's go"

T-totoo kaya yung hula na yun? Pero hula lang yun diba? May hindi totoo at may totoo pero sana hindi totoo yun.

****

"Lord please!! Sana hindi magkatotoo ang hula at mag iingat na din ako para makasigurado ako"-Pinatay ko na ang computer at nahiga, Insomia Attack!!!

Friend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon