Chapter 27 ChrisElla in the Making

4.8K 81 33
                                    

Chapter 27 ChrisElla in the Making

“OMG!... si Tammy yung babaeng hinahanap mo sa marquerade ball natin?” Si Britney ang unang nakabawi sa gulat ng barkada. Nakapaikot na din ang ibang students na nakakita sa nag-aaway na magbest friend kanina.

“Anong ibig sabihin nito Ella? Bakit nasayo yung bracelet ko?” Hindi pinansin ni Tammy si Britney dahil sa bracelet sya nakafocus.

Napatingin ang lahat kay Ella at tuluyan na tong umiyak.

“S-sorry Tammy…” Yun lang ang nasabi ni Ella. Hindi pa rin maintindihan ni Tammy kung para saan ang sorry na yun.

“Ikaw ba yung kumuha ng bracelet?” Para maliwanagan ang lahat si Patrick na ang nagtanong. Alam nya rin na hindi pa nakakarecover si Tammy sa nangyari kanina.

Nagsimulak humikbi si Ella na parang may mabigat na dinadala na nahihirapan syang sabihin. Hindi sya makatingin kay Patrick at Tammy.

“Ano?!” Naiinis nang tanong ni Patrick dahil sa inaasal ni Ella ngayon, mukhang tama nga ang iniisip nya. All this time, si Ella ang kumuha ng bracelet kaya pala hindi nila mahanap dahil itinatago sa kanila.

“Oo! Ako yung kumuha…k-kase..-k-kase dapat sakin yan! Kase dapat ako yung mahal mo Patrick! A-ko dapat ang binibigyan mo nyan…” Nahihirapang sabi ni Ella.

Parang nashock naman ang lahat lalo na si Tammy na hindi makapaniwala sa nalaman nya. All this time, nasa bestfriend nya lang pala yung bracelet. Hindi nya alam kung magagalit sya o matutuwa dahil safe ito at pwede nan yang alamin kung anong meron sa bracelet na toh na may kinalaman sa mommy nya.

“P-pero nung umalis si Tammy para hanapin yan…gusto ko naman talaga isoli..hindi ko lang alam kung pano ko pa sasabihin…kaya sorry… sorry naging selfish ako…. Maniwala kayo isosoli ko naman talaga ayan…” Pakiusap ni Ella. Pinulot nito ang bracelet at ibinigay kay Tammy.

Parang wala sa sarili namang hinayaan lang sya ni Tammy habang umiiyak na rin ito dahil sa magkakahalong emosyon na nararamdaman nya ngayon. Una, galit na galit ang daddy nya, pangalawa, bestfriend pala nya ang kumuha ng bracelet na pinagmulan ng gulo ng barkada, pangatlo, nalaman na din nila na sya yung misteryosong babae sa party at ang pinakamatindi, mukhang hindi na sya pwedeng makipagkita sa taong mahal nya.

“Pano mo nagawa yun Ella?! Parang tinraydor mo buong barkada natin! Nagkagulo tayo, nag-away away dahil sa pagkawala ng bracelet n yan…. Pano kung nung hinanap ni Tammy yan may masamang nangyari sa kanya? Ano pang magagawa ng sorry mo?” Nagalit na rin si Tikoy. Sobrang nag-alala sya simula ng naging magulo at simula nang Makita nyang sobrang nasasaktan at sobrang apektado si Tammy sa mga nangyayari nun pala isa sa kanila ang nagpapahirap dito.

“Sorry… Tammy… sorry…” Yun lang ang masabi ni Ella dahil hindi na rin nya mapigil angpaghikbi. Bigla nya tuloy naisip, siguro kung nandito si Christian may magccomfort sa kanya…may maniniwala… may makikinig kahit na aminado syang naging selfish sya…. At ngayon lang nya naisip kung gano kahalaga ang role ni Christian simula nung dumating ito sa buhay nya.

“Alam mo Ella….” Pagkatapos ni Tikoy si Tammy naman ang nagsalita. Umakbay si Patrick kay Tammy at humawak sa balikat nito para kung sakaling sugurin si Ella mapipigil nila.

Laking gulat na lang nila nang biglang yumakap si Tammy sa kaibigan. Kahit si Ella parang nashock sa ginawa nito.

“Thank you..” Sabi lang ni Tammy at pinawalan na si Ella sa pagkakayakap nya.

Tumingin si Tammy kay Ella sunod sa buong barkada at huli kay Patrick. Ngumiti sya ng malungkot na ngiti habang tumutulo ang luha nya.

“At least malinaw lahat…makakaalis na ko.” Sabi lang ni Tammy. Kinuha nya ang mga gamit sa locker at pinagkasya sa bag nya. Nakatingin lang sa kanya ang barkada at parang pinakikiramdaman kung anong dapat sabihin sa kanya.

Why Dont You Kiss Her? (TamRick FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon