"Oh my. So it is about him! Tama nga ako!" Napahawak siya sa bibig niya.

"Sshh! Hinaan mo boses mo!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Anong kaguluhan to?" Kinabahan ako nang may magsalita mula sa likod ko. Paglingon ko, si Mandy lang pala. "Kanina pa kayo wala sa counter ah? Andito lang pala kayo." Sinarado niya ang pinto. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Pano ka nakapasok?" Ang alam ko ni-lock ko ang pinto eh.

"May duplicate key ako." Tapos pinakita niya ang hawak niyang susi. "Bakit nga pala kayo nandito?"

"Eh hinila ako neto eh." Sabi ni Hazel sabay turo saken. "May problema ata sa pag-ibig."

Tiningnan ko siya ng masama. "Wala kaya."

"Lokohin mo lelang mo." Tinaasan niya ako ng kilay.

"May problema ka sa pag-ibig, Shane? Bago to ah?" Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri niya. "Tungkol ba to kay Ezekiel?"

Sasagot sana ako kaso naunahan ako ni Hazel. "Oo! Tungkol nga kay Ezekiel."

For the second time tiningnan ko ulit siya ng masama. Babaeng to talaga hindi alam kung paano tumahimik. Sarap tahiin ng bunganga niya. Swear.

"Bakit? Nag-away kayo?" Tanong ni Mandy.

"H-hindi ko alam." Sagot ko.

"Bakit hindi mo alam?" Tanong naman ni Hazel.

"Hindi naman kami nag-aaway. Ano lang... galit kasi ako sakanya."

"Bakit? May ginawa ba siyang hindi mo nagustuhan? Binastos ka ba niya?"

"Grabe ka naman, Mands. Hindi naman ganun si Ezekiel. Mukha naman siyang mabait." Tiningnan ni Hazel si Mandy.

Tiningnan ko si Hazel. "Mabait ba yung tawag sa lalaking marami nang naging girlfriend?"

Sabay silang tumingin saken. Nagtataka. "Anong ibig mong sabihin?" Sabay nilang tanong.

At ayun, kinuwento ko sakanila angn nangyari don sa party kahapon. Tungkol don sa nalaman ko sa past ni Ezekiel.

"Kaya pala." Sabi ni Hazel at tumango. "Pero alam mo, tama naman si Ezekiel eh. Past na yon. Ibig sabihin wala na yon. Ikaw na ang present niya and soon to be part of his future. At tsaka, inamin naman niya na ikaw ang mahal niya diba? So why mad at him?"

"I disagree." Nagtaas ng kamay si Mandy. "What if gawin niya ulit yon kay Shane? Pano kung pinaglalaruan lang siya ni Ezekiel? Edi kawawa si Shane."

"Bakit naman magiging kawawa si Shane eh seryoso nga sakanya si Ezekiel diba? Saksi ka Mandy kung pano pinapakita ni Ezekiel ang nararamdaman niya para kay Shane."

"Hazel, alam nating dalawa na hindi pa nagkaka-boyfriend tong kaibigan natin. Syempre natatakot lang siya kasi baka matulad siya don sa mga naging karelasyon ni Ezekiel dati. Baka masaktan lang si Shane sa huli. Palibhasa kasi sa lalaking yon, habulin ng mga babae kaya walang kaso sakanya kung makipaghiwalay siya kasi hindi naman siya ang masasaktan."

"Gaya nga ng sinabi mo, DATI. So meaning, sa past na yon. Hindi na yon kasali sa present. Sa nakikita ko, mahal na mahal ni Ezekiel si Shane."

Hindi ako kumibo. Tahimik lang ako habang nakikinig sakanila.

"So hahayaan mo na lang na masaktan si Shane, ganun ba?" Tanong ni Mandy kay Hazel.

"Hindi mo matatawag na pagmamahal yang nararamdaman mo kung hindi ka masasaktan, diba? Tsaka, parte kaya ng pag-ibig ang masaktan. Immune nako dyan noh. Sa dami ba namang naging boyfriend ko dati ilang beses nakong nasaktan. Halos maubos ko na nga ang tissue don sa tindahan namin dahil sa kakaiyak ko gabi-gabi. Pero alam mo kung ano ang natutunan ko sa pag-ibig na yan? Kapag nasaktan ka, mas nagiging matapang ka."

Love You Like CrazyWhere stories live. Discover now