She Played Her Part ♡ Chapter 18

Start from the beginning
                                    

Nagulat naman si Lianne nang sabay-sabay na humawak sa kamay niya ang apat. Nagkatinginan pa sila ng masama habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Lianne.

Hay... ang a-abonormal talaga nitong mga 'to. Ewan ko nga kung paano ko naging kaibigan itong mga 'to. Mabait naman ako.

Pinagbabatukan ko ulit sila. "Tumino nga kayong apat!"

"Sorry, Boss! Sorry, Boss!" sabay-sabay naman nilang sabi at yumuko pa sila sa harap ko.

Narinig kong natawa na talaga si Lianne kaya nilingon ko siya.

"You're so cute, guys!" sabi niya sa pagitan ng pagtawa.

Ang lapad naman ng ngiti ng apat. Proud sa mga kalokohan nila. Ang sarap ihampas sa lamesa namin isa-isa. Pero mabait nga pala ako kaya hindi ko gagawin iyon at pasalamat sila, napangiti nila si Lianne.

Umupo na lang ulit ako.

"Hey! Ako ang uupo rito," sabi ni JD kay JC na balak umupo sa tabi ni Lianne.

"Excuse me, JD is always next to JC. Kaya ako ang uupo rito," katwiran naman ni JC.

Nagtitigan sila ng masama habang nakahawak sa upuan na pinag-aagawan nila. Napahawak naman ako sa noo ko.

For god's sake...

"'Di ba, tutugtog kayo ngayon? Nandiyan na ata 'yung magiging vocalist niyo ngayon gabi," sabi ko para matigil na ang pag-aaway nila.

I'm the one arranging their gigs. Ako ang nakikipag-deal at kung anu-ano pa. I'm like a manager but I'm just really helping them. They got a lot of potential and they're in need too, so I help them.

Kulang lang talaga sila ng permanenteng vocalist. Madalas ay mga solohista ang naaalok namin at ayaw talaga magbanda. Kung babae naman ay madalas naliligawan ng isa sa kanila at kapag nagkaloko-loko na ang relasyon sa kanila at naghiwalay, umaalis din.

Dapat yata mag-set na ako ng rule na bawal na nila ligawan ang vocalist nila kapag babae. Lalo na ngayong si Lianne pa ang magiging bokalista!

Hindi ako papayag na ligawan siya ng kahit sino sa kanila. Kahit pa si Jhayron na palaging seryoso sa relasyon. Ako nga, hindi ko siya maligawan dahil may boyfriend siya, 'tapos papayag akong maligawan siya ng kahit sino sa apat na 'to?

No freaking way!

Natigil na nga silang mag-away sa upuan at tumayo na rin si Jayson at Jhayron na kakaupo lang.

"Watch me, Babe," pa-cute na sabi ni JD at kumindat pa ulit kay Lianne.

Ibang klase ang pagiging pababaero. Parang gusto na naman niyang makatikim ng batok!

Ngumiti ulit si Lianne pero parang pilit lang iyon. Siguro dahil hindi niya rin gusto ang ginawa ni JD at alam niyang ang mga tipo nito ang hindi niya dapat sineseryoso.

"Don't mind him," sabi ko nang nasa stage na ang apat kasama ang vocalist nila na nanggaling sa backstage.

"They look cool," kumento niya at tipid na ngumiti.

"H'wag ka lang magpapadala sa mga pangbobola nila, lalo na kay JD," nanatawa kong sabi.

Natawa rin siya. "I know..." Then she sighed. "I like him already, but I hate him at the same time."

Kumunot ang noo ko. "Why?" I can't help to ask.

"He called me 'babe'," nakasimangot niyang sabi kasunod ang pagtungga ng alak na natira sa baso niya. Bottom's up.

Hindi nawala ang kunot ng noo ko sa isinagot niya. What's with that endearment at ayaw niyang magpatawag ng ganoon? Napansin niya namang nagtataka pa rin ako.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now