GLIMPSE 14

100 4 0
                                    

* THIRD PERSON'S POV*

Tahimik lang na nakabantay ang dalawang lalaki sa nakahigang babae sa clinic bed. Mahimbing itong natutulog, sa katunayan dalawang araw na itong tulog matapos ang nangyari sa kanya sa loob ng maze.

"Tsk! Ano nanaman bang kailangan nitong nerd na to dito sa loob, hindi naman siya kailangan dito pero kung makabantay kay Z feeling nya close sila tsk!" Isip isip ni Tyron habang matalim na tinititigan si Kent na tahimik lamang na nakayuko at nakaupo sa isang tabi.

Wala silang imikan ng lalaking kasama dahil sa totoo lang hindi naman talaga sila nagpapansinan nito kahit noon pa man. Tama na sa kanila na kilala ang isat isa bilang siya na member ng Dukes at si Kent bilang member ng Princes.

Kinuha ni Tyron ang kanyang cellphone at naglaro nalang ng COC.

Naalala niya tuloy kung paano siya tinalo ni Z sa larong iyon ng walang kahirap hirap.

Napangiti siya.

Iyon ang unang araw na nagkita sila ng babae, hindi maganda ang pagkikita nila noon, umakyat ang babae sa rooftop na ng mga oras na iyon ay pinagtatambayan niya. Naisipan niya kasing mag ditch sa klase at matulog kaya ng mag hanap siya ng lugar na pwedeng puntahan roof top agad ang naisip niya.

Naglagay siya ng note sa pinto na bawal pumasok pero hindi ata iyon nabasa ng babae. Nakipag sagutan pa ito sa kanya pero hindi tumagal ay nagpatalo na din. Pero hindi niya inaasahan na mawawalan ito ng malay doon mabuti nalang at nasambot niya ito. Dinala niya ito sa kanyang kwarto para doon pagpahingahin naging magkaibigan sila and the rest was a history.

'AISHT' napailing siya, Nakakabakla naman ata ang ginagawa ko daig ko pa ang nag de day dream nito. isip isip niya ulit.

******************

"Ikaw ba may gusto kay Z huh?" Lakas loob na tanong ni Tyron sa tahimik pa ring nakaupo na si Kent.

Napatingin ito ng diretso sa kanya habang namumula ang pisngi, kasing pula ng mukha nito ang hinog na kamatis.

"W...wa..." Kent

"Meron, wag ka na tumanggi halata kana." Putol ni Tyron sa sasabihin ni Kent.

Hindi na ito sumagot pero nag iwas ito ng tingin at mas lalong namula. Pati na din ang puno ng tainga nito ay mapupula na din.

"HaHahahahahah!" Hindi nito mapigilan ang pag tawa kaya napatingin sa kanya si Kent.

"Hahaha, sa tingin mo ba magkakagusto sayo si Z? hAHAHAHA "

"hindi naman sa ga..."

pinutol niya ulit ang sasabihin ng kausap.

"Alam mo wag kana umasa kasi malayong magustuhan ka niya tsk! Hindi kayo bagay alam mo yon?"

Napatungo ang kausap niya dahil sa sinabi niya.

Sa totoo lang na te threaten lang naman siya kay Kent kaya nasabi niya ang mga iyon. Gusto niya si Z at sigurado na siya doon. Hindi niya alam kung paano o bakit pero iyon ang nararamdaman niya.

Kaya ng malaman niyang gusto din nito ang babae ay gumawa na siya ng paraan na mapalayo ang lalaki dito.

"I just want to be friend with her, thats all" Kent said.

Nanibago siya sa inasal ng kaharap. Diretso itong nakatingin sa kanya ng sinabi nito ang mga katagang iyon.

"Tsk hahaha Friends? silly"

*knock knock*

They were interrupted by the non stop knocking of door.

Agad namang tumayo si Kent para pagbuksan ang bagong dating.

Glimpse of Death 1 Playing with the ReaperWhere stories live. Discover now