Epilogue

5.7K 207 138
                                    

Epilogue

(NOTE: wag nyo munang papanoorin yung video sa gilid hanggat hindi nyo tapos basahin ang Epilogue ok? ^__^ )

7 years later...

Tahimik na nakaupo si Tammy sa madamong lupa ng sementeryo. Inilapag niya katabi ng puntod ang isang bouquet ng puting bulaklak at napahawak sa pangalang nakaukit dito.

“Namiss kita….sorry matagal akong hindi nakadalaw….pero eto na ko ngayon….alam ko mula sa langit binabantayan mo ko….” Bulong nya sa hangin at nagsimulang pumatak ang luha ni Tammy.

“Mama....” Naramdaman nya ang paghawak ng maliit na kamay ng isang cute na cute na batang lalaki. Kasunod nito dahan dahan ring naglakad palapit sa kanya ang isa pang cute na cute na batang babae.

Napangiti si Tammy at niyakapa ang dalawang bata.

“Mama?” Sabay pang nagtaka ang dalawang bata na halos iilang salita pa lang ang nabibigkas. Hindi nila maintindihan kung bakit umiiyak ang Mama nila na si Tammy.

“Tammy, anak, tara na, naghihintay na sila...” Tawag ni John na kasunod ng mga apo nya.

“O-opo..sorry Daddy emotional lang..I’m soo happy.” Inayos ni Tammy ang sarili at pinagpag ang damit.

“Nadumihan na yata yung damit mo…di pa nagsisimula nadumihan na.” Sabi pa ni John. Ngumiti lang si Tammy at binuhat ang isa sa mga bata. Ang isa naman ay kinuha ni John.

“Say bye to Lola…bye lola..” Sabi pa nilang dalawa at itinuro ang puntod kung saan nakalibing ang mommy ni Tammy.

Gusto ni Tammy na bumisita muna dito bago dumeretso sa beach kung saan magaganap ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa buhay nya.

~~~

Nawala ang kaba sa dibdib ni Patrick nang Makita na nya ang papalapit na si Tammy kasama ang ama nito.

Nagmamadaling inakay ni Ella at Christian ang dalawang batang kasama nila Tammy para iayos na sa pila upang masimulang ang ceremony.

“She really is beautiful.” Bulong ni Jason na sya ring best man ni Patrick. Napangiti si Patrick na parang kinikilig sabay handshake kay Jason bago ito umalis at sumali na sa mga nakapila sa likod bago makarating sa isle.

Ngayon ang araw ng kasal nina Tammy at Patrick…tulad ng gusto ni Tammy, beach wedding during sunset. Lahat ng sinabi nya sinunod talaga ni Patrick.

Nagsimulang tumugtog ang musika kasabay sa unang hakbang nga mga abay, flower girl, ring bearer, bible bearer, coin bearer at iba pa. Masayang nakangiti ang mga guests kasama sina Jeff at Chelsea na isang taon nang mag-asawa. Sina Ms. Lisa at ang asawa nitong si James, ang mag-asawang Henry at Stella na nasa likod ni Patrick at halos maiiyak na rin at ang iba pa nilang mga kaibigan.

Well here we are again, I guess it must be fate…

Habang naglalakad sa altar, inaalala nina Tammy at Patrick ang mga pinagdaanan nila bago makarating sa puntong ito.

We’ve tried it on our own, but deep inside we’ve known we’d be back to set things straight…

Ilang taon ang hinintay nila para magsama habang buhay. Ilang problema ang hinarap….ilang luha ang iniiyak…

I still remember when your kiss was so brand new…

Mula sa unang halik na hindi inaasahan dahil aksidente lang na nadapa silang dalawa at pagdilat nila magkadikit na ang mga labi nila.

Every memory repeats, every step I take retreats, every journey always brings me back to you…

Lagi pa rin silang pinagtatagpo ng tadhana kahit na noong mga bata pa sila… kahit ipalimot pa sa kanila ang mga alala, pilit pa ring gumagawa ang tadhana ng paraan para magkabalikan sila.

Why Dont You Kiss Her? (TamRick FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon