Chapter 8 Jeff

5.9K 112 29
                                    

Chapter 8 Jeff

“Anong batman?” Biglang napalingon si Tammy sa likod. Nakita nya si Patrick at Tikoy na naghihintay ng sagot.

“Ha? Nanjan ka pala… Napag-usapan lang namin. May mga notes kasi sa locker ko. Akala k okay Mary Rose yun. Tapos lagin black paper with yellow ink. Naisip ko lang familiar yung mga sulat na yun kasi yung kulay, logo ni Batman.” Paliwanag ni Tammy. Pinilit nyang hwag magmukhang si Patrick ang tinutukoy nya.

“Ganon? Ang corny naman nun!” Nagtaka si Tammy sa comment ni Patrick. Kung naccorny-han si Patrick ibig sabihin ba hindi sya yung nagpapadala ng notes?

“Ha! Corny ba? Ano mas maganda, corny or torpe?” Sabad naman ni Tikoy sabay akbay kay Patrick.

“Anong torpe pinagsasasabi mo jan. Di ako torpe ha!” Siniko naman sya ni Patrick sabay yuko.

“Chillax! Wala naman akong sinasabi na torpe ka defensive ka naman kagad?” Natatawa naman si Tikoy.

“Hay nako guys, tigilan nyo na nga yan. Nasan na ba si Ms. Ortega?” Binago na ni Winston ang usapan. Lagi na lang kasi naglolokohan sina Patrick at Tikoy na baka mauwi lang sa pikunan.

“Ay naku guys may babalita nga pala ko sa inyo! May nagtransfer pala dito sa kabilang section one week ago! Balita ko, leader ng frat yun. Actually mejo gwpo sya kaya lang parang may pagkapresko pero mukha syang smart! Nakasalubong ko kanina malapit sa principal’s office.” Nagkwento si Britney kung ano ang nakita nya kanina.

“Nako… madadagdagan nanaman ang heatthrob sa campus bukod satin.” Sabi naman ni Tikoy.

“Wag kang mag-alala mocca beybi ko, ikaw pa din ang heartthrob ng puso ko!” Bigla namang bawi ni Britney nang tinignan sya ng masama ni Winston sa pagkakasabi nya ng “gwapo”.

“Madadagdagan nanaman ng mayabang pala dito sa school.” Nagulat pa sila ng biglang ngsalita si Ella sabay tingin kay Patrick na parang nang-aasar.

“Oh, wag mo kong tignan, good boy na ko, tanong mo man kay Tammy, di ba Tammy?” At umakbay pa si Patrick kay Tammy. Inalis naman kagad ni Tammy ang kamay nya dahil naiilang sya lalo na sa harap pa ni Ella na alam nyang mahal pa din si Patrick.

~~~

“Bilisan mo na nagugutom na kami!” Sa pangatlong pagkakataon tumawag nanaman si Patrick sa kanya. Naghihintay na daw sa canteen ang barkada at si Tammy na lang ang wala. Kailangan kasi nya pumunta sa library para sa report nya bukas.

“Oo na sandali na lang kasi naman! Susunod na ko ha. Saglit na lang.” At tinapos na nya ang tawag. Kanina pa nya hinahanap yung reference book nila pero wala yata mukhang may nauna nang manghiram.

“Hay, mamaya na nga lang!” Suko na sana sya sa paghahanap at pupunta na sa canteen nang biglang may lumapit sa kanya.

“Hi Miss.” Bati nito. Nagulat pa si Tammy nang lumingon sya. Ang daming babaeng nakasunod sa tumawag sa kanya na parang kinikilig pa.

“A-ako?” Tinuro pa nya ang sarili para makasigurado kung sya nga ang kinakausap nang lalaki.

“Yes ikaw nga. Tammy, right?” At mas ikinagulat nya na alam nito ang name nya.

“Ha? Bakit mo alam?” nagtatakang tanong nya.

“Transfer kasi ako from Manila. Naghahanap ako nang club na pwedeng salihan. Nakita ko yung volleyball club member ka non diba? Ikaw unang napansin ko kasi ikaw yung pinakamaganda.” Sa isip ni Tammy, mukhang sanay mambola tong transferee na toh.

“Ah…baka si Ella yung ibig mong sabhin. Bakit mo nga pala ko tinawag?” Sinubukan nyang ibahin ang topic. Besides, kanina pa sya hinihintay nila Ella sa canteen at nararamdaman na nya na nagvivibrate nanaman ang fone nya. Malamang si Patrick nanaman.

Why Dont You Kiss Her? (TamRick FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon