Chapter 19 Masquerade Ball

5K 93 34
                                    

Chapter 19 Masquerade Ball

Napanganga na lang si Tammy nang biglang ibagsak ni Chelsea sa harap nya ang librong hawak nito at umupos sa tapat nya habang kumakain sya nglunch.

“Wag kang tumingin ng ganyan hindi kita aawayin.” Padabog pang sabi nito. Inayos naman ni Tammy ang sarili at napataas ang kilay kay Chelsea.

“Para maniwala ka na hindi ako ang kumuha ng bracelet mo, tutulungan kitang maghanap! Pero hindi ibig sabihin nito ok tayo! Gagawin ko lang toh kasi hindi naman pala totoong girlfriend ka ni Patrick. Akala ko kasi aagawin mo sya saken pero galit na sya sayo kahit isoli mo yung bracelet. Kailangan ko din mahanap yun dahil pagnakita na nya ako na ang pagbibigyan nya.” Hindi makapaniwala si Tammy sa naririnig nya.

Totoo ba? Una, tutulong si Chelsea sa kanya… pangalawa, ang lakas ng fighting spirit nya na parang sigurado syang sya nga ang pagbibigyan ni Patrick if ever na mahanap na nya yung bracelet.

“Seriously?” Nasabi na lang nya.

“Wag mo na ngang ipaulit sakin yung sinabi ko! Please lang! Sabihin mo na lang kung may naisip kang plano.” Nahihiya pang sabi ni Chelsea. Ayaw nya ding ipakita na nagiging maayos ang pakikitungo nya kay Tammy.

“Paano ko naman malalaman kung wala ka ngang masamang intension?” Nagdududa ang tono ni Tammy. Bumalik ito sa kinakain nyang vegetable salad.

“I can’t believe you! Frankly sinabi ko na kung anong intension ko. Besides, pag nakita ko ni Patrick na mabait sayo matutuwa sya sakin dahil makikita nya na kahit inaway ako hindi ako gumaganti.” Muntik na masuka si Tammy sa narinig nya pero pinigil na lang nya. Besides, wala naman syang ibang makakasama ngayon kundi itong si Chelsea na lumalapit sa kanya. At kung tutulong ito sa kanya, edi ok lang!

“Gusto ko lang malaman bakit alam mo yung tungkol sa bracelet?” Tanong muna ni Tammy.

“Best friends ang parents namin ni Patrick. Bata pa lang kami nakkwento na ni Tita Stella yung tungkol sa bracelet na yun kasi iba ang pinagbigyan ni Tito Henry kahit sya yung nakatuluyan. Kaya nung nakita ko na binigay sayo yung bracelet alam ko kagad nay un ang pinag-uusapan.” Hindi pa din tiwala si Tammy na totoo ang sinsabi ni Chelsea. Papaya sya na tumulong ito para lagi nyang mainterrogate at baka sakaling mapatunayan nyakung kinuha ba nya talaga or hinde.

“Owkie.. balak ko magpaskil sa school na nawawala yung bracelet.” Simpleng sabi lang ni Tammy.

“That’s alright. Tulungan na lang kita magpost. Nga pala, may date  ka na ba sa Victory party para sa volleyball team nyo?” Biglang naging excited si Chelsea.

“Hmm? Date? Kailangan pa bay un eh pwede namang umattend ng mag-isa.” Parang nadismaya pa si Tammy sa tanong ni Chelsea.

“Loser! Alam mo sa states pag wala kang date ikaw ang pinakakawawang nilalang. Lalo na masquerade ball pa ang gagawin nyo. Mas exciting yun.” Piangtawanan lang nito si Tammy.

“Oh, masquerade ball pala, ibig sabihin ang thrill non, pagdating sa venue dun pa lang maghahanap ng partner. Up to you kung makikita mo yung gusto mong partner kahit nakamask kayo. If not, sorry na lang ienjoy mo na lang yung date na makukuha mo.” Nagkibit balikat pa si Tammy.

“Eh dib a magkasama kayo ni Patrick sa bahay? Gusto ko silipin mo kung anong mask ang gagamitin nya tapos sabihin mo sakin para sya yung pipiliiin ko kagad!” Naparoll-eyes si Tammy. Kaya naman pala sya gustong tulungan ni Chelsea para makapagspy kay Patrick. Pano naman nya gagawin yun eh galit nga si Patrick sa kanya!

“Hindi ko maipapangako yan. Subukan ko lang.” sabi na lang nya dahil sa itsura ni Chelsea mukhang hindi naman sya titigilan pag hindi sya pumayag.

Why Dont You Kiss Her? (TamRick FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon