Chapter 25:Field trip

62 3 3
                                    

Etooo na!!!

----

*Tok! Tok! Tok!*

Pumasok naman yung kumakatok, Psh. Si Daniel pala.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Susunduin kita.. Dahil sabay na tayo baka mamaya marape ka pa ng kung sino sino dyan"

4 pa lang ng madaling araw, Mga saktong 3 ako nagising tas naligo at kung ano-ano pa.. Mga 4:10 kami umalis at naglakad lang kami para excersise na rin noh. Tas mga 4:20 na kami nakarating sa school.

Buti na lang at nagkatabi pa kami ni Daniel dahil ayoko ng ibang katabi na lalaki.

Nung mga 4:30 bumaba na kami at pumila sa Quadrungle at dahil kumpleto na kami, Maaga kami nakaalis, Bus 23 kami hahaha. Ang saya lang.

Pagkaupo ko, Kinuha ko na ang aking milk at ininom to.

"Hoy hindi ka ba nag susuka?"-Napahinto naman ako sa ginagawa ko.

"Daniel.. 7 years na tayo nag tatabi ng upuan tuwing may Field trip, May naalala ka bang nagsusuka ako?"

"Wala"-Inirapan ko siya at sumandal na lang tas tumingin na lang ako sa mga labas.

Umupo naman siya sa tabi ko at kumain, Sa ngayon Lowbat pa ang mga ka-klase ko, Katabi naming upuan ay sila shaine at jade tas nasa likod nila ay si Missy at si Julian. Nasa bandang likod na kami kaya puro lalaki na rin ang kasama namin.

And first Destination namin ay ang Manila Ocean park.. How cheap naman diba? Hahaha.

At dahil malapit lang ang Manila Ocean park. Maaga kami nakarating dun at konti na lang ang pila, Buti naman dahil napaka init.

Pumila kami sa isang lugar para makanood ng Penguin Talkshow, ang laki ng expectations ko na totoong penguin yun pero hindi pala, Isang penguin na nasa isang malaking screan at nasa lugar siya na puro yelo na may tubig. 

Nagbibigay lang siya ng information about penguin, wala ako ganang makinig dahil ang naisip ko ay Enchanted Kingdom.

After ng 30minutes Penguin Talkshow pumunt na kami sa mga ibong malayang lumilipad. Nakasandal lang ako sa railings at nakatingin sa taas dahil sa mga nagliliparang ibon.

*FLASH*

Napatingin naman ako sa harap ko kung saang may hawak ng DSLR si Daniel at talagang pinicture-an ako.

"Mukha kang model dito, Idagdag mo pa yung magandang background"-Lumapit naman ako sakanya at tinignan ang picture ko.

Ang ganda nga.. Natural na Natural. Well...

Ang next ay sa Aquarium na, Pumila muna kami and this time madami ng tao puro studyante but still kami pa ang nanguna. Wahahaha.

Nag-lalakad lang kami ni Daniel habang nagkwekwentuhan ng may bumangga kay Daniel.

"Sorry Daniel"

"It's ok. Missy"- Naningkit na lang ang aking mga mata.

Naglakad na lang ako ng mabilis, Iniwan ko na lang siya dun. Nagulat naman ako ng biglang may umakbay sakin.

"Asuuuus!! Tampururot na naman ang aking magandang bestfriend"

"Flirt"-Naglakad ako ng mabilis, Hanggang sa makaakyat na ko sa taas na kung saan kita ang dagat at ang barko.

"Woow!! Ang lamig"-Kumapit ako sa railings habang tinatangay ang mga hibla ng buhok ko ng hangin.

*Flash*

"Daniel tigilan mo yan!!"

Hanggang sa mapunta kami sa sea lion show, Fountain show ba yun? Sa mga Jelly fish, sa mga store at kahit saan pa.

Friend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon