THE 9 GODDESSES #1 - "Out of the nine, who's next?"

7.7K 180 20
                                    

*THIRD PERSON’S POV*

“Okay, now pose! Fierce, fierce! Pak and pak! Yan! Kaboom na kaboom!” Sabi ng photographer sa siyam na babae na nagpopose para sa kanilang bago at first full length album. Fierce ang tema ng kanta kaya fierce rin ang posing nila. Halos mag-dadalawang oras na sila sa photoshoot na ito. Sila ang 9 GODDESSES, ang pinakasikat na girl group dito sa Pinas. Tinitilian at kinaiingitan ng mga babae, hinahangad at pinapangarap ng mga lalaki. Maraming haters pero mas lalamang naman ang mga fans na kung tawagin ay “Demi-gods”. Laking pasasalamat nila ng binigyan sila ng 10 minutes break.

“Leader, I’m sick and tired! Can we go now?” Tanong ni Stephaie kay Yeonnie, ang kanilang leader. Conyo kung papakinggan pero ganun talaga siya, laking USA kasi.

“Stephanie, first full length album natin ito kaya we have to work hard.” Payo ng leader sa Main rapper ng grupo. Umirap si Stephanie at umupo nalang sa bench at nag-instagram. Habang ang iba ay nagkakandaugaga dahil gust na magpahinga, si Jessica naman ay nag-iisang ngumingiti dahil sa fanfic na binabasa niya. Tungkol ito sa kanya, sa KANYA lamang. Ayon sa mga haters, siya ang “famewhore” at “Attention seeker” sa grupo. Well haters can keep on hating.

“Hannah, Hannah! Napakinggan mo na yung bagong kanta ng 2NE1?” Tanong ni Sunny kay Hannah, ang kanyang bestfriend sa grupo.

“Oo! Grabe ang ganda noh! Gusto ko tuloy sumayaw! D-O-Y-O-U-L-O-V-E-M-E.” Kanta ni Hannah.

“Do you love me?” Sabay na kanta nina Sunny at Hannah kaso napatigil sila ng tumayo si Alexandra ng padabog. Nasa pagitnaan kasi ito ng dalawang magkaibigan habang nagbabasa ng bagong libro ni Mitch Albom.

“Ingay naman.” Saad nito at umupo sa kabilang bench kung saan tahimik at wala masyadong nakaupo. Lumipat naman si Sunny sa kinauupuan ni Alexandra at tuluyan pa rin ang kanilang chikahan ni Hannah.

“Guys guys guys!” Sigaw ni Cinna dahilan para lumingon ang kanyang mga ka-grupo. “Nood tayo ng SAW VI pagkatapos nito total free time naman di’ba?” Sabi niya. Siya ang pinaka fan ng mga horror movies at kung ano-ano pang mga pelikula na pwedeng kakilabutan ng tao. Sasang-ayon na sana sila kaso tumutol si Fiona.

“Sa susunod na. Napag-usapan nanatin na papanoorin natin yung bagong movie ni Yoona di’ba? Tsaka ayaw ko rin nun. Kadiri!” Saad ni Fiona.

“KJ mo talaga kahit kailan Fiona. Corny naman ng bagong movie ni Yoona eh.” Opinyon ni Cinna. Palibhasa kasi ayaw sa romance, iniwan kasi siya ng boyfriend niya bago sila mag-debut. Kaya madalas ang pangalan ni Cinna ay Ice Princess.

“Pasalamat ka nasa CR si Yoona at hindi ka naririnig nun.” Sagot ni Fiona. Sa totoo lang ay nagtatae si Yoona pero sa kabila ng kanyang kondisyon ay gusto niya pa rin magtrabaho. Mahal na mahal niya kasi ang career niya. Bago kasi ito maging miyembro ng 9 GODDESSES ay isang tindera ito sa mga tiangge. Hangga’t sa naging miyembro siya ng 9 GODDESSES at naging kaliwa’t kanan ang film offers sa kanya.

“Cinna!” Tawag ni Alexandra kay Cinna. Lumingon naman si Cinna kay Alexandra. “May extra sanitary napkin ka? Mukha kasing magkakaroon ako eh.” Sabi ni Alexandra kay Cinna.

“Ah-eh, wala eh.” Sagot ni Cinna kay Alexandra. Bigla namang nag-doubt si Alexandra.

“Seriously, gumagamit ka pa ba nun?” Tanong ni Alexandra kay Cinna. Nautal naman si Cinna at hindi nakasalita. Buti nalang biglang nag-announce si Manager dahilan para sa kanya mabaling ang atensyon ng siyam na babae.

“Girls,” Sabi ng kanilang manager dahilan para tumutok sa kanya ang attensyon ng walong babae. “Nag-top one sa music show ang kanta niyong ‘Run devil run’. Based on polls at sa mga sales natin, one hundred percent akong sigurado na successful ang album na ito.” Sabi ng kanilang manager dahilan para magpalakpakan ang mga babae at staffs. “I was thinking about world tour. Payag ba kayo guys? Total sikat kayo sa mga South East Asia at East Asia countries. Rising naman kayo sa ibang regions and medyo nadidiscovered na kayo sa US.” Sabi ni Manager Dee.

“Sure.” Payag ng mga babae. Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Manager Dee. “Excuse me.” Paalam ni Manager Dee at lumabas para sagutin ang call. Pumunta naman sa harap si Cinna at nagsalita.

“Guys, alam niyo ba na itong pinag-phophoto shoot natin ay haunted?” Sabi ni Cinna.

“Talaga? Saan mo naman nakuha yan? Sa Gawagawakwento.com? Tss. Stop scaring us, Cinna.” Sabi ni Stephanie, ang pinaka-takot sa multo.

“I’m not joking, Steph.” Sabi ni Cinna at nilabas ang phone niya. “Sabi rito, dito ay minurder yung rookie group na Hotties kaya ngayon nagpaparamdam yung mga members ng group. Brutal daw ang pagka-patay sa kanila. May mga tinanggalan ng intestine, may mga pinugutan ng ulo at may mga tinanggalan naman ng matres. Few days later ay nahuli ang suspek, ang suspek ay ang photographer. Ang dahilan niya ay dahil baog siya. Baliw na daw ang killer kaya ganyan. Kaya daw tuwing 8:00 ng gabi ay may maririnig kayong mga nagsisigawan at may bigla-bigla na lang daw na may sisirit. At wag daw kayo pupunta sa Storage room dahil may makikita daw kayong babaeng naka-iti---“ Kwento ni Cinna kaso biglang nawalan ng kuryente at nakarinig ng parang sumabog dahilan para magtakbuhan ang grupo dahil sa takot. Hindi lang ang grupo ang tumakbo pati na rin ang mga staff. Habang tumatakbo palabas ay nakarinig sila ng sigaw o tili. Nagkaroon ng lokomosyon sa photo studio dahil sa nangyari. Kung titignan mo ay para silang nag-fire drill except walang apoy o walang nasusunog.

Nagkumpul-kumpulan ang mga tao sa labas ng photo studio. Nahuling lumabas si Manager Dee.  Nang binilang ni Manager Dee ang mga miyembro ng 9 GODDESSES ay may nagkulang. Naalala niya na nasa CR pa rin si Yoona. Lakas tapang na pumasok si Manager Dee. Responsibilidad niya ang grupo kaya dapat ligtas si Yoona. Dahil kung hindi, sira ang pangalan niya bilang best manager.

“Sasama kami, manager Dee.” Sabi ni Yeonnie. Pero tumutol si Stephanie.

“The heck?! Ikaw nalang, Yeonnie! Nakaktakot kaya!” Saad ni Stephanie.

“Nasaan ang concern mo, Stephanie? Pag namatay si Yoona dahil iniwan natin siya, makakaya ba yun ng konsensya mo?” Sabi ni Yeonnie.

“Alam mo naman ang meron sa studio na yan di’ba? What if kung magaya tayo sa Hotties? We have a lot of fans, we can’t disappoint them.” Sabi ni Stephanie.

“THAT’S THE POINT! Ma-didissapoint ang fans natin kung nawala ang isa sa atin. I’m not thinking nega pero paano kung patay na talaga si Yoona? Anong sasabihin natin?” Sabi ni Yeonnie.

“Stop it girls! Walang pupuntahan yang away niyo! May susunduin pa tayo sa loob. Kung gusto Stephanie, dito ka nalang. Ang gustong sumama, sumama! Ok lang naman sa akin na ako mag-isa.” Sabi ni Manager Dee.

“Dito lang kayo. Kami nalang ni Manager Dee.” Sabi ni Yeonnie. Matapos nun ay dumiretso na sila sa studio. Saktong pagkatapak nila sa entrance ng studio ay bumalik ang kuryente. Tumaas ang balahibo ng dalawa at nag-pawis. Kita sa hallway ang kanilang ginawang gulo. Nang nakarating ang dalawa sa lugar kung saan sila kinukuhaan ng litrato ay laking ikinagulat nila ang kanilang nadatnan.

Nakita nila ang photographer na pugot ang ulo at nasa loob ng bibig nito ang camera niya. Pareho pa rin ang mga damit na suot niya except may suot siyang kwintas, suot suot nito ang trademark necklace ng 9 GODDESSES. May nakasulat sa noo niya dahilan para lalong matakot ang dalawa.

“Out of the nine, who’s next?”

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

Sorry po kung sabaw na sabaw. T^T

Vote, Share and support.

THE 9 GODDESSESWhere stories live. Discover now