GLIMPSE 24

63 1 1
                                    


 (Hello folks, Kaninong Pov ang gusto nyo sa next chapter? Let's see..so any want wants to have an YVON/EVES POV? Hahaha stay tuned.. errr the revelations yet to come...

Love Nna-air_19)

(Third person's POv)

Isang lalaki ang nakaupo sa swiveled chair habang nakatanaw sa malaking glass window ng kanyang opisina. Kitang-kita ang kabuoan ng syudad ng Reto City mula sa kinauupuan niya maging ang iba pang nagtataasasang sky scrapers na nakapalibot sa syudad.

*knock-knock*

Katok ng tao mula sa labas. Gamit ang kanyang remote control ay binuksan niya ang pintuan ng kanyang opisina at di na nag-abalang humarap pa sa dumating.

"Uno, Kararating lamang nina Bruno, Hindi nila kasama ang Babae."

"Let them in" Maigsing turan ng lalaking tinatawag na Uno. Malamig ang pagkakasabi niya ngunit may diin ang bawat salita.

"O...opo" sagot nito bago mabilis na umalis sa loob ng silid.

***************

Tanging mga ungol lamang at daing ang narinig ng mga tauhan mula sa silid ni Uno hanggang sa pasilyo. Halos kilabutan ang ibang mga tauhan habang nakabantay doon.Hindi na lingid sa kaalam nila ang tanging kahihinatnan ng dating kasamahan na si Bruno at natirang mga tauhan nito matapos ng palpak na pag-huli sa tumakas na Babae. Alam nila mula simula palang ang bagay na ito. Napapikit sila ng marinig ang ilang magkakasunod na putok ng baril.

Natapos ang mga daig at ungol nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Bumukas ang pinto at lumabas ang lalaking tinatawag na uno. Diretso lamang ang tingin nito sa daan at diretso ang paglalakad. Kagalang galang itong tignan,lalo na sa suot nitong itim na corporate attire,hindi mo mapagtatantong malala pa ito sa hayop kung hindi mo makikilala ng lubusan.

Agad na nagsiyukod ang ibang tauhang nadaanan nito. Wala ni Isa ang naglakas loob kahit manlang tinggnan ang amo. Agad na tumalima ang iba papunta sa inabandunang opisina para linisin ang kalat na naiwan. Ang masagang pulang likidong umaagos mula sa mga sugat at tama ng bala na bumaon sa katawan ni Bruno at ng mga tauhan niya. Kalunos lunos ito pero ni isa ay walang sinabi, wala kang sasabihin kung ayaw mung mapatid ang lubid ng buhay mo.

Patuloy na naglakad si Uno sa deserted na hallway bago makalabas sa pribadong bahagi ng Opisina ng isa sa mga kilalang kompanya sa lugar.

Bumukas ang elevator lulan ang mga impleyado na abala sa mga reports at papeles na kailangang dalhin sa ibat ibang departmentamento ng opisina. Puno ito ngunit ng makita kung sino ang kaharap ay agad nana nagsipag pulasan kahit na hindi pa dapat sila bababa. Walang sinabi si Uno at tahimik ng naglakad papasok ng elevator.

Inilabas nito ang dalang cellphone mula sa bulsa ng kanyang coat bago magdial ng isang numero.

"kill them" utos nito bago ibinaba ang tawag. Hindi na nag-aksaya pa ng panahong pagsalitain ang tinawagan.

Bumukas ang Elevator papalabas na sana si Uno ng makasalubong ang isang babaeng naka red fitted dress na hanggang kalahati ng hita lamang ang haba.

Yakap ng damit ang bawat kurba ng katawan nito,Mataas ang suot na stilletos at naka lugay ang mahabang golden blonde na buhok. Mapula ang mga labi nito dahil sa spotlight red lipstick at ang mga matang nadepina dahil sa eyeliner na inilagay dito.

"Eyes up here!" utos ng babae ng mapansin ang mga mata ng lalaking sinusuyod ang kabuuan niya.

"Done checking me out?" tanong pa ulit ng babae at nagtaas ng kilay bago nagpamaywang.

Glimpse of Death 1 Playing with the ReaperWhere stories live. Discover now