GLIMPSE 28

98 3 0
                                    



"Glimpse 28"

(Third Persons' Pov)

St. Clair's Hospital Madrid Spain

Zerina Dragomir

Room 696

"Wake up Pumpkin you have been sleeping for almost 3 years, the world is already excited to see you again, You're Empire's down at at risk. They need you."

Wika ng isang matandang lalaki sa babaeng mahimbing na nakahiga sa kama. Puno ang katawan nito ng ibat-ibang tubo na nakakabit sa mga aparato.

Pinagmasdan niya ang nakaratay pagdaka'y sumilay ang mga ngiti nito ng mahuli ang dagling pag galaw ng mga daliri dindikasyong malapit magising ang naka comang pasyente.

Tahimik ang kwarto ng pasyente. Iisang tao lang din ang nagbabantay sa loob. Sa lumipas na halos tatlong taon ay doon na sa mismong kwarto na iyon nanirahan ang nagbabantay dito ngunit paminsa'y umaalis para asikasuhin ang mga negosyong pinapatakbo.

Malaki ang kwarto ng Private hospital. Kulang na nga lang ay mag mukha itong bahay dahil sa mga gamit nito kumpleto mula sa Cr, sala dalawang kwarto at kusina. Kung tutuosin mukha na sana itong condominium unit dahil sa laki.

Nakaupo ang matanda sa tabi ng hospital bed habang maingat na sinusuklay ang kulay gintong buhok ng babae.

"Alam mo ba ang daming nangyari habang wala ka. Kaya"

Naputol ang sasabihin ng matandang lalaki ng pumasok ang isa niyang tauhan mula sa labas habang dala dala ang kanyang cellphone.

"Master, Uno was calling you, he say it was urg..."

"Give me my phone and get out" Iyon lang ang sinabi nito. Agad namang tumalima ang lalaki at agad na umalis.

Tumayo ang matanda at pumasok sa sariling kwarto niya para doon kausapin ang tumawag.

"Are they already dead?" tanong ng matanda sa kausap

"I'm sorry Sir, but..."

"Stupid! why are they still breathing!"

"It was a trap transaction sir!, I conclude that they already knew some organizations may sabotage their work so they planted bombs over the vicinity and activating it all after escaping the building."

"You idiot!, I already told you about thinking all the possibilities to happen and you still didn't put it on your pea size brain!" gigil na turan ng matanda. Naglakad siyang muli patungo sa kwarto ng binabantayan. Nanlaki ang mata niya ng makitang wala na itong laman.

Agad niyang inilibot ang paningin hanggang mahagit ng mata niya ang isang bulto ng babaeng nakasuot ng hospital gown na naglalakad habang nakakapit sa pader para sa suporta. Nakatingin ito sa labas. Nasa mataas na palapag sila ng hospital kaya kitang kita dito ang makulay na syudad ng madrid. Maganda ang tanawin sapagkat gabi doon.

"I'm sorry sir, I will "

"Shut up! I'm full of your sorries," turan nito na nagpatigil sa kausap sa kabilang linya. Matapos non ay pinatay na nito ang tawag.

"Zerina" tawag ng matandang lalaki dito.

Tumungin lamang ito sa kanya,blanko ang mukha at malalamig ang kulay luntiang mga mata. Napakaganda nitong pagmasdan. Mga matang animo'y sa dragon dahil sa mga slits nito sa magkabilang mata. Ang slits nito'y lumalampas sa kanyang maliit na bilog kaya aakalain mong guhit lamang ito doon. ang luntiang kulay ay napapaligiran ng asul. Tahimik ang babae at mukhang payapa, but he knows more than that. Alam niya kung gaano ito kadelikado dahil siya mismo'y nasaksihan ang kaya nitong gawin.

Glimpse of Death 1 Playing with the ReaperDonde viven las historias. Descúbrelo ahora